mdr 6

178 4 0
                                    

My destiny romance

Part 6

By : mr.nightmare

-------

-pov aj sa pinas -

Nakarating na ako mula states. Tinungo ko ang bahay namin at pagdating ko man ng mga ilang minuto. Saglit lang ay umalis din agad-agad naglilibot-libot kahit saan makapunta, kahit saan abutin ng lipas oras.

Habang ako'y nag da drive ng aking sasakyan patungo kong di ko alam saan ako dadalhin ng aking mga paa. Meron akong nakitang isang lalaking nadaanan ko na vendor sa daan. Nagbibinta siya ng mga iba't-ibang klasing mga bote. Pero isa lang ang nagustuhan ko. Tiningnan ko palang iyon mula sa kotse ko. Nabibighani na ako parang may isang majikang nakabalot sa bote na hindi ko man lang kayang bitawan ng tingin ang bote. Parang nangangakit sa ganda.

Wala akong dalawang isip na nilapitan ang vendor at tiningnan ko talaga ng malapitan ang boting nakita ko.

Habang pababa ako ng sasakyan nilapitan ko agad iyong vendor. Tiningnan ko ng malapitan yung nakita kong bote na parang mamahalin tinaas ko at paikot-ikot kong tiningnan iyon. Wala talagang makitang hindi ka magagandahan sa hitsura ng bote.

Isang boteng may nakalagay na bulaklak sa loob at may piraso din na papel. Para talagang nan

"hijo...ako saiyo bilhin mo na lang iyang boting hawak hawak mo." Ani ng vendor.

"maganda po ito ah..at para din pong antique magkano po." Sagot ko sa matandang vendor.

"mura lang iyan 200." Sabi naman ng vendor.

"bilhin ko po ito ang ganda po kasi nito eh. Ito po oh keep the change." Pagbili ni ko sa bote. Sabay bunot ng pera sa bulsa at bayad ko sa vendor.

Tumalikod na ako para umalis ng biglang nagsalita ang vendor.

"hijo...ako sayo sulatan mo iyang papel na nasa loob, kahit konting liham na galing sa puso mo. Tapos ipasok mo uli sa bote ang papel at itapon mo sa dagat." Saad ng vendor.

"sayang itapon ganda po nito, sayang din ang bayad." Ako natawa kong sagot sa vendor.

"wag kang mag alala hijo. Huwag kang masasyangan may kapalit na ligaya ito para sa iyo.... Makikita mo rin ulit iyan sa taong makakapulot ng boteng iyan." Vendor.

"nagbibiro po ba kayo ano." Ako.

"hindi ako nagbibiro hijo." Sagot ng vendor.

"paano po.." ako.

Ako'y nahihiwagaan sa isang lalaking vendor na iyon. Kasi matapos kong mabili ang bote ay agad naman niyang niligpit ang iba.

"bakit po ninyo niligpit po iyan marami pa po yan ah.." ako sabay Turo sa mga bote.

"ah sa iba na ulit ako magtitinda. Wala na kasing mga taong bibili dito eh." Sagot ng vendor.

"ganun po ba." Sagot ko naman.

"oh sige hijo. Hah basta iyong sinabi ko sayo gawin mo agad." Ani vendor niligpit na nga ng vendor lahat ng bininta nya.

"sige po manong ingat po salamat din po." Sagot ko naman.

"wag kang mag-alala malapit na din kayong magkakilala ng taong nakatakda mo." Vendor.

"kong di lang si sam wag nalang siguro." saisip nya lang ito nagsasalita. "sana nga po makilala ko na." Dagdag naman ito sa sinasabi ko sa vendor.

Biglang magsalita sana siya nawala ang vendor parang bula. Hinanap niya sa kiliwat kanang tingin ngunit wala talagang nakita si aj.

Umalis na ang vendor. Ako naman ay sumakay na ng sasakyan ko.

Kumuha ako ng ballpen at sinulatan ko nga ang papel na nasa loob ng bote.

'kung sino man ang taong makakapulot ng boteng ito. Sana ikaw na ang maging future ko. Sana ikaw na ang papawi sa sakit na pinadama ng dati kong girlfriend.

Sabi nga ng kapatid ko na bago siya pumanaw.

Hindi dapat ipilit ang puso kong isa lang sa inyo ang nagmamahal, masasaktan ka parin sa bandang huli.

Kung sino ka man sana ikaw na nga ang magpapasaya sa buhay ko.

Nagmamahal: AJ,S.'

------

Naghanap ako ng malapit lang na dagat. Ginawa ko nga ang gusto ng vendor baka sakali lang kong magkatotoo.

Sa pagdating ko sa dagat agad kong pinapark ang sasakyan naglalakad ako. Maganda ang mga buhangin kulay puti, at kulay asul ang tubig dagat.

Meron akong nabanggang lalaki sa paglalakad ko sa dagat. Maganda ang katawan, maputi iyon sa tingin ko parang nakita ko na iyon noon pa. Isip lang ako ng isip sa oras na iyon, para malaman ko kong saan ko nakita ang lalaking iyon.

"parang natatandaan ko nakita ko ng lalaking yun pero di ko alam kong saan." Sa isip.

"alam ko na sa coffee shop si sam iyon bakit umiiyak siyang patakbo." isip.

sabay lingon kay sam.

Hindi ko siya malapitan dahil bilis kasing tumakbo, pero naiwan sa mga mata ko ang kaputian niya. Sa tingin ko mas matamlay na katawan niya hindi tulad ng dati kaya hindi ko siya nakilala agad.

Pero hinayaan ko muna siya hindi nalang ako sumunod sa kanya kasi bigla nalang siyang nawala sa paningin ko.

"Magkikita sana tayo uli sam." Sabi niya sa sarili.

Nasa tapat na ako ng dagat, ginawa ko na nga ang sinabi ng vendor sa akin.

Tinapon ko ang bote sa dagat, malakas na malakas.

Umabot sa malayo na hindi ko man lang alam kong nasaan na dahil di ko na ito nakita.

Sino kayang makakapulot nun totoo kaya ang sinabi ng vendor sa akin na makita ko na ang taong bibihag ng puso ko.

Patingin-tingin ako kung saan pumunta ang lalaking naka bangga ko si sam ngunit wala na akong talaga akong nakita. Hindi siguro kami ang nakatakda.

Napaupo na ako sa buhangin habang dinama ko ang mga ihip ng hangin, ang init mula sa dagat mga alon sa tubig.

'nakita ko na ang lalaking minahal ko mula noon pa pero di ko malapitan man lang.' Ako sa isip ko.

Nokia tune...

Tumun0g ang cellphone...

Mommy calling..

Accepted...

Yes, mom bakit po.

Hijo.. May meeting ako hanggang bukas din siguro kaya ngayon paalala ko sa iyo kaw na munang magpunta sa tita alma mo bukas.

Ok mom.

Sige anak, sa susunod na araw pa ako uuwi jan. Bye!

Tot. .tot. .tot. .tot

end call....

Tiningnan ko nalang si sam sa huling pagkakataon.

Tumayo na ako para makakauwi na din. Pumasok ako ng sasakyan at tinungo ang bahay pinagluto na ako ng katulong namin. Kumain na din ako..

Matapos kung kumain ay pumasok ako sa kwarto ko dahil nga sa sakit ng aking katawan.

Nakahiga na ako sa kama, biglang naalala ko uli si sam. kahit di ko man na pilit isipin siya bigla lang lumabas sa isip ko ang pogi niya kahit matamlay ito. Nakita ko ang hitsura ng kanyang mukha at katawan. Parang umaakit sa pagkalalaki ko na maging bakla na ba ako.

Nakatulog din ako sa kakaisip sa kanyang alindog at angking gwapo, umibig na ba talaga ako sa kanya o sa kalibugan ko lang na nakasanayan ko pero minahal ko nga siguro siya. Hindi siguro mahal ko na nga siya.

Sa hilig ko sa mga babae ay nawala ng dahil kay sam.

---------

Itutuloy....

my destiny romanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon