<3 - 5

95 3 0
                                    

Chapter 5 - A Date? Part 2 

So ayon nga, kumakain kami sa fastfood chain ng malaking bubuyog na si Jolibee na to.

"Ui Kev! Picturan mo naman ako. Adik ako eh. Lagay ko lang sa fb na magkasama kami ni Jollibee!" - ako sabay bigay ng cp ko kay Kev.

Nga pala Sony Xperia yun. Wag niyo na tanungin kung anong brand. Naks, hangin ko ano?! Hehehe wala lang.  

inabot niya naman ito. So nagpose na ko. Hinawakan ko kamay ni Jollibee na parang nagkaholding hands kami. Next picture naman, inakbayan ko si Jollibee, 

next umupo ako sa paa niya na parang batang naghihintay ng magulang niya. Imagine niyo? hehehe. Opo, isang 15 years old na pong babae ang gumagawa neto. hihihi

"Ang ganda talaga. Ui Kev, tingnan mo oh, holding hands kami ni Jollibee!" - sabi ko na parang bata na tinitingnan ang mga pics ko.

Pasensiya naman at bago cp ko. Me pagkamangha pa lang. heheheh. Minsan lang dumating sa buhay ko to.

"Parang naiinggit namn ako sa Jollibee na yan. Ikaw pa humahawak ~3~"- Kev sabay pout.

Aba, san natuto magpout tong taong to.

"Yuck Kev, ang bakla! tumigil ka nga diyan kakapout!" - ako sabay layo ng konti sa kanya.

"Joke lang. Wag ka ngang lumayo. Baka mawala ka mamaya diyan!" - Kev sabay ngiti at hila ng mahina sakin.

"O.A. Kev... Sa laki kong to, mahihirapan pa ba kong hanapin?" - ako na naka hello-okay-ka-lang-look.

Pasensiya naman po at wala akong sweetbones che che na yan. Aba't manhid aako, kung di lang ako natamaan ng bato sa ulo dahil sa taong to. Well, hayaan na natin siya 

at maglalakad na ko.

.................................................................

Aba't may gana pang hawakan ang kamay ko ah.

"Psst... ano yan?" ako sabay turo sa kamay ko gamit ang labi ko.

"Ang ano?"- Kev

Aba't nagmamaangmaangan pa tong taong to.

"Yan"- ako sabay turo again.

"Punta tayo dun sa Watchtower. Supermoon daw ngayon eh. Gusto kong makita. Ikaw gusto mo?" - Kev with malapad ngiti ^__________^

"Sige! Yay! Pipicturan ko para ilagay ko na naman sa diary ko"- ako na agad nakalimot sa sarili kong tanong. Eh adik nga ko sa stars aat moon eh. Gusto ko nga sanang 

kunin na kurso eh yung nagstustudy ng mga bagay sa labas ng planeta ng mga tao.

So heto kami ngayon. Sa ibabaw ng watchtower nag-aala Rose at Jack sa titanic. Joke. Asa. Masisipa ko siya kapag Humawak si sa beywang/SLASH/ bilbil ko. Kahit nga 

akbay di ako nagpapaakbay eh. Eh, ambigat kaya sa balikat. Papasanin ko pa braso?! Ano ka? Hilo! :P

Tahimik lang kaming dalawa. Sadyang maganda ang moon eh. Tahimik nga ba oh sadyang wala lang akong marinig dahil sa pagmamahal ko sa moon? hehehe... Hayaan na't ako'y  

anak ng moon. hehe.

Hinahawakan ko ngayon ang railings. Parang gusto ko kasing tumalon. Di joke lang. kung ganun lang naman ang gagawin ko, sana naglas las na lang ako. Mapaperwisyo 

pa si Mother Earth kapag tumalon ako eh. Isang malaking Crater ang lalabas sa muka niya. Malaki pa naman bayad niya paderma.

Anyways, hayaan ang hangin sa ulo ko. Mga ilang minuto na rin kami dito. Malapit na ngang maging ilang oras.

Runaway HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon