Chapter 4

139 7 0
                                    

HAPON nang mapagpasyahan ni Rona na magtungo sa SM Sta. Rosa. Nabo-bore na kasi siya sa bahay nila at napagpasyahan niyang bumili ng soundtrack ng One Direction. Hindi naman siya mahilig sa mga boybands na kagaya nito pero nagustuhan niya ang mga kanta ng grupo. Nasa kalagitnaan na siya ng pawi-window shopping nang magutom siya. Sakto namang nasa tapat na siya ng Jollibee kaya pumasok na siya sa fast food chain at pumila sa counter. Nang makabili ng kakainin ay humanap siya ng bakanteng table. Malas namang wala siyang makita. Ano 'yun? Kakain siya ng nakatayo? Pero talented naman siyang tao. Kayang-kaya niyang gawin iyon. Still... wala siya sa mood na kumain ngayon ng nakatayo. Naagaw ang atensyon niya ng isang lalaking naka-upo sa isang sulok. Wala ng laman ang plato nito at paubos na rin ang coke float na iniinom nito. Asar, ha? Gawin daw bang tambayan ang Jollibee? Nilapitan niya ang pwesto ng lalaki pero habang palapit siya ng palapit ay pakunot naman ng pakunot ang noo niya. This guy was so familiar. Napangisi siya nang makilala niya ito. Pumuwesto siya sa kaibayong upuan nito.

"May nakaupo na ba dito?" umiling ang lalaki. Nanatili pa rin itong nakayuko. He just adjusted his bull cap and dark shades. Umupo siya. "Paupo, ha?" tumango lang ito. Sinimulan na niyang lantakan ang inorder niyang pagkain habang pinagmamasdan ang lalaki sa harap niya. Nakayuko pa rin ito na tila takot na takot na makita niya ang mukha nito.

Pagtripan niya kaya ang timawang ito? Hinalukay niya sa isip ang pangalan ng babaeng tinatakbuhan nito noong nakaraang gabi. Ano nga iyon? Shirley? Oo nga.

"Hi, Shirley! Over here! What took you so long?" maarteng sabi niya. Ginaya niya 'yung boses ng mga sosyal na babae.

Biglang nag-angat ng tingin ang lalaki at kitang-kita niya ang pamumutla ng mukha nito. Hindi niya napigilan ang sarili at napahagalpak siya ng tawa. Tinanggal ni Jirayu ang suot nitong dark shades at tinignan siya ng masama. Hindi pa rin siya matigil sa kakatawa. Napansin niyang napapalingon na sa kanila ang ibang customers pero hindi niya pa rin magawang tumigil sa pagtawa.

"Tumigil ka na." asar na sabi ni Jirayu. Her answer was another laugh. Hindi niya talaga mapigil na tumawa kapag bumabalik sa isip niya ang reaksyon nito kanina. "Tumahimik ka na sabi. Kapag hindi ka pa tumugil diyan kakatawa, hahalikan kita."

Hindi man lang siya na threaten sa pananakot nito. Instead, she just continued laughing. Pero unti-unting napalis ang tawa niya nang mapansing malapit na malapit na ang mukha ni Jirayu sa mukha niya. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay nasakop na rin siya ng bull cap nito. Hindi niya maigalaw ang katawan niya dahil alam niyang konting galaw lang ay magdidikit ang mga labi nila. Nakita niyang napatingin sa labi niya si Jirayu. She unconsciously licked her lips. Napakurap-kurap siya. Kitang-kita niya ang amusement sa mga mata nito. Doon niya nalamang nagbibiro lang ito. Pero nakita niya sa mga mata nito kanina ang kagustuhang halikan siya. He really looked like he really wanted to kiss her. Ipinilig niya ang ulo. Nakabalik na uli ito sa dati nitong pwesto. Hindi man siya harapang tinatawanan nito, kitang-kita niya naman ang kakaibang kislap sa mga mata nito kaya ang tingin niya dito ay tumatawa pa rin. Binato niya ito ng kinumuyos niyang tissue. Doon na ito tuluyang natawa.

"What?" asar na tanong niya.

"Nothing." Tumigil na ito sa pagtawa but she could see that he was just suppressing his smile. Tumikhim ito bago magsalita. "So, how did you know it was me?"

"Maybe because you're still wearing the same clothes." Sarkastikong sabi niya.

"Oh." Saglit na tinapunan nito ng tingin ang suot nitong blue shirt, black jacket, jeans at sneakers. "Hindi pa kasi ako nakakauwi kaya hindi pa ako nakakapagpalit. I mean, hindi sa bahay ko. Sa bahay ni Misha. Kailangan ko muna kasing ibalik itong kotse niya."

"Saan ka ba nakatira?"

"Sa Sta. Rosa."

"Bakit hindi ka nalang umuwi muna sa bahay mo saka mo ihatid 'yung kotse?"

He Could Be The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon