Chapter 6

123 4 0
                                    

NAKAPANGALUMBABA si Rona sa garden nila. It's been three days since she last saw Jirayu and she missed him so much. Inamin niya na sa sarili niyang crush niya ito. Pero hanggang doon lang ang gusto niyang aminin. Hindi niya na gustong mas lumalim pa sa crush ang pagkagusto niya kay Jirayu. Ayaw niya.

Bored na bored na talaga siya. Natigil lang siya sa pagumukmok niya nang may tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay si Lian ang nakita niya. Kasama uli nito ang mga barkada nito.

"Huy! Mukha ka nanamang nasisiraan ng bait. Ano bang problema mo?" tanong nito.

"Mamamatay na ako sa sobrang pagkabagot." Nakasimangot na sabi niya.

"Tara sa shop. May laban ngayon. Bumawi ka sa amin dahil hindi ka sumipot nung nakaraan. Natalo tuloy kami."

"Tara."

Tumayo siya at sumama sa mga ito papunta sa shop. Mabuti pa ng siguro at maglaro nalang siya. Baka sakaling makalimutan niya si Jirayu. Nandoon na rin pala ang mga makakalaban nila. Pinagtawanan pa ng mga ito ang team niya dahil daw may babae silang kasama---siya 'yun. At iniisip ng mga itong minamaliit ng mga kasama niya ang mga makakalaban nila.

No one dares to laugh at me---Rona Cordova Aldaba.

Ilalampaso niya ang mga ito. Si Mirana ang gagamitin niyang hero para talunin ang mga ito. Nang magsimula ang laban ay nag-focus siya. Humanda ang mga lalaking ito dahil hindi niya mapapatawad ang pangmamaliit ng mga ito sa kanya. Bumili siya ng mga gamit na sigurado siyang kakailanganin niya para mapabagsak ang mga ito. Inuna muna niyang atakihin ang mga creeps. Nang maipon niya na ang mga gamit at marami na siyang pera ay nagsimula na siyang umatake. Una siyang pumunta sa mid. Walang awang pinatay niya sina Krobelus at Nevermore na hero ng mga grupong kalaban niya. Nagteleport siya papunta sa right side. Pinatay niya naman doon sina Razor at Wind Runner. Lumipat agad siya sa left side at pinatay ang natitirang kalaban na nandoon---si Lich. Ginamit niya ang second skill ni Mirana para i-stun ang kalaban. Sunod ay ang third skill para makatalon siya sa palapit dito. Ginamit niya ang super skill ni Mirana para maging inivisible siya saka niya ito inatake ng first kill. Napangisi siya.

"Ultimate Rampage! Mga noobs!" humalakhak pa siya nang makita ang itsura ng mga ito. Tila hindi makapaniwala ang mga kolokoy na siya ang nakapatay ng sunod-sunod sa mga hero ng mga ito.

"Ano kayo ngayon? Pagtatawanan niyo pa ang prinsesa namin dito?" nakangising sabi ni Lian.

Tila napahiya ang mga kalaban nila sa nangyari kaya mas nagseryoso lalo ang mga ito. Hindi na ito nagpapadalos-dalos na lumapit sa kanya. Pero nahahalata niyang pinanggigigilan siya ng mga ito. From time to time ay may napapatay siya.

"Sugurin na natin ang tower nila, mga amaw! Push!" sigaw niya. Engrossed na engrossed na siya sa laro.

This was why she loves online games. It gave her unexplainable happiness than any other things can give. Kahit kailan talaga ay hindi pwedeng mawala sa sistema niya ang online games. Siguradong masisiraan siya ng bait. Aatake na sana siya nang biglang may umalis ng headset niya.

"What the hell---" napanganga siya nang mapagmasdan niya ang mukha ng lalaking ilang araw ng gumugulo sa isip niya. Damn! He was so handsome leaning like that while giving her his smile that can drive every girl crazy over him.

"Masyado ka yatang busy, Miss?" bulong nito sa tenga niya. May kiliting hatid ang ginawang iyong ng lalaki. That gesture awakened different emotions inside her. Nanatili lang siyang nakatulala sa lalaki. Nakalimutan niya ng nasa loob siya ng computer shop at nasa kalagitnaan siya ng laro.

"Onang! Mamamatay ka na! Inaatake ka nila!" sigaw ni Lian.

Tila noon lang siya nagbalik sa tamang katinuan. Pagtingin niya sa monitor ay napatay na siya ng mga kalaban nila at thirty seconds pa bago mag-respawn ang hero niya.

He Could Be The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon