Chapter 1

352 8 0
                                    

PARANG natanggal lahat ng tutuli sa tenga ni Rona nang tumili ang ate niyang si Xhec. Kasalukuyan itong nanunuod ng tv. Featured kasi sa isang show ang ultimate crush nitong si Misha. Kasalukuyang ini-interview ang binata at tutok na tutok ang ate niya. Mula nang sumikat ang banda ni Misha ay halos araw-araw na siyang napupurga sa binata. Mula umaga kasi hanggang gabi ay ito ang bukangbibig ng ate niya. Kung pwede niya lang ngang pasakan ang bibig ng ate niya ay matagal niya ng ginawa. Nakukulili na kasi siya sa kakabanggit nito kay Misha.

"Misha, my love. Kailan ba tayo magkikita? Nangangati na ang mga kamay kong mahawakan ka." Nakapangalumbabang sabi ng ate niya. Tila nananaginip ito ng gising.

Binuksan niya ang component nila at nagpatugtog ng kanta ng Paramore. Dahil sa ginawa niya ay naharangan niya ang tv. Napuno ng boses ni Hayley ang sala nila.

"Rona Cordova Aldaba, what do you think you're doing?" nanggagalaiting sabi ng ate niya.

Nakangiting nilingon niya ito. Tila anumang oras ay dadaluhungin na siya nito para lang umalis sa tapat ng tv. "Oh, I'm sorry. Am I blocking your view?"

"Duh. Pwede bang lumayas ka diyan? Hindi ko makita si Misha ko."

Tila modelong nagmartsa pa siya sa harap nito. Nang makita niyang babatuhin siya nito ng unan ay saka lang siya nagmamadaling umalis sa harap nito. Ngingisi-ngisi pa siya.

"You're obsessed, Xhec."

"Mas matanda ako sa'yo. Matuto kang gumalang."

"Paano ba 'yun?"

Inambahan siya nitong babatuhin ng remote. Tatawa-tawa lang siya habang binabagtas ang daan papunta sa bakuran nila. Naabutan niya doong nagsasampay ang Mama niyang si Maria Fe. Sabado ngayon kaya naroon ito sa bahay nila sa isang maliit na barangay sa Laguna. Isang kasing elementary teacher ang Mama niya. Ang Papa naman niyang si Rex ay isang trisikel driver at kasalukuyang namamasada. Ang ate Xhec niya ay nagtatrabaho sa isang call center at graveyard shift ito. Pero imbes na matulog, hayun at nagpapakalango sa Misha nito. Siya naman ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sa Everson University, isang public university na malapit lang sa kanila, sa kursong Information Technology. She was nineteen years old. Bago pa man siya makalapit sa Mama niya ay dumaan sa tapat nila ang kapitbahay at kababata niyang si Lian. Kasama nito ang mga kabarkada nitong tambay sa computer shop.

"O, Rona. May laban mamaya. Sali ka?" tanong ni Lian. Nakasandal ito sa gate nila habang nakahalukipkip.

Imbes na sa Mama niya siya lumapit ay sa mga ito siya pumunta. "Magkano ang pusta?" tanong niya. Ang tinutukoy nitong laban ay ang labanan sa online game na Defense of the Ancients o DOTA. Tuwing may mga nanghahamon sa mga ito ay laging hindi siya nawawala sa listahan ng mga kasali. Hindi naman sa nagyayabang siya pero magaling siya sa larong iyon. Sa lugar nila sa Laguna ay walang makatalo sa kanya. Mula nang matutuhan niya kung paano ang diskarte sa larong iyon ay wala ng makatalo sa kanya. Tirador kasi siya ng online games. Pero hindi lang online games ang kinahihiligan niya. Kahit nineteen years old na siya ay mahilig pa din siya sa anime. Pero hindi kagaya ng ibang mga babaeng ang gustong anime ay 'yung mga love story. Ang gusto niyang mga genre ay adventure, horror at suspense. Pwede ring gore o 'yung mga anime na madugo. Depende lang sa trip niya.

"Five hundred each daw. Ang yayabang. Turuan mo nga ng leksyon."

"Call." Napangisi siya. Siguradong sila ang magwawagi doon. May pambili na siya ng DVD ng Fairy Tail.

"Sige. Punta ka nalang sa shop ni Kuya Erwin mamayang alas sais." Anito. Paalis na sana ito pero bigla itong bumaling uli sa kanya. "Oo nga pala huwag kang pangisi-ngisi diyan. Mukha kang adik."

He Could Be The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon