Destiny romance
Part 3
By : mr.nightmare
-------
Sa mga buwan at araw na naalala ko si jay. Dumating na nga ang taon mula nong pumanaw ang mahal ko.
Pumunta uli ako sa bahay nila. Habang hinihintay namin ang pari na magmimisa sa puntod ni jay.
Ulit kong pinasok ang kwarto namin ni jay. Na noon ay may tatak sa aming dalawa na kasiyahan, bilang parang mag-asawa. Kitang kita ko parin ang mga gamit na paborito ni jay. Tulad ng gitara na tinugtog niya palage pagpapakantahin ko siya. Mga album puro litrato na kaming dalawa ang magkasama kahit saan na lugar kami nakakarating, merong boracay, bukidnon, at ibang bansa at iba pa na shoot namin. Kakaiyak isipin habang mag-isa kong iniisip lahat y0n.
Bigla akong naghina ng makita ko ang isang gamit gamit niya n0ng may sakit pa siya. Ang wheel chair.
Halos hindi ko maiwasang mapaluha sa nakita ko. Kaya naalala ko kung paano siya nahihirapan noon. Noong nagkakasakit pa siya.
-------
*flashback*
jay
@hospital)
"mahal ko kung mawala man ako sa mundong to. Wag kang iiyak dahil sa akin kong pwede lang sa araw na iyon makalimutan mo ko." Ani jay mahinang boses.
"Hindi mangyayaring masasaktan ako dahil gagaling ka pa at kong kalimutan ka jay hindi ko kaya. Kahit kailan di ko magawang kakalimutan ka." Napaluha si sam nakipag-usap kay jay.
"wag kang umiyak mahal ko. Wag m0 nga ak0ng iyakan hindi pa naman ako nawawala nanghihina palang ako." Sagot ni jay pilit na tumawa.
"ikaw naman jay." Sagot ni sam pilit ko ring natawa.
"Napatawa rin kita sana ganyan ka lang kahit sa pagkawala ko. Aasahan ko yan mahal ko." Jay.
Napaluha ulit si sam pero di niya pinapakita kay jay. Dahil malulungkot uli siya kahit nanghihina na ito sa hospital pilit parin niyang pinapasaya si sam.
------
Alam ni sam na pinilit lang ni jay ang maging masaya kahit namumutla na ang mukha nito. Sabi ng doctor ay baka isang linggo nalang ang tagal ni jay na kasama ng mga pamilya nito at kay sam. Hindi inisip ni sam na mawala na si jay sa isip niya malakas si jay dahil baka umabot pa ng mga taon ito. Pero nararamdaman din ni sam na mas tumatagal ay nahihirapan din si jay.
Pumunta kami ng dagat kung saan una niya akong nakita, kung saan din kami nagkakilala.
Kahit nahirapan na si jay.
Pilit niya paring kenuwento ang mga alaala sa nakaraan nila. Binalik niya lahat ng mga nangyayari.
"Noong una sam, una kitang nakita sa lugar na ito. Gusto kitang lapitan alamin kong ano ang iyong pangalan pero natotorpe ako. Noong lagi kana sa isipan ko pinilit kung pabalik balik dito at sa pangalawang pagkakata0n nakita nga kita ulit, dun kita minahal kahit alam ko na lalaki ka pero nagkagusto parin ako saiyo. Ang hindi kk alam nagkakagusto karin pala sa akin nakakatawang isipin sam." Ani jay na tumingin sa mga mata ni sam. Nahihirapan sa pagsasalita pero pinilit parin ito.
"Naalala ko nga din dito rin sa lugar na ito una m0 akong hinalikan sa pisngi." Pagpaalala ni sam. "May gusto ka na ba sa akin noon jay." Dagdag nito.
"Oo sam bago pa nangyari yun minahal na kita." Sagot ni jay. " huhhh....huhhhh." naubo si jay.
Pinilit paring magsalita si jay, habang nakaupo si sam sa gilid ng kanyang wheel chair.
Nahihirapan na siyang magsalita. Parang ang boses nito ay nasa loob na lalamunan.
Hingal na hingal na si jay sa oras na nagsasalita paputolputol na ang boses.
"Kung mawawala man ako sa araw na ito. Mahal...." ani jay hingal na sa pagsasalita.
"Hindi ka mawawala mahal ko..." si sam pagputol sa sasabihin ni jay napapaiyak.
"Hindi ko na kaya honey." Si jay nanghihina na ito. Parang nauupos na kandila.
"Kayanin mo jay diba mahal mo ko.,kaya kayanin mo huwag kang mawawala wag m0 akong iiwan." Ani sam napaluha ng husto sa harap niya.
"Ipapangako ko sayo ako ang gagawa ng paraan para makalimutan mo na ako. Mahal Paaaaaalammm." Si jay biglang pagpanaw niya. Hindi makakakilos si sam sa kinauupuan niya.
Niyugyog ni sa ang katawan niya.
"jay,jay wag m0 kong iiwan....jay, jay bakit? Jay.jayyyyy." sam habang umiiyak ng husto na kayakap ang mahal ko.
Napaluha ng husto si sam. Yakap yakap ang katawan ni jay.
-------
Buong layang lumuluha ang aking mga mata ng maalala ko lahat na mga pangyayari kong paano nahihirapan si jay nong may sakit pa siya at sa pagpanaw niya.
Tok. Tok. Tok...
"Sam hijo, nandito ng pare magmimesa sa cementeryo." Mama ni jay ang kumatok sa pintuan.
"Susunod po ako ma, saglit lang po." Sam sabay pahid sa mga luhang umaagos sa mga mata.
"Sige anak." Sagot ng mama ni jay.
Habang nilapag ang album sa kama na inuopuan ni sam sa oras na iyon.
Tinungo na ang pintuan at para bumaba na.
Binuksan ang pinto.
Sinarado agad.
Lumalakad siya pababa ng hagdan, pilit paring tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Naghihintay na ang mama ni jay sa sala nong pababa na si sam.
"Umiiyak ka na naman ba, sam anak." Mama ni jay at sabayang pahid ng luha sa mga mata ni sam.
"naalala ko lang po kasi si jay...ma." sam habang yakap ang mama ni jay.
"sige anak...tahan na yan." mama.
"opo..ma." sagot ni sam pagpigil din sa luha.
"pupunta na tayo sa sasakyan nan dun na si fr. john. Nag-antay." Mama.
Pinuntahan na nila ang sasakyan lagi paring nagmumukm0k si sam parang wala sa sarili. Nadinig niya ang mama ni jay at fr. john na nag-uusap.
Wala paring imik sa pag-uusap nila.
Parang wala sa kamunduhan si sam. nakatingala lang sa labas ng bintana ng sasakyan, habang tumatakbo ang sasakyan papunta sa cementeryo. Pinuntahan kong saan inilibing ang pinakamamahal niyang si jay.
May biglang nararamdamang panlalamig sa buong katawan ni sam. Habang ang ulo niya ay naka sandal lang sa sasakyan. Mula sa likod pa harap ng kanyang dibdib ay naramdaman niya na ang mukha nito ay nasa gilid ng tinga niya.
Kinagulat ni sam sa pangyayari na ikinabigla naman ni mama at father john.
Parang nasapian sa pagkakagulat si sam.
"anak, bakit ano bang nangyari sayo." Pagtatanong ni mama.
"ma, mer0n lang po kasi akong nararamdamang nakayakap sa akin. Malamig na malamig po. Di ko alam kong ano." Pagpapaliwanag ni sam sa dalawang kasama.
"siguro niyakap ka ng mahal mo." Sagot ni father john.
"POhhhhhH." Sam. "Si jay." Dagdag sa isip.
Hindi makakapaniwalang maramdaman ni sam iyon. Akala din niya na hindi naniwala si fr.john sa mga kababalaghan.
--------
Itutuloy...