Tara, magi-introduce yourself muna ako

645 2 1
                                    

        Ako si Mark Mendez. Ako ay nag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines. Ako ay nasa section 1-1D at kinukuha ko ang kursong Broadcast in Communications dahil pangarap kong marinig ang aking tinig sa radio baling araw. Yun ay kung hindi makakalimutan ng kasalukuyang henerasyon ang radio, at matungo ang atensyon sa mga bagay na kung tawagin ay “visual”. Maraming bagay ang pumupukaw sa aking isipan habang ito ay aking isinusulat. Marami, pero ang nasa isip kong isulat ngayon ay tungkol sa mga magiging karanasan ko sa Polytechnic University of the Philippines, oh kung tawagin ay PUP.

        Maraming estudyante sa PUP. Naalala ko nung ako palang ay nageenroll para makapasok sa PUP ay umabot ako ng limang araw, dahil nagkaroon ako ng kakaunting problema sa aking NSO birth certificate. Ako na ang nagsasabi na pagdating sa mga pila sa PUP, i-expect mo na ang napakahabang pila. Marami talaga ang gusto makapasok sa PUP, pero ang mga tunay na pursigido lamang ang makakapasok. Makakapasok ka lang kapag ito ay iyong minithi at ginusto. Sa pila palang patutunayan mo na. Sa unang tingin mo palang sa pila eh susukuan mo na. First test nga kung iisipin. Pero isa lang to sa mga dapat lampasan kung gusto mong masabihan na isa kang PUPian.

        Pero ang aking isisulat, at iyong mababasa kung sakali, ay hindi tungkol sa PUP, kundi tungkol sa mga bagay bagay na kakaharapin sa eskwelahan bilang buhay kolehiyo. Ang mga dapat iwasan at mga dapat sundin. Mga dapat gawin at mga dapat hindi gawin. Mga simple do’s and don’ts pero syempre lalagyan natin ng comedic twist para naman medyo humorous at masaya basahin. Oh diba astig? Englishings yun, di niyo kaya yon. Gagawa ako ng mga bagong chapters araw araw para maging up-to-date ang aking mga karanasan. Masaya ang buhay kolehiyo sabi ng iba. Yung iba naman daw sabi ay ikamamatay mo ang buhay kolehiyo. Ewan ko kung saan ka maniniwala hanggat hindi mo pa ito nasusubukan. Kung baga ay, hindi mo malalaman ang lasa ng isang pagkain hanggat hindi mo pa ito natitikman. Oh sige baba na muna ako, andyan na ako sa crossing baka malate na ako sa biyahe, bayad nga po, isang estudyante.

*Sabay baba ng jeep then fade away*

Now Loading: KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon