Pag gising ko ay bigla kung naisip ang nangyari kagabi ang ganda tuloy nang umaga ko.
Pagkatapos kung mag-almusal at maligo at medyo maaga pa naman ay nanuod muna ako nang tv sa aking munting sala. May bagyo pala at inaasahang mag la landfall ngayong gabi o bukas nang umaga. Sana lang talaga hindi ako maabutan at maka uwi pa ako.
Pagdating ko sa office ay naabutan kung nag uusap sina Jane at Charlene isa rin sa mga kasamahan namin dito.
"Good morning guys! anu pa yang pinag-uusapan niyo?" tanong ko sa kanila.
"Oy hi! Hayacint good morning!"
"Good morning my bestfriend. Alam mo bang may bumisitang maarting babae kay Sir Lexter parang nandoon pa nga sa office niya eh." ang malas naman nang girlfriend nang masungit na yun sabagay gwapo naman talaga ang monster naming boss.
"Oh, eh anu naman ngayon" tong dalawang to kung makaasta.
"Eh ang taray kasi nung babae" segunda ni Clarlene.
"Baka girlfriend ni Sir yun patay kayo pag narinig kayo nun" sus akala ko anu na.
"Hindi naman maganda yung girl eh ang kapal pa nang make up mas bagay kame ni Sir my loves" kinikilig na saad ni Jane at si Charlene naman naka smile din na parang baliw.
"Hay naku tigilan nyo na yan at mag trabaho na tayo." sabi ko sa kanila habang ini on ang PC ko.
"Basta hindi sila bagay" pahabol pa ni Jane si Charlene bumalik na sa kanyang table.
Nandito kame ngayon sa cafeteria kaming tatlo ni Charlene sumasabay rin si Charlene sa amin ni Jane minsan pero mostly kame lang talaga ni Jane ang mag kasama.
"Alam niyo naman siguro na may bagyong paparating diba?" panimula ni Charlene.
"Oo nga eh, inaasan pa namang mag laland fall ngayong gabi or bukas buti nalang wala tayong pasok bukas" sabi ni Jane.
"Balita ko nga mga 4 ang out natin ngayon" buti nalang pero hindi pa ako makaka uwi kasi may trabaho pa ako sa monster kung boss.
"Buti nalang talaga ang bait talaga ni Sir iniisip niya ang kanyang mga beautiful employee" hibang na yata tong bestfriend ko.
"Hahaha oo nga" isa pa tong si Charlene maka alis na nga total tapos na akung kumain.
---------
"Sure ka bang okey kalang kung uuna na ako sa monday muna e pass yan" sabi ni Jane aakyat pa kasi ako sa taas dahil e papasa ko pa tong documents kay Sir.
"Baka mapagalitan ako non, sige na total mag kaiba naman ang rota natin. Baka abutan kapa nang ulan diyan." medyo kumikilim lim na kasi.
"Basta mag iingat ka pa-uwi e text mo ako pag naka-uwi ka na ha, sige ba-bye na" ang sweet talaga nang baliw kung bestfriend.
"Oo, ikaw din ingat." sabay beso.
Umakyat na ako sa taas mukang naka out na rin si Rose. Kaya kumatok nalang ako sa office ni Sir.
"Come in" naabutan kung nag liligpit si Sir nang gamit parang pauwi narin.
"Sir ito nga po pala ang pinapagawa niyo" sabay abot ko sa kanya nang mga documents.
"Thanks, by the way sumabay kana sa akin. I'll wait for you in parking lot in 5 minutes you should be there."
"Huh" grabe naman kaya kumaripas na ako nang takbo deritso sa office atkinuha ang bag ko. Bwisit kasi yun hindi ko nga type sumabay sa lokong yun kaso baka mahirapan akung pumara nang taxi at staka para tipid na rin sa pamasahe.
-----
"Your 20 seconds late" anak nang butiki pati ba naman yun ang sarap sapakin kaya sinundan ko nalang siya papunta sa sasakyan niya. Hindi ko kabisado ang mga pangalan nanag sasakyan pero alam kung mahal tong sasakyan niya.
"Grabe naman kayo Sir parang seconds lang" at sinamaan niya naman ako nang tingin may dalaw yata si Sir hehe.
"Anu pang tinatanga mo diyan hop in!" ang taray talaga at napaka ungentelman pa, kaya dali dali kung binuksan ang pinto sa passenger set nang biglang sumigaw ang halimaw.
"Do I look like your driver? Set here in front" eh baka ayaw niyang katabi ang isang magandang tulad ko.
"Okey" monster talaga pag ako na abutan nang bagyo papatayin ko to kahit gwapo pa to.
BINABASA MO ANG
My Monster Boss
General FictionWhat if one day an ordinary girl who is simple, pretty and jolly person accidentally meet the new CEO of the company were she's currently working. And they meet in a bad way. Lexter Luke Fuentebella-- a cold hearted, arrogant but drop gorgeous man...