Chapter 3

135 6 0
                                    

NAGISING SI Rona sa isang hindi pamilyar na lugar. Nasa ospital ba siya? Pero hindi naman mukhang ospital itong kwartong kinalalagyan niya. Mukha nga itong kwarto sa isang mamahaling hotel. Bigla siyang napatayo. Naramdaman nanaman niya ang pagsigid ng kirot sa ulo niyang tinamaan ng pinto kanina. Kanina... tiningnan niya ang wrist watch niya. Alas kwatro na ng madaling araw! Siguradong nagpi-freak out na ang ate niya sa venue ng concert kakahanap sa kanya. Pareho silang malilintikan nito. Napalingon siya sa gawing kanan niya. Nakita niyang mahimbing na natutulog sa gilid ng kama ang antipatikong lalaking nakabangga sa kanya ng pinto. He was sleeping like an angel. Ngayon niya lang ito matamang napagmasdan. Man, he really was good-looking. Ang tangos ng ilong nito. Makakapal din ang mga kilay nito. Sa natatandaan niya ay maganda din ang almond shaped na mga mata nito. May hikaw ito sa kaliwang tenga. Mamula-mula rin ang mga labi nitong tila kay sarap halikan. Kung tutuusin napakagwapo talaga nito. At nasisiraan na siya ng bait dahil pinupuri niya ang antipatikong lalaking ito. Kung ganito nalang sana ito habang buhay at hindi nito ibubuka ang bibig, siguradong magugustuhan niya ito. Ang kinis ng mukha nito. Hahawakan niya sana ito nang bigla nalang itong gumalaw. Nang makita nitong gising na siya ay ngumiti ito. Natulala siya dito. He really looked cute smiling like that with his hair still messed up and sleepy eyes. Tila kay sarap haplusin ng mukha nito.

"You're awake. You still have drools all over your cheeks."

Ok. Times up for her fantasies. Mr. Oh-so full of his self was now back in action. Nagsalita pa kasi! Sa sobrang inis niya dito ay ipinunas niya ang kumot sa mukha niya. Tila nandidiri ito habang nakatingin sa kanya. Dinilaan niya lang ito.

"Nasaan ako?" tanong niya dito. "Diba, dapat nasa ospital ako?"

"Pina-check na kita sa doctor. Wala naman daw problema sa'yo." Tila bored na sabi nito. "You're in a guest room. This is Misha's house. Since mas malapit ito kaysa sa bahay ko"

"Misha?" nakakunot-noong tanong niya.

"Yes. Misha Masbaach. The vocalist and lead guitarist of the Scourge. Don't tell me you don't know him?" he rolled his eyes. "He's my cousin, by the way." Nagpapalatak ito. "You don't like me neither my cousin. Babae ka ba talaga?"

"Kilala ko si Misha." Ang yabang talaga ng lalaking ito. "Hindi lang ako kagaya ng ibang parang mawawala na sa sarili makakita lang ng gwapo. You're not even my type."

"Bakit? Ano bang gusto mo sa lalaki?"

"Kamukha ni Sasuke."

"You're a weird woman."

"Why? Because I don't waste my time running after boys?"

"Yes. Mostly, ang mga nakikilalang kong babae, eh, makakita lang ng lalaki parang mga ewan ng nawawala sa sarili. How come you're not like them?"

"Pinanganak kasi ako ng walang taglay na kalandian sa katawan. Nakuha 'yata lahat ni ate." Napasinghap siya. Oo nga pala. Ang ate Xhec niya! Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan. "Thirty missed calls and sixty messages?! Damn, I'm dead!" dali-dali siyang tumayo at kinuha ang bag pack niya. "I have to go. Can you show me the way out?"

"Ihahatid na kita." Tumayo na rin ito at iginiya siya sa palabas. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto. "After you, pretty lady."

Ano daw? Tinawag siya nitong pretty lady? Paano siyang magiging pretty, eh, oversized shirt at pants lang ang suot niya? Ano nanamang kabalbalan ang pinaplano nito? Nang marating nila ang garahe ay napanganga siya---literally. Nakahilera kasi doon ang anim na mamahaling kotse na sa mga magazines niya lang nakikita. Just how rich this guy is?

"Sa'yo ba 'to?" tanong niya dito.

"Nope. Kay Misha 'to. Pumili ka na ng gusto mong kotse at ihahatid na kita. Hindi ko kasi nadala ang kotse ko. Pinasundo niya lang ako sa driver niya." Cool na cool na sabi ito.

He Could Be The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon