My destiny romance
Part 9
by : mr.nightmare
--------
Habang nasa sasakyan pa sina sam at albert, pauwi sa bahay nila. Panay ang kwentuhan nila habang nagdadrive si albert, si erika naman ay nakatulog.
"ilang taon kabang naging kayo ni kuya jay sam." Ani albert pagtan0ng kay sam.
"Apat na taon kaming dalawa." Sagot naman.ni sam.
"ganun...pero ngayon dalawang taon ng wala si kuya jay. Meron ka na bang bagong mahal o minamahal ka." Pagtatanong ni albert.
"wala pa kasi hindi pa ako handang umibig uli kasi hindi ko pa kayang kalimutan si jay." sagot ni sam.
"mahal na mahal mo talaga si kuya ano. Paano kung may magparamdam saiyo na maging boyfriend ka hindi parin ba." Ani albert.
"...at sino naman iyon." Sagot ni sam, nakadungaw sa labas ng kotse.
"akooo." Sagot ni albert, habang nagdadrive. Bigla ding tumingin si sam kay albert. "minahal na kita sam noon pa una kitang nakita sa coffee shop doon ka nagtatrabaho noon. N0ng gabing pumunta ako doon sa shop iyon na pala ang huli m0ng pagpasok. ang ikalawang nakita kita sa dalampasigan ako iyong nakabangga mo n0ng umiiyak ka. Minahal na kita noong una pa lang kaya ako bumalik dito sa pilipinas because of you. Hinahanap ka kahit saan pero ngayong nakita na kita magtatapat na ako sa iyo. Mahal kita sam." Pagpaliwanag ni albert habang nagdadrive sa sasakyan,pinahinto din ito para titingnan si sam.
Nagkatitigan silang dalawa ng kaytagal.
Sasagot pa sana si sam ng biglang nagising si erika.
"kuya albert, hindi pa ba tayo nakarating sa bahay nila kuya sam." Sambat ni erika na bagong gising.
"hindi pa erika pero malapit na tayo sa bahay." Sagot ni sam.
"matraffic kasi, kanina pa bunso." Ani albert.
"kuya albert, nga po pala nakita mo na ba y0ng lalaking sinasabi mong minahal mo. nakita mo noon sa coffee shop, nakabangga mo sa dalampasigan." Pagtatan0ng ni erika. Nakatingin si sam kay erika, agad din kay albert. "alam mo ba kuya sam, ang lalaking iyon ang nakapagbago kay kuya albert, babairo kasi yan noon pero nong nakita niya iyong lalaking iyon. nagbago si kuya. Ang nalaman ko mga kuya ko pala ay hilig sa mga lalaki hindi sa babae." Dagdag ni erika kausap si sam napangisi ito.
"Tumahimik ka na bunso." Sagot ni albert.
Tumingin si sam kay albert. Gumanti din ito ng tingin sa kanya na nakangiti.
"malapit na pala ang birthday ko kuya, dito ko kasi eh celebrate sa pinas punta ka ha." Ani erika. "ikaw din kuya sam." Dagdag nito.
"pupunta ako erika." Ani sam.
"sa susunod na linggo diba bunso. Sa susunod na araw din ang pag-alis ko papunta sa states. Pero uuwi ako dito sa kaarawan mo." Sagot ni albert.
"ihinto muna ang sasakyan dito na ako sa bahay." Ani sam. Pinahinto nga din ang sasakyan ni albert.
Nakarating at naihatid na nga si sam sa bahay nila.
Pumasok na ito sa loob. Nagpaalam din agad sila erika at albert ng maihatid na si sam.
Dumating na ang araw ng bumalik sa states si albert, para asikasuhin ang companya na pinalago niyang bagong binuksan.
Panay tawag si erika sa kuya nya para makauwi ito sa kaarawan at sagot lang ni albert ay "oo."
Sa susunod na araw na ang kaarawan ni erika isang buwan na rin itong namamalagi sa pilipinas. Dito ipagdiwang ang birthday niya na kasama ang kapatid at ina niya.
------
Dumating na nga pinakahihintay ni erika ang kaarawan nito.
Naghanda na ang lahat para sa kaarawan ni erika dumating na din ang kuya albert niya. May bisita nading nagsisidatingan. Klasi -klasing bisita puro mayayaman lahat may kasusyo din sa kanilang business. Ilang oras nalang ay magsisimula na ang party. Ngunit hindi parin nakarating si sam na hinihintay ni erika na dumating para magsisimula na sila.
"kuya albert, sunduin mo si kuya sam sa kanila." Ani erika.
"oh sige." Sagot ni Albert.
