Lourise's POV
"Oh, alam n'yo ba na na-expelled si Erap n'ung nag-aaral s'ya..." Sabi ni Mr. Grimaldo habang gigil na gigil.
Oh, bago ba sa pandinig n'yo? (Actually, binabasa mo lang s'ya) Well, not for me. Kasi pang-thirty two times n'ya na 'yang binabanggit sa'min magmula pa n'ung first sem.
'Duh~ ano namang konek n'yan sa General Chemistry?! Tsss'"Oh, anong gusto n'yong gawin sa Prelims?" Natatawang tanong n'ya sa'min.
"SABOOOOOOOON!" Sabay sabay naming sabi sa kanya.
Bakit? Kasi lagi s'yang ganyan. Exam namin laging, sabon. Sabon. Sabon, at minsan naman...SABON.S'ya yung prof. na, nagtuturo habang walang nakikinig. Ang resulta? Nga-nga.
Lahat kami ng blockmates ko ay naka-nganga. Literal.
Nasasayang tuloy yung binabayad namin dito sa Chemistry Lab.*kriiiiiiiiiiing!~*
"Yun!"
"Tara na dali!"
"Dalian n'yo, mamamatay ako."
"Urrrrggggh! Gawd, ibalik n'yo tatlong oras ng buhay ko!"Sunod-sunod na daing ng blockmates ko.
'Yun na ang huli kong klase ngayong araw. And, yes. That subject last for "THREE HOURS" Shit lang.
"Risse, gala tayo?" Yaya sa'kin ng kaibigan ko na si Abby. Kasama n'ya sila Kathy at Rhina.
"Ah, sige. Kayo na lang. Napagod din ako eh. Maybe, next time?" Sabi ko sa kanila habang umaarteng pagod.
"Wushuuuu! Hahaha. Oh, sige. Kahit kami naman napagod kaka-tulala kay Sir. Bye." Halakhak ni Rhina habang nagpapaalam.
Kinawayan ko naman sila at gan'un din sila sa'kin.'5:34pm'
"Hayyyy!" Huminga ako ng pagkalalim. At naghandang mag lakad.
"Woah! Hugot?" Naka-ngising sabi ni Mathew sa'kin.
"Tssss. 'Wag ngayon." Sabi ko at tinalikuran s'ya paalis.
"Hah! Cute." Alam kong naka-ngisi s'ya habang naka-sunod sa likuran ko.Ka-block ko lagi 'tong makulit na 'to, magmula n'ung first year at ngayon, third year.
Bakit ba 'ko nagsusungit sa kanya. Wala lang. Gusto ko eh."D-di ka pa ba uuwi?" Utal na sabi ko habang naka-talikod pa rin sa kanya.
"Hmmm, uuwi na. Hatid muna kita." Casual na pagkakasabi n'ya.
Wala kaming imikan ni Mathew, hanggang sa makarating ako sa bahay.
"Babye, ingat." Sabi ko habang kumakaway sa kanya.
Tinalikuran n'ya lang ako at kumaway sa ere.
Napailing na lang ako sa ginawa n'ya."Ma! Dito na 'ko." Sigaw ko para mapag-buksan ako ni mama ng pinto, pero walang sumasagot.
Kakatukin ko na sana ang pinto nang mapansin kong bukas ito."Oh? Bukas?" Tangang sabi ko at pumasok.
Pagpasok ko sa bahay ay agad na sumalubong sa'kin ang aso kong si Mimi.
"Hi, bby. Nasan si mama?" 'Hayy, Lourise. Aso yan, goodluck pag sumagot.'
Nagtungo agad ako sa kwarto ko para magbihis. In-open ko agad ang laptop ko at nag-facebook.
*brrrrr*
"Urrgh! Di pala 'ko nag-lunch."Agad akong tumayo at nagtungo sa kusina. Agad kong napansin ang nakadikit sa reff.
"Dear Anak, kumain ka na d'yan. Ikaw na muna ang bahala sa bahay at umalis muna 'ko. Maybe this will last for a month or two. Dadalawin ko muna ang Papa mo sa US. I love you, 'nak. Ingat lagi. PS: Wag magdadala ng lalaki sa bahay." Natatawa kong binasa ang sulat ni Mama.
BINABASA MO ANG
Sex and Breakfast [ON-HOLD]
Ficción GeneralBook one of Pleasure Series Handa ka bang ibigay sa lalaking mahal mo ang lahat-lahat, kahit na alam mong laru-laro lang ito para sa kanya? Maturuan kayang magmahal muli ang taong minsan nang nasaktan at ngayo'y naghihiganti sa iba? What could be th...