Chapter 4: Why so HOT?!

2.9K 22 1
                                    

Lourisse's POV

"HOY, BABAE! Ba't hindi ka um-attend ng last subject natin kanina, aber? Hinahanap ka namin ah? Cutting! Pasalamat ka, nailusot ka namin kay Ms. Sanchez." Sermon sa'kin ni Kathy sa telepono.

"Ugh! P'wede ba, pagod ako." Sabi ko.
'Totoo naman eh, nagpahinga lang ako after naming mag-coffee ni BL. Kyle. Whatever.

"Oh, well. Na-award-an ka daw ng prof. mo sa math? Hahahaha." Panunuya n'ya.

"O--oo. Eh, inaantok kasi ako eh. Alam mo na, puyat n'ung mga nakaraang araw." Sabi ko habang kumakain ng niluto kong dinner.

"Tsk. Eh, ba't 'di ka man lang nagsabi sa'min? Nag-alala kami d'on ah! Anyway, hinahanap ka pala n'ong Mathew kanina."  Sabi ni Kathy na mukha namang nagw-worry.

"Okay. Fine. I'm sorry. Sige na, matutulog na 'ko after kong kainin 'tong dinner ko. Ibababa ko na 'to, good night." Sabi ko at agad na pinutol ang linya nang hindi pinapansin 'yung huli n'yang sinabi.

S'yempre hindi totoo 'yung matutulog na 'ko agad. Syempre, Facebook muna.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng account ko ay sumalubong agad sa'kin ang message ni Mathew.

Actually, naiinis na 'ko sa kanya. You know, hindi naman kami close. Thought, magka-block na kami noon, hindi pa rin ako komportable sa presensya n'ya. Hindi ko naman s'ya magawang iwasan.

Mathew:
Ba't wala ka kanina?
'Seen 9:56pm'

Bahala s'ya d'yan. Makaramdam s'ya.

Nagpatuloy ako sa pagb-browse at pag-stalk sa mga crush ko. Nariyang nag save ako nang nag-save ng pictures nila sa laptop ko.

"Oh my God, V!!!!!" Halos mapatid ang litid ko kakatili nang makita ko 'yung bagong picture n'ya sa facebook page.

'Why so hot and perfect? Sana gan'yan ang maging asawa ko soon.' Bigla na namang akong nag Daydream, kahit gabi.

*yawn* "Ahhhhhhyyy~"

Time to go to sleep.
Inilog-out ko na ang facebook ko at isinara ang laptop.

Binasa ko muna ang mga pamb-blackmail nila Abby at Rhina sa text na kapag hindi raw ako pumasok bukas ay ikakalat nilang buntis ako.

'Mga sira-ulo talaga. Sino namang bubuntis sa'kin, aber?'
Matawa-tawa sa isip kong sabi.

Humiga na 'ko sa kama at unti-unting 'pinikit ang mga mata ko.

Kinaumagan ay maaga naman akong nagising kaya nakapagluto ako ng matinong almusal at nagawa ko pa 'yung mga bagay na dapat gawin.
Maaga naman akong umalis sa bahay, tutal boring din naman.

Habang papalapit na 'ko nang school ay napansin ko sa unahan ko ang nagmamadaling si Mathew. Agad ko naman s'yang tinawag. Baka isipin pa nitong suplada 'ko.

"Mathew!" Nakangiti ako nang tinawag ko s'ya.

Kakawayan ko sana pero paglingon n'ya ay inirapan ako.

'Wow? Ang taray ah?'

Okay, sign na 'to na pwede na s'yang iwasan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagtungo sa isa sa mga bleacher sa field.

Pinanuod ko 'yung mga nagp-practice ng cheerdance at ng soccer.

Napag-isip isip ko, mukhang masaya maging cheerleader. Well, ang cool kasi nila. And ang cute n'ong mga uniforms nila.

'How I wish to be one of them’ Sa isip ko.

Tumambay pa 'ko d'on ng ilang minuto para panuorin ang paghagis sa mga babae at pagbali ng kanilang buto nang maisipan kong pumunta na sa una kong klase.
'Baka nand'on na 'yun sina Kathy.'

Sex and Breakfast [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon