Chapter 6: I Won't

874 11 1
                                    


Kinaumagahan ng linggo ay hilung-hilo ako, marahil ay nanibago ang katawan ko sa espiritu ng alcohol na lumamon sa'kin kagabi. Ni-hindi ko man lang matandaan kung ano'ng nangyari kagabi. Basta ang alam ko lang, nagbar kami. That's all I remember.

Agad naman akong nagtungo sa kitchen counter at nagtimpla ng kape bago magluto ng walang kamatayang hotdog. Hindi naman kasi ako magaling sa lutuing bahay.

Habang kumakain ay lutang ako sa 'di malamang kadahilanan.

I texted Kathy.

"Good morning. Spa?"

Hindi agad siya nakapagreply kaya nagpasya ako na maligo muna. Malamang ay hindi maaatim ng kahit na sino ang amoy ko ngayon. Pinaghalu-halong amoy ng alak at pabangong panlalaki.

Matapos kong maligo ay nakatanggap ako ng isang tawag mula kay Abby. Wala pa ring reply mula kay Kathy, marahil ay tulog pa.

"Hey!" Her voice sounds husky.

"Hi! Spa? After lunch."

"Hmmm, fine. By the way, ang wild mo kagabi. 'Kay, I'll text you when we're ready." Hindi pa man ako nakaaangal ay agad niya na 'kong binabaan.

Nang dahil sa sinabi n'ya, nakuryoso tuloy ako.

Ala-una ng tanghali nang nagpasya kami na magkita-kita na lang sa mall kung saan mayroon ding spa. Well, baka kumain na rin kami after mag spa.

Pagdating ko roon ay nakita ko na agad ang mga kaibigan ko na busyng-busy sa cellphone, si Rhina naman ay paulit-ulit ang ayos sa buhok at make-up.

"Tara na?" Sabi ko sa kanila nang nakangiti.

Nakangiting-aso sa'kin sina Abby at Kathy na para bang mayroon akong kasalanan na dapat ipaliwanag o ano.

"What?" Sabi ko sabay irap sa kanilang dalawa na agad namang nagtawanan. Si Rhina ay gan'on pa rin, poker face, habang ang dalawa'y nagtatawanan.

Hindi nila pinansin ang tanong at sa halip ay hinila na lang ako paakyat sa pangalawang palapag para makapunta na sa spa.

Pagpasok namin ng spa ay bumungad sa'kin ang isang pamilyar na mukha.

Nakasandal ang braso ni Kyle sa counter habang kausap ang nasa reception na pulang-pula ang mukha at inilalagay sa tainga ang takas na buhok.

Mukhang nao-overewhelm ang nasa counter sa nasa harapan n'ya ngayon. Topless ang kumag at tanging puting tuwalya lamang na nakapulupot sa kaniyang baywang ang suot.

Tuloy lamang ito sa pakikipaglandian hanggang sa hampasin ko ng pagkalakas-lakas 'yung bell sa counter.

"Excuse me! May customer, oh." Sarkastikong sabi ko sabay irap.

Nang dahil sa ginawa ko ay nakuha ang atensyon ni Kyle. Nang una'y may pagkabigla pa sa mukha niya ngunit ngayon ay nakaangat na ang gilid ng labi at parang handa na makipagtalakan.

"Sorry mo, ma'am. Ano po ba'ng sa inyo?" Agad na pumormal ang babaeng kanina'y nakikipagmatamisan.

"Hmmm, gotta go, sweetie." Sabi ni Kyle sa babae at kumindat sa'kin.

Gusto kong masuka sa pagmumukha n'ya. Kung nakita n'yo lang ang itsura.

Agad na lumapit si Abby sa counter para magsabi ng kung anong service ang napili namin.

Whole body massage ang napili ko. Nagtungo agad ako sa kwarto nang maumpisahan na.

At talagang napakasuwerte ko lang dahil katabi ko si Kyle ngayon. Oo, alam kong siya 'yon kahit na nakadapa at mukhang sarap na sarap sa ginagawang masahe sa likod niya't umuungol-ungol pa. Manyak talaga.

Ilang minuto pa'y nagsalita siya. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya dahil nakabaon ang mukha ko sa face hole.

"You should meet your mom after this. I don't wanna see her getting furious just because you escaped your house last night." Aniya sa kausap.

"Yeah, she's too possessive." Anang isang lalaki na mukhang kasama yata ng kumag. Malamang kasama niya.

"Sa'n ka ba galing kagabi at lasing na lasing ka?" Kyle said with a husky voice.

"Nothing. I just went to a bar where I met a girl. Bro, she was so hot playing with my--- you know." Sabi n'ung lalaki.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko kung anong ginawa ko kagabi. Pinamulahan agad ako ng mukha at humiling na sana'y lamunin na 'ko ng lupa.

And gosh, I can't believe that the man last night is just near me inside this room. Crap.

Ilang sandali pa ang lumipas at natahimik ang buong kwarto. Mayroon ding lumabas ng pintuan. Sa tingin ko'y tapos na sila.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

"We're done, ma'am." Sabi ng masahista sa'kin at mukhang lalabas na rin.

Bumangon lamang ako nang narinig na nakalabas na ang masahista. Tanging mga kurtina na lamang ang nakikita ko na naghahati sa kuwarto. Walang presensya ni Kyle o nino man.

Pagtayo ko ay nagulantang ang buong pagkatao ko nang makita si Kyle na nakatayo sa tapat ng isang parte na natatakpan ng kurtina habang busy sa phone.

Nang biglang lumabas ang hinihintay niya ay lumaki ang mata ko.

Isang matangkad, maputi, singkit at magulo ang buhok na lalaki ang lumabas sa kurtina. Nang napatingin s'ya sa'kin ay agad na umaliwalas ang mukha.

That was the guy last night. Clark, as I remember.

"Oh, look who's here!" Ang salita niya'y nag-echo sa buong kwarto.

Taas ang isang kilay ni Kyle na bumaling ng tingin sa'kin. It's like my presence here is nothing.

"Huh?" Nagpanggap akong hindi siya kilala ngunit sa loob ko'y gusto ko na talagang makalabas.

"You're the girl last night! Yeah. 'Di ako pwedeng magkamali." Tinuturu-turo pa 'ko habang
lumalapit. Ako nama'y humahakbang palabas hanggang sa bumangga sa pinto.

"What? Who are you?" Ssbi ko.

"Eh? I'm Clark. Remember? Kagabi, sa bar!" Masayang sabi niya. Bakas naman sa mukha ni Kyle ang pagkairita at pagtataka.

"Ah, hehe. I gotta go." Sabi ko at agad na tumakbo palabas at nagsuot na ng damit sa dressing room.

Paglabas ko'y naabutan ko ang mga kaibigan kong nagkukwentuhan sa may couch. Mukhang kanina pa sila natapos.

"Let's go." Sabi ko nang nanginginig ang kamay.

"In a hurry?" Takang sabi ni Abby nang nakangiti.

"Nope. I just don't feel like staying here." Sabi ko nang biglang lumabas sina Kyle at Clark sa dressing room, handa nang umalis.

Nakangiti pa sa'kin si Clark nang lumabas habang si Kyle ay masama ang tingin sa'kin saka lumapit at bumulong.

"Don't you ever try to fuck with my cousin or else..." Sabi niya ng may pagbabanta at agad nang umalis.

Hindi na 'ko nakapagpigil at sinigawan siya kahit na alam kong hindi niya na maririnig.

"Ang kapal ng mukha mo!" Pulang-pula 'ko sa galit matapos sabihin 'yon. Lahat ng nasa spa ay nagtinginan sa'kin.

"Sorry po, LQ lang 'yan." Sabi ni Abby sa mga tao.

"Anong LQ?! Tara na nga!" Buwisit akong nanguna sa paglabas sa glass door ng spa habang ang mga kaibigan ko'y nakasunod sa'kin.

Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Sa ngayo'y gusto ko na lang umuwi dahil imbes ba marelax ay lalo yata akong nastress.

I will never fuck with his cousin! What happened last night is just because of alcohol. How dare he!

Magsama sila ng pinsan n'yang juts! Leche.

Sex and Breakfast [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon