Chapter 10

315 10 1
                                    

NAGISING si Rona nang maramdaman niyang may humaklit sa mga kamay at paa niya at binuhat siya. Agad na humiwalay ang lahat ng espiritu ng antok sa katawan niya kahit isang oras palang siyang nakakatulog. Magdamag siyang umiyak dahil nalaman niyang ngayon na gaganapin ang kasal nina Jirayu at Pin. Ang mga pinsan ni Jirayu ang nakita niyang nakatayo sa may pinto at ang mga talipandas na humaklit sa kanya ay sina Marione at Corinth.

"Ano ba? Wala ba kayong alam gawin ng ganito kaaga at nambubulabog kayo ng mga nilalang na natutulog? Kung ayaw niyong matulog, magpatulog kayo. Peste!" tungayaw niya. Binawi niya sa pagkakahawak ang kamay at paa niya. Babalik sana uli siya sa pagtulog nang hilahin siya ni Marione patayo. "Ano ba, Mar?"

"Cool ka lang, Ron. Tumayo ka diyan. Gusto ka nilang kausapin." Anito at nilingon sila anim na pinsan ni Jirayu. Nakilala niya ang mga ito sa party at nung nag-propose si Ike kay Marione.

"Anong kailangan niyo?" angil niya sa mga ito. Nakakainis! Pinipilit niyang kalimutan si Jirayu pero nandidito sa harap niya ngayon ang mga pinsan nito kaya back to square one nanaman siya.

"Mahal mo ba si Jirayu?" tanong ni Misha.

"Oo." Walang ka-abog-abog na sagot niya.

"Kung gano'n, bakit hindi mo siya pinaglaban?" ani Jeremy.

"I can't. he's getting married." Naramdaman nanaman niya ang pagbabanta ng mga luhang hindi niya alam kung saan nanggagaling dahil hindi maubos-ubos.

"If you love him, then you should fight for him." Nakakunot-noong sabi ni Ike.

"Sabi mo nga, 'he's getting married' not 'he's married'." Ani Damon.

"What do you expect me to do? Agawin siya kay Pin? That's not fair." Nakatungong sabi niya.

"All is fair in love and war." Nakangiting sabi ni Jeremy.

"At nakikita naming napipilitan lang si 'Insan sa kasalang iyon. That's why we are here. Ikaw lang ang ang makakapigil sa kasal nila ngayon."

"I just can't."

"You can. You love him, right. You can't just give up. Let's go."

Dali-dali siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili. Oo nga naman. Mahal niya si Jirayu kaya kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya ito igi-give up. Bakit ba ngayon niya lang naisip iyon? Ngayong malapit ng mahuli ang lahat? Kailangan niyang magmadali. Hindi niya makakayang mawala sa kanya si Jirayu. Minsan lang siya magmahal kaya sisiguraduhin niyang worth it iyon. Kay Jirayu nakasalalay ang kaligayahan niya. And she was not about to give up her happiness. Dali-dali siyang sumakay si Misha. Dahil mabilis talagang tumakbo ang kotse nito ay wala pang kalahating oras ay nakarating na agad sila sa simbahang paggaganapan ng kasal ni Jirayu.

Nakasarado na nag pinto ng simbahan. Nagtatakbo siya palapit sa pinto at buong lakas na itinulak ang pinto. Nang magkaroon ng konting siwang ang pinto ng simbahan sumigaw siya.

"Itigil ang kasal!" she screamed with all her might.

Pero nang tuluyang bumukas ang pinto napatanga siya nang makita niyang walang tao sa simbahan. Oh, no. Tapos na ba ang kasal? Was she too late? Nahahapong napaupo siya sa may bukana ng simbahan. Naramdaman niya ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa mga mata niya. She cried her heart out. Wala na ang lalaking mahal niya. Kahit kailan ay hindi na ito magiging kanya uli dahil iba na ang nagmamay-ari dito. The thought of Jirayu vanishing in her life forever makes her want to weep in misery. She was hurting so bad. She even felt that breathing was so difficult to do. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na may ganito palang kasakit na damdamin ang nag-eexist sa mundo.

He Could Be The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon