Chapter 6: Throwback TV

93 2 0
                                    

       Sabi nga ng isang makata “Ang taong hindi marunong timingin sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”. Tama naman siya. Tunay nga na wala ka kung nasaan ka ngayon kapag hindi mo aalahanin ang mga dahilan kung bakit ka nakatayo sa iyong pedestal. Isipin mo ang bawat dahilan kung bakit ka ngayon nagaaral sa kolehiyo. Pero ano naman ang connect nito sa tatalakayin nating topic sa kabanata na ito? Paguusapan natin ngayon ang mga paraan kung paano mabubuhay sa kolehiyo part 1.

       Ang kolehiyo ay hindi naman isang balong malalim na puro pating na kailangan pa ng survival guide upang makatakas dito kapag ikaw ay nahulog dito. Ang kolehiyo ay isang lugar upang mahasa ang iyong kaalaman upang magkaroon ng magandang hinaharap. Pero siyempre hindi mawawala sa kolehiyo ang lamangan, laglagan at iba pang mga bagay na akala mo sa paglalaro lang ng langit lupa mo lang ma-eexperience. Sa kolehiyo laging mayroong nakakaangat sa iba, kung kaya’t mayroong mga summa cum laude, magna cum laude at cum laude para sa mga naulanan ng katalinuhan, at ang certificate of attendance para sa iba pa.

       Pero ano connect ng first paragraph sa second paragraph kasi wala parin talaga akong makitang koneksyon eh?

      

       Ang dahilan kung bakit ko naisip na ipasok ang pag-tothrow back sa isang “college survival guide” ay dahil gusto kong ipasok ang konsepto ng mga lumang cartoons sa tv na lagi nating iniiyakan kapag hindi natin napapanood, at lagi naman sa atin pinapanood nina mommy, daddy, katulong, si Oliver(yung hardinero namin), o kung sino mang nagaalaga sa iyo.

       Eto ang mga dapat tandaan!

       1. Gayahin si Dora the Explorer

       -Hindi lamang sa pagsabi ng Vamonos! Arriba! Muy Bien!, Yum yum yum delicioso! At iba pang Spanish words ang makukuha mong aral dito. Dapat makuha mo yung attitude ni Dora na mahilig pudpudin ang taking ng puti niyang sapatos. Oo tama, gumala ka sa campus niyo at sa mga paligid ligid. (syempre pagbreak time or uwian. Wala po akong sinabi na magcutting kayo or magpalate ng uwi. Kung ginawa niyo ito baka ako sisihin eh) Bakit maganda ang gumala sa buong campus niyo at sa mga pali-paligid(sa tamang oras syempre ha? Baka umuulan na ng lahar, bala, granada at semento, eh gumagala ka parin). Kasi, kapag mas maganda kung kabisado mo ang bawat facilities sa school niyo at kung saan makikita ang opisina ng pinaka-kagalit niyong professor, or kung saan mo itago ang lunch box na dala pa ni nanay.

       Mas maganda kung bawat sulok ng inyong school ay alam mo. Hindi lamang yung buong school, pati narin yung mga kainan sa paligid, pa-printan, bilihan ng ipinagbabawal na droga at iba pa.

       Wonder Tip: Kabisaduhin lahat ng cr. Hindi mo alam kung kelan tatawagin ni Inang Kalikasan.

       Extreme Challenge: Habang naglalakad kausapin ang isang pirasong papel at sabihin ang “Ui Map naliligaw ako. Saan tayo next?”

       2. Gayahin ang Wonder Pets

       Ano ang espesyal sa isang matabang Guinea Pig, isang medium sized na bibe na nakasumbrero ng piloto pero hindi naman siya ang nagpapalipad ng eroplano at isang pagong na walang ginawa buong araw kundi magswimming lang ng magswimming? Syempre kinakanta nalang nila lagi ang dapat mong malaman:

       “What do we need team work!”

       “Anong kailangan, magtulungan!”

       Maging mabait sa kapwa. Tumulong sa iba lagi kasi hindi lamang nakakagaan sa loob, pati narin para sa taong ginagawan ng mabuti. Malay mo siya na pala si Mr./Mrs. Right or maging kaibigan mo pa. Tip: Hindi lahat ng pagkakataon kailangang tumulong, tulad ng pagpapakopya ng assignment, pagpapakopya sa exam, pagbenta ng ipinagbabawal na gamot at iba pang mga negatibong aktibidad. Kahit minsan ay hindi binabasa ni prof at humuhula nalang siya ng grades para sa proyektong kay aga niyang kinuha at kay tagal macheckan, mind you, paano kapag nahalata ng professor niyo na iisa lamang ang gawa ng isang section….oh diba? Huwag sanaying maging tamad at umasa sa iba. Maaari kang abusuhin at sila ay maaaring maging freeleoder kapag laging nagpapakopya. Naaalala ko nga eh meron akong kaibigan na siya ang supplier ng yellowpad sa buong classroom namin(Isa ako sa mga nakikinabang don eh, hehehe pero ayos lang lagi naman naming siya bibnibigyan ng baon namin).

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Now Loading: KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon