Nagkaroon naman ako agad ng kaibigan. Well, Hindi madami but 2 is enough. Hahaha Si Mush ay isang maganda at dakilang bakla. He stood well inside the class. Kasi daw ayaw nyang ma bully dahil nga bakla sya kaya dapat maging matalino siya para hindi sya ma argabyado. Si Jenny Jade o Jade nalang ay isang napaka walang hiyang babae. Malakas ang trip at malakas ang boses at sobra makatawa parang walang bukas.
They both nice to me. Kaya napagpasya ko na tanggapin sila sa binubuo kong kapatiran. Hahahahaha
Lunch break at Caf.
"Hoy! Te, ingatan mo naman yang lalamunan mo!" Sigaw sa akin ni mush while giving me a slight slap. Hindi naman masakit kaya keri lang.
"Oo nga te! Ang payat mo. Pero kung kumain ka parang may dragon sa tyan mo!" Sabi naman ni jade na may matinding hampas sa mesa. Teka! Sobrang nakakatawa ba? Letch!
Hindi ko sila pinansin panay parin ang kain ko. Tawanan lang ang dalawa. Bahala sa kanila basta ako gutom ako. OO, PATAY GUTOM!
I was about to look at some girls ng biglang may bumaling sa paningin ko. Isang napaka gwapong nilalang naglalakad patungo sa kinaroroonan namin. Habang nakalagay sa bulsa ang mga kamay nya. Ang gwapo nya talaga! Sabi ng maliliit na boses ko sa isipan.
Bigla naman nawala ang muni muni ko ng bigla itong umupo sa tabi ng table namin. Actually, may tao kanina dun. Pero ng tinignan nya ng masama ay biglang kumaripas ng takbo.
Tumingin lang eto sa amin. Dedma ko lang naman. Kasi kumain parin ako. Bigla ko tuloy naalala na naman ang nangyari noong first day.
Flashback*
"Hi everyone, I'm Sophia Sharlotte Sison." Sabi ko while giving them a sweet smile. "I'm a transferee from Korea. Well, actually, it's a Filipino International School." Sobrang dami kong sinabi pero wala namang kwenta. Para lang may masabi kaya ayun! Umupo na ako.
After Chemistry class may biglang nag salita sa likuran ko.
"So it's Sophia," He smirked as i looked at him at my back.
Yung totoo kabute ka noh? Ulol!
End of Flashback
BINABASA MO ANG
SECRETLY LOVING YOU
Teen FictionAll girls have experienced to fall inlove, of course. But some girls choose to keep it secret because they don't want to be hurt. Let's face the reality, girls can't always have the guy they dreamt of. YES, Reality it is. But some girls keep it secr...