mdr 8

161 3 0
                                    

My destiny romance

part 8

By : mr.nightmare

------

"bagay kayong dalawa." Ani liza, nakangiti at kinikilig sa dalawa.

Lumingon agad ang dalawa kay liza.

"dito ka parin pala nagtatrabaho liza. Kasama mo pa rin ba iyong pinsan kong gago." Ani pagtatanong ni albert.

"si arnold o nandito." Hinahanap si arnold, "nasa kusina pa siguro iyon. "

"what? sinong pinsan mo si arnold." Ani pagtataka ni sam.

"Siya." Tinuro ni sam ang isang arnold. Kaibigan ni albert nong nagtanong siya tungkol kay sam hindi iyong pinsan nito.

"Hindi...dalawang arnold dito iyong kanina si arnold na nagtrabaho noon dito at hanggang ngayon. meron pang arnold pinsan nila albert." Sagot ni liza.

"Ano?." Sambat ni sam.

"oh bakit sam anong problema. Mag pinsan kami ni arnold." Ani sagot ni albert. Nakatingin din si liza kay sam.

"ibig bang sabihin, baka mag pinsan din kayo ni-." Pagputol na sasabihin ni sam ng may tumawag sa pangalan ni albert.

"albert, pinsan kailan ka pa nakakabalik o saan na ang isang dosena mong mga anak di mo ba dala. Hahaha." Pagbibiro ni arnold.

"Naiwan sa bahay.. Pinsan walang nanay. Hahaha." Pagbibiro ding sagot ni albert ngumisi din ito. Nakipagkamay kay arnold at sabay tapik sa balikat.

"sino ba ang inspiration natin ngayon. Gumagwapo ka pa ata ngayon ahh. Oh sam nandito ka rin pala." Ani arnold. "ahh.. Pinsan ko pala si albert, sam. Kapatid ni-." Pagputol naman pagpakilala ng may lumabas sa pintuan ng kusina.

Cling...

"oh..albert hijo, kailan ka pa nakauwi dito sa pilipinas. Bakit hindi mo man lang ako pinagbabalitaan na uuwi ka din pala. di sana para nagkasabay nalang tayong umuwi dito." Ani jeana kay albert. Lumapit din si albert kay jeana tita ni jay.

"noong kahapon pa lang po ako nakakauwi tita jeana." Sagot ni albert, pagkatapos humalik sa pisngi.

Hindi nakita si sam ni jeana dahil nasa likod siya ni arnold. Marami siyang pinag-iisip.

"saan na ba ngayon ang girlfriend mo. Sabi ng kapatid mo tumino ka na daw doon sa states may isang tao ka na daw binalik-balikan dito sa pilipinas saan na ba siya." Tanong ni jeana.

"opo tita jeana, nakita ko na nga siya." Sagot ni albert.

"Pinsan saan ba ang taong iyon sa tingin ko di naman siguro si liza. Hahaha." Sambat pagtatanong ni arnold.

"Gago ka talaga pinsan hindi ah." Sagot ni albert.

Tok..

"Arrayy..joke lang, sakit sa ulo hon." Arnold sabay hawak sa ulo dahil piniktusan ni liza.

"sinali pa ako sa mokong na ito." Ani liza, tapus batukan sa ulo si arnold.

"iyan tuloy. Saan ba siya hijo." Ani tita jeana.

Tumingin ang tita jeana niya sa likod ni albert. Nakita niya si sam.

"sam hijo nandiyan ka pala. Kanina ka pa ba di kita agad napansin nasalikod ka kasi ng dambuhalang arnold na ito ehhh." Ani jeana pagkakita niya kay sam.

"Grabi naman yun tita jeana." Sagot ni arnold.

"Bakit hindi ba totoo." Sagot naman ni jeana.

"Totoo po." arnold.

Nagtawanan nalang lahat sila.

"opo kanina lang po ako tita jeana. Akala ko po wala pa kayo, dinalaw ko po si liza dito. Galing po kasi ako sa dress shops lang tita alma." Sagot ni sam, humalik sa pisngi.

"tita jeana, magkakilala po kayo ni sam." Pagtataka na tanong ni albert sa tita niya.

"oo..hijo, magkakilala kami ni sam. Bakit?." Sagot ni tita jeana.

"paano po kayo nagkakilala." Sagot ni albert.

"bakit pinsan hindi mo ba alam tungkol kay sam." Ani arnold.

"nakilala namin siya dahil jow-." Putol ni tita jeana ng may nagbukas ng pintuan at sumigaw.

Cling..

"tita jeana, tayo na po." Ani erika, kapatid ni jay at albert.

"erika is that you. Kailan ka pa nakakauwi dito." Ani albert.

"kuya albert, ikaw na ba talaga yan. Magkasabay kami ni tita jeana umuwi dito." Sagot ni erika. "tita jeana, puntahan na natin si kuya sam gusto ko siyang makita eh. Kuya albert, sumama ka nalang." Ani erika kay jeana at lumingon din kay albert at humalik sa pisngi. "Kuya sam nandito ka pala. Pupunta sana kami sa inyo para makita ka dito ka na naman pala." Ani erika nakita si sam.

Yumakap si erika kay sam. Humalik din ito sa pisngi. Binaling ang tingin kay albert.

"magkakilala na ba kayo ni kuya sam, kuya albert." Ani erika.

"kanina erika, nagkakilala na kami." Sagot ni sam.

"bakit ba bunso sino ba siya." Pagtatanong ni albert.

"bunso." Pagtaka ni sam.

"yes..kuya sam, bunso po kasi. siya po si kuya albert, kapatid namin sa ama ni kuya jay. Iyong hindi nakakauwi ng galing states nong inilibing si kuya jay dahil mpay sakit siya." Sagot ni erika.

"you mean siya ang jowa ni kuya jay." Albert, tumango naman ito sa sagot si erika.

"oo kuya albert, bakit po." Ani erika.

"wala naman." Sagot ni albert. "Ang mahal ko ay mahal din pala ng kuya ko." Sa isip ni albert.

Nagyaya si erika na magpunta sila sa restaurant kasama si sam,albert at tita jeana niya at doon nalang magkekwentuhan. Kaya pumayag din naman si albert, sumama nalang din si sam at tita jeana niya.

Sumakay sa kotse ni albert silang apat magkatabi sa unahan si albert at sam. Si jeana naman at erika ang sa likuran.

Habang nasa kotse pa sila. Laging nakatingin si albert kay sam. Hindi niya namalayan na nakatingin din sa kanya si erika.

Nang makarating na din sila sa restaurant panay parin ang kanilang kwentuhan, habang nag-hihintay sa inorder na pagkain.

Minsan hindi mapigilan ni albert, na tumitig sa mata ni sam. Makatitig din si sam kay albert, pag makita siya agad itong bumalikwas sa mga tingin ni albert. Habang nag-uusap sila.

-------

Alas 7:03 na ng gabing mag kasama silang apat na kumain sa isang restaurant.

Ilang oras lang na lumipas ay magsiuwian na silang apat kasama ni erika at kuya niya si sam dahil ihahatid nila ito sa pag-uwi. Habang si jeana ay nagpapasundo naman sa driver niya dahil may lakad pa ito.

Naihatid na si sam sa bahay nila.

-----------

Abangan ang last 2 parts. Thanks

Itutuloy...

my destiny romanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon