Chapter 2: Red and Windy Day

7.1K 36 5
                                    

"Risse!"

Agad akong lumingon sa kung saan para hanapin yung tumawag sa'kin.
Sino yun?! Wala namang nakatingin sa'kin. Bulong ko sarili ko at marahas na tumayo para bumalik na sa classroom.
Malamang ngayon ay breaktime na kaya ligtas na 'kong makakabalik. Isang oras pa naman bago ang isa pang subject. Tss

"ANO NA?!" Pasigaw na bungad sa'kin ni Kathy nang makapasok ako ng room. "Kailan pa naging hotel ang rest room?" Halos matawa-tawang sabi n'ya.
Inirapan ko na lang silang tatlo at naupo sa upuan ko nang bigla akong may naramdaman.

What the?! Wag ngayon! Pangamba ko sa sarili ko.
"Girl, 'lika" Lumapit sa'kin si Kathy at hinihila 'ko patayo. "Cafeteria tayo? My treat." Ngumisi at kumindat pa ito sa'kin.

Marahas akong napa-iling para tumanggi sa yaya n'ya.
Oh, shit! Wag ngayon. Please!!
"A-ah, ano...kasi...." Utal na sabi ko habang pinipilit nila 'kong tumayo.
"Sumama ka na! Kj nito." Sabi ni Abby'ng childish at nag-pout sa'kin. Kung sinasampal ko kaya ang isang 'to nang tumigil. Ayoko nga!!
"H-hindi, sige. Kayo na lang. Sumasakit yung p-- ulo ko eh." At umarteng sumasakit ang ulo.
At dahil best actress ako ng bayan, na-convince sila at nagpresentang bumili ng gamot. Um-oo na lang ako nang makalayas na sila.

Mag-iisang oras na rin silang wala. At feeling ko, paoarating na ang prof. in three, two, o--

"Good afternoon. Okay, bring out your binders and take note of this." Diretsong sabi n'ung kalbong prof.

Oh?! Akala ko babae yung prof. namin? Eh bakit kalbong bading pa yata 'to?! Agad na kumunot ang noo ko at napaawang ng bahagya ang bibig. Kasi ang nasa sched. ay babae. Oh baka babae s'ya?? Tsss.

"Siguro naman ay lahat kayo dito magagali-- o, sanay mag-english, right?" Pangmamaliit na sabi n'ya. Loko 'to ah?! 'Kala mo sa'min? Tanga. Hah!
"Yeah!" Sabay sabay namin sabi na may halong pagkairita.

Punyeta, bakit ba s'ya?! Balita ko masungit 'to eh. Nagmumura, namamahiya, di naniniwala kay God. Eeeeeerrrrrrrrrrr.
"Good, c'oz I want you all to speak english, during our classes. Understand?!" Tanong n'ya at nagpatuloy muli sa pagsusulat sa white board na kasing kintab ng ulo n'ya.

Halos thirt minutes din s'yang nagda-daldal, nag-explain, nagpatawa at nagsabi ng rules n'ya.

"At higit sa lahat, ayoko n--"
"S-sorry sir, for being late." Isang d'yos-- lalaki ang isinuka ng pintuan. Pagod na pagod itong naupo sa bandang harapan ko hawak ang kanyang schedule. Hmmm, mukhang bago.
Hindi ko pa nakikita ang buong itsura n'ya pero alam kong ba--.
"TEKA!!" Wala sa sariling napatayo ako at napasigaw nang naalala ko yung bastos na lalaki kanina sa hallway.
Napalingon naman sa'kin yung lalaki at bahagyang napa-laglag ang panga. Malamang ay natatandaan n'ya rin ako. Pero agad itong nag-iwas ng tingin.

"Is there any problem there, Miss..." Mataray na sabi ni kalbo sa'kin na agad namang nagpakaba sa'kin.
"A-ah.. n-no sir. J-just.." Hindi na natapos ang sasabihin ko nang mapunta ulit ang atensyon n'ya kay newbie.
"At ikaw? Dito ka ba?" Patangang tanong ni kalbo. Shunga lang?! Papasok ba dito yan kung hindi s'ya dito?! Well, maliban na lang kung tanga s'ya. Napangiti naman ako sa pagm-monologue ko at napansing kanina pa pala 'ko nakatayo.
"LOURISSE. Upo ka na!" Mariing pagkakasabi ng classmate kong nasa likod.

Agad naman akong naupo at napansin ang kung ano sa sistema ko.

"U-uhmm. O-opo sir." Paawang sabi ni newbie habang nakatayo. Lagot ka kay kalbo. Mwhahahahahaha.

"Oh?! Anong oras?!" Halata na sa boses n'ya ang galit.
Tiningnan naman ni newbie yung sched. nya. "9:30 to 1:00pm po." Sabi nito.

"Oh, eh anong oras na?!" Sabi ulit ni kalbo at ibinato kay newbie ang attendance n'ya.
"S-sorry po." Kinuha naman nito ang attendance at nagsulat. Naupo na rin s'ya, dala ng kahihiyan. Nasampolan ka noh?! Hahahahaha.

Sex and Breakfast [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon