Destiny romance
Part 2
By : mr.nightmare
-------
NAPALUHA si sam ng maalala nya ang lalaking minahal nya ng 4 na taon. Kahit di man nya gustuhing balikan ang ligayang pinadama ni jay sa kanya noon,ni hindi parin maalis sa isipan nya. Masasaktan at masasaktan parin siya.
"jay, bakit ganito parin ako, di ko maiwasan na kalimutan ka. Gusto ko ng sumusunod sayo. KUNIN MO NA AKO00.. ISAMA MO KO JAYyyy.. Huhuhuhu." napalakas ang pagsigaw ni sam.
>Malamig...
>Lakas ng hangin na dumampi sa katawan nya..
>Parang may humalik na hangin sa labi nya..
Biglang lumakas ang ihip ng hangin sa paligid ng Matapos niyang isigaw ang katagang yun, habang nakatayo siya sa dagat. Di niya inaasahang makaramdam ng panglalamig, takot o saya sa nakita at naramdaman nya.
Takot kasi totoo ngang nandiyan lang sa tabi ang mahal nya.
Saya dahil di siya iniwan at pinababayaan.
nalulungkot si jay na nahihirapan si sam sa pagkawala niya na alam nito na maiiwan si sam.
Hindi niya inaasahan na ibibigay ni jay ang sign na hinihingi sam.
Mga palatandaang pumayag si jay na magmahal siya ulit ng ibang lalaki. Mga sign na hiningi sa kanya ng lalaki din na minahal niya si sam.
Pinulot ni sam ang isang bote na nasa kanyang paanan, habang sinubsob ang paa sa dagat.
Sa loob ng bote ay mayroong pulang rosas,meron ding piraso ng papel. Umupo ulit sa bato si sam tiningnang paikot-ikot ang bote parang mamahalin. Sa isip ni sam habang naalala nya parang nakita na nya iyon n00n pa. Pero hindi niya maalala kong saan nya nakita.
Kinuha ang papel sa loob, tiningnan kong an0 ang laman. Isang liham na tantya nya ay lalaki ang nag sulat nito.
'kung sino man ang taong makakapulot ng boteng ito. Sana ikaw na ang maging future ko. Sana ikaw na ang papawi sa sakit na pinadama ng dati kong girlfriend.
Sabi nga ng kapatid ko na bago siya pumanaw.
Hindi dapat ipilit ang puso kong isa lang sa inyo ang nagmamahal, masasaktan ka parin sa bandang huli.
Kung sino ka man sana ikaw na nga ang magpapasaya sa buhay ko.
Nagmamahal: AJ,S .'
"ang baduy naman ng nagsulat nito. Hahaha." Napawi ang luha ni sam kahit panandilian lang.
Naalala nya bigla ang lalaking minahal niya si jay ng nabanggit ni aj,s ang pagpanaw ng kapatid niya. Nagpapasalamat parin sya sa nagsulat dahil panandaliang nawala sa isip niya at naalis sa isipan si jay.
Tuluyan na ngang nilisan ang dagat, dala-dala ang boteng nakita. Pag-uwi nya sa bahay ay naabutan nya ang kanyang mama na nagdidilig ng mga halaman sa bakuran nila.
"oh... Sam san kaba galing maaga kang umalis kanina at tinanghali ka na ng uwi." Ani mama.
"ahh.. Jan lang po ma, naglilibot." Sam.
"kumain ka na dun..para magkaroon naman ng laman iyang tiyan mo." mama.
"sige po kakain na po ako." Sagot naman ni sam.
Palakad niyang tinungo na ang pintuan biglang parating ang kapatid niyang hinihingal.
"kanina pa naghahanap sayo si carlo yang kapatid mo. Kumain ka na rin don saluhan mo nalang ang kuya sam mo." Mama.
"oh.. Carlo kumain na tayo." Sam. Sabay kamay sa kapatid ko.
"oh sya sige kuya kanina pa nga kita hinahanap eh. Gutom na nga ako." Sagot naman ni carlo habang yakap ang tiyan at hingal takbo palapit sa kay sam.
@kitchen.
Habang naghain siya sa kusina para sa kanilang makakain ng kapatid na si carlo. Nilapag nya mona ang bitbit na bote sa mesa.
"Kuya sam, ang ganda po ng boteng yan saan po ba galing binili mo." Carlo.
"hindi nakita ko lang pa lutang-lutang sa dagat habang nakaupo ako doon kaya kinuha ko nalang at dinala dito." Sagot ni sam sa kapatid.
"Sa dalampasigan kayo galing ate mula kanina pa." Carlo.
"oo.." Sam.
"Kuya parang nakita ko nang boteng yan di ko lang alam kong saan." Carlo.
"ako nga din kanina eh.. Ganun din iniisip ko baka kahalintulad lang diba." Sam.
"Sabagay kuya.. Baka magkatulad lang." Carlo.
"Tapusin na natin tong pagkain natin para makapagligpit na ako at maghuhugas din." Si sam.
--------
*flash back*
kilabot na nararamdaman ni sam habang dun sa dagat.
@jay soul ¤.
¤ayaw kong masasaktan ka mahal ko. Diba sabi ko n0ng hindi pa ako nawala sayo. nakipaglaban sa kamatayan ko. Ako ang gagawa ng hakbang para makakalimutan mo na ako." Habang tumabi sa kinaupuan ni sam.
"jay, bakit ganito parin ako,di ko maiwasan na kalimutan ka. Gusto ko ng sumusunod sayo. KUNIN MO NA AKO00.. ISAMA MO KO JAYyyy.. Huhuhuhu." napalakas ang pagsigaw ni sam kahit alam niyang may mga tao.
¤hindi ka pweding mawala, masaya na ako kong san man ako ngayon basta babantayan kita.
>Malamig...
¤hinawakan ni jay ang kamay at mukha ni sam.
>Lakas ng hangin na dumampi sa katawan ko..
¤unti unting nilapit ang labi ni jay sa labi ni sam.
>Parang may humalik na hangin sa labi ko..
¤matagal na humalik ito sa labi ni sam.
Matapos halikan ni jay si sam ay may nasabi siya.
¤hindi magtatagal mahal, makikilala mo rin ang lalaking mamahalin mo at mamahalin ka ng buong puso.
===
@back to kichen habang kumain si sam at kapatid na si carlo.
"oh sam at carlo, maiwan mo na nakin kayo dito ha. Pupunta muna ako sa palengke may bibilhin lang ako." Mama.
"oh sige ma. Ingat po kayo." Sagot ni sam.
"pweding sumama nalang po. Tapus naman din akong kumain eh." Sambat ni Carlo.
"ok lang ba sam isama ko kapatid mo." Mama.
"sige po." Sa pagpayag ni sam.
Umalis na nga sila carlo at ang kanyang ina naiwan si sam sa bahay na mag-isa.
---------
Itutuloy.......