Umalis agad albert pinaandar ang kotse nito at mabilis na pinatakbo.
Nakarating na si albert sa bahay nila sam, kumatok siya sa pinto at pinagbuksan ito ng mama ni sam.
"good evening po tita. Nandiyan pa po ba si sam, ako po ang pinasundo ng kapatid ko si erika. Ako nga po pala ang kapatid sa ama ni jay at erika, albert john sandoval tawagin nyo nalang po akong AJ." Pagpakilala ni albert, sa mama ni sam. Nakipagkamay ito. Gumanti din ang mama ni sam.
"ako si lydia, pumasok ka muna dito hijo. Hintayin mo lang siya matapos na din iyon. umupo ka muna diyan sa sofa." Ani aling lydia, pagpakilala sabay sirado ng pinto. Pinaupo si aj sa sofa.
Nang makaupo na si albert sa sofa ay agad niyang nilibot ng tingin ang paligid ng bahay. Meron siyang nakitang hindi niya malilimutang bagay na agad nitong nilapitan sa ibabaw ng istante ng bahay nila sam.
Hawak-hawak na niya ang bagay at pinaikot-ikot niya ng tingin sinigurado kung iyon na ba talaga.
Lumabas si sam, tinungo ang hagdan bumaba ng makita niya si albert, na pinaikot-ikot ang hawak nito. Namangha si sam sa nakita.
"ikaw ba ang taong sinabi ng vendor na makakapulot nito sa dagat, sam." Ani albert tumingin kay sam na nagtatanong.
"what do you mean. Paano mo nalamang napupulot ko lang iyan sa dagat. Ang ibig bang sabihin ikaw ang nagmamay-ari niyan albert." Sagot ni sam.
"...AJ lumabas na ba si sam." Ani lydia, galing sa kusina. Na agad kinagulat ni sam sa narinig sa pangalang aj. "oh, sam umalis na kayo ni AJ." kaharap si sam.
"AJ, paano nangyari albert." Sambat ni sam.
"ALBERT JOHN SANDOVAL talaga ang pangalan ko. AJ for short dito lang sa pinas ang albert." pagpaliwanag ni Albert. "...ako din ang nagmamay-ari ng boting ito sam ako si AJ,S." Dagdag ni albert na kinagulat sa mukha ni sam at mama niya.
Maraming tanong sa isip ni sam ang mga sinasabi ni albert. Walang hinto sa pag-iisip kong paano nangyari na silang dalawa ni albert ang nagkatagpo. Basta isa lang ang nasa isip niya sa mga oras na iyon.
"Jay, si albert ba ang mga sagot sa mga hiniling ko sa iyo na sign. Siya ba ang sinabi mo sa panaginip ko na darating na ang lalaking para sa akin. Kong siya man jay ang destiny ko magpaparamdam ka naman sa akin." Sa isipan ni sam nagsasalita ito.
"Si sam ang taong sinabi ng vendor na makikilala ko at magsauli ng botelya na ito. Pero paano bakit nagkaganoon parang destiny ko talaga na ang gusto kong tao ay my destiny romance ko pala." Sa isip naman ni albert.
"Kung sa iyo iyan albert o aj isasauli ko na." Sabi ni sam kay albert.
"Siya nga." Ani albert sa isip. "no sa iyo iyan sam nakita mo yan kaya ikaw ng magtago niyan." Sagot ni albert.
"Kong ikaw ang may ari ng boting iyan albert at ikaw ang nakapulot so ibig sabihin kayo nga ang nakatadhana." Sambat ni lydia.
Biglang nagbago si lydia nag-iba ang boses nito parang lalaki, parang sinapian na hindi alam kong sino.
"AKO ANG GUMAWA NG TADHANA SA INYONG DALAWA ALBERT AT SAM SANA HINDI NINYO SASAYANGIN ANG PAGKAKATAON. MAGMAHALAN KAYO NA WALA AKONG HADLANG SA PUSO'T ISIPAN NINYO. ALBERT NAALALA MO ANG VENDOR IKAW SAM NAKIKITA MO ANG BOTE YUN ANG SIGN NA HININGI MO SA AKIN KAYA BINIGAY KO. PAALAM SA INYO SANA MAGMALIGAYA ANG PAGMAMAHALAN NINYONG DALAWA." Ani jay sa loob ng katawan ni lydia.
Nagpaalam na nga si jay sa dalawa at bumalik na sa katuinuan si lydia pero ramdam nito na may nagbago sa kanya.
Hindi nalang umimik si sam at albert binaliwala ang lahat.
Tumuloy sila sa party ni erika ng magkakasamang dalawa.
--------
Last part...
Itutuloy...