mdr 4

207 5 0
                                    

My destiny romance

Part 4

By : mr.nightmare

-------

Matapos nangang mangyari sa mga oras na iy0n ang kilabot ng nararamdaman ni sam habang nasa van pa sila ng papuntang simenteryo.

Pagdating nila sa simenteryo ay sinimulan na ni fr.john ang pag mimesa sa puntod ni jay.

Wala parin tigil ang panginginig na naramdaman ni sam.

Natapos na ang pag mimisa ni fr.john, umuna na nga ito sa pag uwi dahil may mesa pa ito sa simbahan nagpaiwan sila sam at mama ni jay sa tapat ng puntod ng mahal nilang si jay.

Niyakap si sam ng mama ni jay.habang napaluha ito ng naalala ang lahat ng mga nakaraan kasama pa si jay.

"sam wag mong sayangin ang kapogihan mo. Magmahal ka uli at ibaling mo ang puso mo sa ibang lalaki o babae. Para naman mabuhayan yang puso mo." sabi ng mama ni jay sa akin habang umiiyak si sam sa tabi ng puntod ni jay.

"ma, pero hindi ko pa po kaya eh..ayaw kong iwanan si jay. Sana sinama niya nalang ako para lagi kaming magkasama kahit sa langit man ang daya-daya niya ma." panay ang luha ng mga mata ni sam.

Yakapyakap ng ina ni jay si sam ng lumuluha ang mga mata nito. Walang mapaglagyan ang lungkot ni sam na kasama ang ina ng mahal niya.

"wag kang magsasalita ng ganyan, minahal ka ng anak ko. Ayaw niyang nakikita kang nasasaktan ka sa pagpanaw niya ganun din ako sam huwag mong iisipin na iniwan ka ni jay. Hindi niya ginusto ang mawala at malayo sa ating lahat sam. Masakit din para sa akin ang mawala ang nag-iisa kong anak na lalaki, pero tinanggap ko na iyon kinuha siya ng diyos. Dahil habang wala man siya na kasama natin dito naman sa isip at puso natin kasama ang ala-ala nya." Umiiyak na din ang mama ni jay na himas ang buhok ni sam at pinunasan ang mga dumaloy na luha sa mga mata.

"Mama, salamat po sa pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin kahit wala na po si jay." Si sam sabay lingun kay mama.

"kahit wala man ang anak ko. Naging bahagi ka rin ng pamilya namin at napamahal din ako sayo tinuring na kitang aking anak sam." Mama.

Nagyakapan si sam ng mahigpit sa ina ni jay ng mga sandaling iyon. Habang inaasam-asam namin ang papatapos na ng dalawang taong anniversaryo ng pagpanaw ni jay.

Alas 4 na ng hapon umuwi sa bahay nila jay.

Nakarating nanga sila sa bahay pinapark na ng driver ang sasakyan sa tapat ng pintuan ng bahay.

Lumabas silang dalawa sa sasakyan.

Pumasok na ito ng pintuan ng biglang may naalala ang ina ni jay.

Mabilis niyang tinungo ang kwarto niya, hinanap at naghalungkat ito sa mga gamit ng makita na nya ay ibinigay niya sa kay sam iy0n.

"buti naalala ko ito sam, ipapaabot ko daw ito saiyo pagkalipas ng dalawang taon na pagkawala ng anak ko." Si mama sabay abot ng bagay na kinuha niya mula sa kwarto niya.

"ano po ba ito.." sam.

"hindi ko alam sam, di ko pa iyan nabubuksan mula n0ng maibigay ng anak ko iyan. Basta ang sabi niya lang sa akin ibigay ko lang daw yan sayo sa punto na mag dadalawang ta0n na siya ay wala." Ani mama paliwanag.

Nahawakan na ni sam ang isang maliit na kahon na may pulang rosas ang takip ng kahon nakaukit ito sa isang kahoy at kinulayan pa.

Nang mabuksan ni sam ang maliit na kahon may nakabalot pa na ang laman ay isang kwentas at singsing may kasamang maliit na papel may liham pa.

'mahal kong sam, alam kong nasasaktan ka ngayon sa pagkawala ko, pero wag mo akong intindihin maging masaya din ako kung saan man ako pupunta, pero ikaw wag mong pababayaan ang katawan mo ang puso mo magmahal ka uli ng iba. Dahil sa akin isipin mo nalang na hindi pa tayo nagkikita isa lang akong masamang panaginip na sa paggising mo ay maglaho din ako. Alam kong mahirap pero subukan mo, mahal kita sam pero ayaw kong mahalin ka na nakitang nasasaktan. kong mabubuhay man ako ulit hahanapin kita at mamahalin kita paulit-ulit.' Sam habang binabasa ang liham, naluluhang di man nito nalaman kong saan nanggaling ang mga luha. Napaupo siya sa sahig na hagulgol sa iyak.

Nakita ng mama ni jay ang nasa likod ng sulat ay may karugt0ng pa. Tinuloy ang pagbasa nito.

'p.s. Mahal ko...wag kang mag-alala di ko hahayaan na mapunta ka sa hindi ka tunay na mahal ng lalaking iakyat ka sa altar. Ako ang maghahanap ng lalaking karapat-dapat sa iyo pangako ko iyan sa iyo ako ang gagawa ng tadhana na makita mo ang lalaking makakasama mo habang buhay. Ang kwentas at singsing na ito diba mga paborito mo ito binili ko iyan para regalo ko sa iyo sa pagkawala ko.

Kausapin mo lang ako doon sa dating tagpuan nating dalawa ikwento mo lahat sa akin makikinig ako sa iyo..I LOVE YOU MAHAL na Mahal kita SAM.' Ang ina ni jay binasa ang karugt0ng ng sulat ni jay.

Napaupo na din ang ina ni jay sa kinauupuan ni sam. Dahil siguro sa awa. Iyak ng iyak sa mga oras na iyon hindi mapigilan ang sariling hindi maluha si sam. Kahit anong gawin niyang pagpigil wala paring tigil.

Inalalayan si sam ng ina ni jay na pinapatayo at tinungo uli ang kwarto ni jay. Habang iyak ng iyak si sam ay nakatulog siya ng di man lang namamalayan.

Kinabukas na di man lang talaga alam na umaga na iy0n nakatulog si sam sa kama nila ni jay.

Tok.. Tok.. Tok..

May kumatok sa pinto at nagising si sam sa katok.

"hijo, tumayo ka na dyan at lumabas kakain na tayo." Mama kumatok sa pinto.

"opo ma.. Susunod na po." Sagot naman ni sam pasigaw.

Narinig nalang ang pagkatok ng pinto na tinawag si sam para kakain na ng breakfast. Ang ina ni jay ang tumawag kay sam. lumabas na nga ito at sinaluhan si mama sa umagahan niya.

"Samahan mo ako sam. May pupuntahan ako para naman malibang ka." Si mama.

"Salamat nalang po ma. Hindi po kaya ng katawan ko ehh." Sagot ni sam sa mama ni jay.

"Sumabay ka nalang sa akin hanggang sa sakayan." Mama.

"Sige ma." Si sam.

Sumabay ito sa ina ni jay dahil may lakad ito.

Isama sana si sam pero pinili niyang umuwi nalang at magpapahinga. Para mabalik ang mga lakas na nawala sa kanya.

Hindi nalang din sumagot ang ina ni jay. Dahil alam niyang masakit pa sa puso ni sam ang pagkawala ni jay.

Mga ilang oras lang ay malapit na sa bahay nila at nakarating na sa bahay.

Hinatid si sam sa mama ni jay hanggang sa sakayan ng jeep. Hindi na kasi ito nagpapahatid hanggang sa bahay nila para naman ma enjoy daw ang lungkot na mag-isa. Makakapag-isip.

Hindi na umimik si sam sa pagdating niya ng bahay parang walang taong nakapaligid sa kanya parang nag-iisang tao sa mundo.

Ilang araw nading nagmukmok sa bahay laging nakakulong sa kwarto kaya naisipan ni sam na puntahan ang kaibigan niya.

---------

Itutuloy..

my destiny romanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon