"Meeting someone is a fate
Becoming friends is a choice
But falling in love is beyond
ones control"
--------------------------------
One week na simula nang inanounce ni Sir Lucas na mag reresign siya. Kaya medyo busy rin kaming lahat sa pag prepare para e welcome and aming new CEO slash president of the company. Salamat at pay day na ngayon makakapag grocery na ako at makagala hehehe na miss ko na kasing gumala sa mall eh naging busy kasi sa office palaging may overtime.
"Hayacint, san ka mamaya pay day ngayon?"
"Pupunta akong mall, Jane mag grogrocery lang at saka gala nag kaunti, unwind2x din pag may time" I said.
"Oh! eh I'll go with you na lang may bibilhan din kasi akong pabango para sa kapatid ko eh, alam mo naman yun binata na, hehehe" sabi nya may bunsong kapatid na lalaki kasi tong si Jane.
"Sige ba, para masaya" masiglang sabi ko sa kanya.
After office work we went directly to the mall para mamili. Pumasok kame ni Jane sa bench para pumili nang pabango. At nag tingin2x din nang mga damit alam nyo na.
"Hayacint, may napili ka na ba?" Abala kasi ako sa pag singot2x sa mga pabango dito hehe may pabango pa naman ako, trip ko lang talaga.
"Tumitingin tingin lang ako tsaka mayroon pa naman akong pabango" sabi ko naman.
"Haha alam ko na yang trip mo, e spray-spray mo ang pabango sa pulso mo para mabango ka pag labas hahaha" tawa ni, Jane. Eh alam naman pala eh.
"Hoy! hinaan mo nga yang boses mo, baka ma rinig tayo" pinandilatan ko nang mata si, Jane.
"Oo na, tara mag babayad na tayo, wala ka bang napili na damit? she asked me.
"Ito oh, isang blouse ang ganda kasi at simple lang" treat ko na rin to sa sarili ko.
"Okey, mag pa counter na tayo" sabi ko, at lumabas kame nang bench.
Sinamahan naman ako ni Jane, sa grocery at namili din siya nang konti. After that nakaramdam kami nang gutom and we decided to eat at Jollibee kasi dito bida ang saya hahaha. Medyo marami narin ang mga customer buti nga nakakita pa kame nang vacant table. Jane started to talk about our new CEO, bata pa daw ito at gwapo pero hindi nya pa daw nakita malakas lang daw ang kutob nya kasi gwapo din si Sir Lucas kahit may edad na, baliw talaga buti na lang matino ako hehe.
"Hayacint, una na ako pinapauwi na kasi ako ni mama may kailangan yata wala daw siyang kasama sa bahay ngayon" nasa heaven na pala ang tatay ni Jane bata pa lang siya nang mamatay ito.
"O, sige malapit narin kasing mag 9 eh" sabi ko rin sa kanya.
"Bye friend kita nalang tayo sa office sa monday"
"Bye2x, ingat ka pauwi text me if your home na" sabi ko kay Jane.
"Hehe ikaw din, take care" and we separate our ways.
Nag lalakad ako papuntang sakayan nang taxi ngunit napamura ako sa haba nang pila. Anak nang! dalawang plastic lang naman ang dala ko medyo mabigat nang kaunti pero keri lang may hawak pa akong coke float dahil sayang naman kong itatapon ko kasi marami pang laman marami kayang nagugutom sa Africa diba diba! Nakakita ako nang basurahan at nag stop muna ako dahil balak kung ubusin muna ang ininum ko para maitapon ko agad before ako pumara nang jeep. Since ang haba nang pila sa taxi mag je jeep na lang ako.
"Ouch! ano ba!" singhal ko sa bumungo sa akin parang hindi pa yata ako nakita nang loko.
"Huh!" sabi nya. Aba parang walang balak mag sorry ang isang to ah, ang sakit kaya nang balikat ko ang laki niyang tao.
"Hoy! hindi kaba marunong mag sorry" galit na sabi ko sa kanya.
"Its your fault your blocking the way stupid!" aba at siya pa talaga ang may ganang magalit.
"Aba! At ikaw pa ang galit ngayon at sinong stupid baka ikaw stupid, malabo yata yang mata mo eh!" galit na galit na singhal ko sa kanya na kaka high blood to eh, gwapo pa naman sana kaya wag na lang major turn off na ako sa kanya.
"Hey! did you just call me stupid and blind" galit na sabi niya nakakatakot na parang kakainin ako nang buhay pero hindi ako papatinag akala niya madadala niya ako.
"Oo! bakit totoo naman ah!" kala mo ha!
"You crazy stupid girl, baka hindi mo ako kilala" wow! ang hangin.
"Hindi! Bakit artista kaba para kilalanin ko kala mo kung sinong gwapo maka-alis na nga bwisit!" sabay dampot ko sa ang mga pinamili ko para umalis nakakasira nang gabi tong taong to.
"You'll regret this" he said tapos naka half smirk pa sa akin at dumitso na siya papunta yatang parking lot.
Sakto namang may dumaan na taxi kaya agad kung pinara yun, hindi na lang ako mag je jeep. Pagod na rin ako at bwisit na dahil sa lalaking yun.

BINABASA MO ANG
My Monster Boss
General FictionWhat if one day an ordinary girl who is simple, pretty and jolly person accidentally meet the new CEO of the company were she's currently working. And they meet in a bad way. Lexter Luke Fuentebella-- a cold hearted, arrogant but drop gorgeous man...