Date

4.9K 156 6
                                    

Nandito ako ngayon sa office busy ako sa pag gawa nang summary report na pinapagawa ni Ma'am Gina, sina Charlene at Jane e busy rin yata.


"Lunch na tayo bestfriend gutom na ang mga alaga ko" biglang sulpot ni Jane sa likod ko.


"Nakaka gulat ka naman, oh sige tapos na rin ako dito si Charlene?" baka kasi sasabay sa amin.


"Mamaya na daw ang bruha kasi may importanting pinapagawa si Ma'am sa kanya" kaya pumunta nalang kame ni Jane sa cafeteria.


"Bestfriend sama ka mamaya sa amin ni Charlene sa mall matagal na tayong hindi lumabas" kung makatagal eh lumabas naman kame last week.


"Ehhh bestfriend, pass muna ako ngayon may lakad kasi ako mamaya eh magkikita kame nang kaibigan ko" hindi ko pa binabangit sa kanya si Jade staka na lang kung mag kita sila.


"Sinong kaibigan ba yan? Lalaki or babae?" tingan mo to parang nanay ko.


"Lalake" cool na sagot ko.


"What!"


"Hoy hinaan mo nga yang boses mo nakakahiya to!" sumigaw ba naman eh maraming kumakain kasi lunch time.


"Sure kabang kaibigan mo or kai-bigan?" napaka advance talaga nang babaeng to.


" Anu ka pa nagyaya kasi nang dinner yung tao"


"Eh! di makikipag date ka, teka nanliligaw ba sayo yung tao? gwapo ba?" may future to sa pagiging detective.


"Hindi kami mag dadate kakain lang at FYI hindi siya nang liligaw kakilala ko nga lang yung tao" grabe to.


"Ang tangeks mo naman eh anung tawag mo diyan dinner date teh! May hindi ka pa sinasagot?" siningkitan niya pa talaga yung mata niya.


"Oo na, gwapo" hehe


"Oh kitams!!! may crush ka don no" Oo gusto ka sanang sabihin kaso kansyawan naman ako nang isang to ma kamusta nga ang lovelife nito.


"Wala no friendly lang talaga yun hayaan mo ipakilala kita don. Eh kayo ni Stephen pala kamusta? Alam ko namang inlove ka na dun sinagot mo na ba?" hahaha namula bigla ang baliw kung bestfreind.


"Hey! tigilan mo nga ako hindi ko pa sinasagot ang unggoy na yun" kung maka unggoy.


"Sige ka marami pa namang may crush kay Stephen dito habulin kaya yun baka mag sawa sa kahihintay hayyyyyyy!" hahaha ang epic nang mukha bigla kasing sumimangot.


"Hmmmp!" speechless.


"Sagutin muna kasi mukhang seryoso sayo yung tao" grabe kasi mag effort kahit sinusungitan na nang bruha.

My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon