Chapter 1: First Day

248 1 1
                                    

        Sa unang kabanata ano kaya ang bagay na pagusapan? Hmm…sa unang parte, ano pa ba ang dapat nating pagusapan? Ano pa ba, edi syempre una nating pagusapan ay ang unang araw ng klase. Ang first day of school. *palakpakan*

        Syempre, hindi mo ma-coconsider na college ka na, hangga’t hindi ka pa dumadaan sa parteng ito. Syempre, kaya nga first eh, diba? Una! So, let’s talk about the first day shall we? Sit right next to me, grab a cup of tea and some croutons, and let’s chat over the fireplace. Now let’s begin if you wouldn’t mind. *nose starts bleeding*

        Meron bang hindi na-eexcite sa unang araw ng pasukan? Ang tipo ng excitement ay parang yung isa sa mga paboritong scenarios sa ating mga tahanan at eskwelahan.

“Roll the clip!”

        Nanay: Anak, matulog ka na

        Anak: Hindi po ako makatulog eh.

        Nanay: Bakit naman anak?

        Anak: Ma, it’s too complicated for you to understand at your level my desires toward what events the future has in store for me.

        Nanay: Sus, ayaw mo lang sabihin sa akin na field trip mo bukas eh. Matulog ka na, baka hindi kita pasamahin sa field trip niyo bukas eh.

        Anak: *zzzzzz*

        Yan, ganyan ang tipo ng excitement natin kapag unang araw sa pasukan. Ano ba ang nakakaexcite sa unang araw ng pasukan? Syempre gumawa ako ng listahan ng mga Top 7 things na kinasasabikan nating mga estudyante sa unang araw ng pasukan. *grabs reading glasses and clears throat*

1.   Makita, at makasama muli ang mga dating kaibigan.

Sa kolehiyo, medyo hindi na natin ito makikita, kasi ang kolehiyo ay sobrang iba sa high school, elementary, kinder, nursery at prep, dahil sa kolehiyo, unang una, hindi mo kilala kung saan galing ang isang tao, unless tatanungin mo. Halo-halo na kasi eh. Yung iba taga-Pasig, yung iba taga-Makati, yung iba taga-Zamboanga, yung iba taga-Apari, yung iba taga-Mactan, at malay mo yung iba ay mga lihim na “alien” na naghihintay sa reinforcements at pagkakataon upang lusubin ang planteang Earth.

Masaya ang kolehiyo. Exciting. Hindi tulad sa high school o elementary, na maeexpect mo na yung estudyante na natutulog sa likod ng upuan kapag nagdidiscuss yung teacher niyo sa science or math, or yung estudyanteng madalas may pagtingin sayo, lalong lalo na tuwing test or exams, lahat nang classmates mo this year maeexpect mo sila next year. Pero iba talaga sa kolehiyo, magiging halu-halo tayo. Pero parang halu-halo, na ang iba ay saging, yung iba ay yelo, yung iba leche flan, yung iba ube, yung iba macapuno, lahat tayo may part na gagampanan sa ating mga section. Syempre, school parin to.

       

2.   Mga bagong guro.

    Masaya makakita ng mga guro. Sino nga ba ang hindi napapatulala at napapatingin kapag nakikita mo ang teacher mo na bumibili ng hamburger sa fast food na pinagkakainan niyo ng mga katropa mo kapag weekends? Aminin, lahat tayo ganyan. Iba-iba din ang reaction ng estudyante sa teachers, depende sa estudyante. (Paguusapan natin ito further on sa mga susunod na kabanata :D.) 

   Likewise, ang pinagkaiba ng high school at elementary sa college, ay malamang, yung guro na tinataguan mo lagi tuwing recitation, at yung guro na lagi mong hindi pinapasahan ng assignment, na makikita mo rin sa susunod na taon. Sa kolehiyo iba-iba. Iba-iba ang personalities. Yung iba spoon feeders, yung iba parang mga endangered species, yung tipong bihira mo lang mameet, at yung iba mga madalas tambakan ka ng requirements (pati din ito, paguusapan natin at tatalakayin natin as we go on :D astig no?).  Kaya, kung incoming freshmen, tandaan. Ang kolehiyo ay parang mamahaling cereal box na ayaw ibili sa iyo ng nanay mo. Merong special surprise inside. Goodluck!

Now Loading: KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon