Chapter 4: Pokedex ng mga Professor

141 2 1
                                    

Game! Ang topic natin today sa ating bagong chapter ay ang mga pinakanakakatakot/pinakamabait/boss ng ating mga pamantasang pinapasukan araw-araw. Ang mga dahilan kung bakit ka bumabangon mula sa isang napakagandang panaginip. Ang dahilan kung bakit ka naliligo na labag sa iyong kalooban. Ang dahilan kung bakit mo pinipilit kumain kahit wala ka pa sa wisyo. Ang dahilan kung bakit ka nakikipagbakbakan sa inosenteng mga tao para lang makasakay sa tren, bus, jeep, Bangka at kung anu-ano pang mga public vehicles. Sino pa ba ito? Edi ang mga professors at teachers na magpapahirap….este magpapasa ng kanilang mga nalalaman na kanilang natutunan from their vast experience. Pero buti sana kung nagtuturo no? Walang halong biro, napakaraming professor ang iyong makikilala. And mind you, tulad ng crush mo, kahit gaano man siya magalit sayo o pahiyain ka, bawal kang mainis kasi mas lalong lalala. Hays mga professor nga talaga, kung hindi mo sasabayan mapagiiwanan ka at mapaglilipasan ka ng panahon. Maraming mga uri ng professor ang nasa ecosystem na ating kinikilatis na kung tawagin natin ay “classroom”.

1. Harry Houdini: Ito ang paboritong professor ng mga tamad mag-aral. Sila ang savior ng mga estudyanteng mahilig pumunta sa computer shop kapag break time. Etong mga professor na ito ay hindi masyadong nagpapakita sa klase. Kung nasa klase man sila madalas saglit lang sila at hindi nagtatagal. Mahilig silang mag-appear disappear. Mag-appear sila sa simula ng semester at magpapaxerox ng handouts at magdidisappear na. Pero mag-rereappear siya ulit…..kapag midterms or finals na. Pero hindi lang ito ang kaya nilang gawing magic. Kaya rin nilang gawing 1.5 ang iyong marka kahit ang deserve mo ay 5. Magaling mag-magic tong mga professor na ito.

Useful tip for dealing with Harry Houdini: Always prepare for the worse. Aralin lagi lahat ng handouts para ready kapag nagre-appear siya.

2. Prof. Flash: Ito naman yung mga professor na sobrang bilis magturo. Sa simula napakaganda ng kanilang mga personality, happy and cheerful at madalas medaling pakisamahan. Pwede mong gawing buddy or katropa, pero kapag nagturo na sobrang bilis at madalas hindi mo maintindihan. Kapag magtuturo ito huwag na huwag kang kukurap kasi una mong tingin 1 + 1 lang nasa board, pagdilat mo para sa pangalawang beses magugulat ka na puno na ng numero yung blackboard(whiteboard) at binubura na niya yung kaliwang parte ng blackboard. Isa pang tip pagmakakaencounter ng ganitong prof. Stay awake dahil wala ka nang maintindihan at wala nang maprocess utak mo susurrender na siya. Tumabi sa bully ng klase niyo tapos pagnaaantok ka na pasapak ka.

Useful tip for dealing with Prof. Flash: Makinig ng maiigi. Tiyaga tiyaga lang, pero kung sobrang bilis talaga sabihan niyo na si prof.

3. Ginoong bulong: Ito naman yung mga professor na sobrang hina naman magsalita. Madalas sila yung mga pundasyon ng paaralan o mga thunders. Pero do not worry, madalas nakalapel, kasi kung wala baka pagmulat mo ng mata dismissal na at wala ka nang natutunan sa tinuturo niya.

Useful tip for dealing with Ginoong bulong: Umupo sa front row or magpakagat sa radioactive na paniki para magkaroon ng super hearing.

4. Mr. Moneybags: Sila naman yung maraming requirements. Napakahirap subaybayan ang kanilang lifestyle kasi masyado silang maluho. Gusto niya lahat ng gamit niyo malinis at bago. Sila yung madalas matagal magcheck ng assignment kasi gusto nila laging may quality lahat ng gamit….pati paperworks kaya madalas strict tong mga to. Kung laging sakto lang baon mo, magsimula ka nang magipon.

Useful tip for dealing with Mr. Moneybags: Humingi ng dagdag baon or tulong sa magulang.

5. The Young Bloods: Sila naman yung mga medyo batang professors na nagrarange ang edad from 21 and above(Parang website lang ah…). Kung walang uniform ang school niyo, madalas sila magmukhang estudyante na nakikipaggroupwork yun pala ay nagtututor na. Sila yung madalas na tinotropa kasi medaling pakasamahan sa lahat ng uri ng professor.

Useful tip for dealing with The Young Bloods: Pinakamadaling manhandle sa lahat. Huwag na huwag abusuhin ang kabaitan.

6. Professor Janus: (F.Y.I. si Janus ay isang Roman god na dalawa ang mukha kasi siya yung god of beginnings and transitions basta hahaha siya na yun i-google niyo nalang for more info) Sila naman yung madalas na hindi mo mahuhulaan ang ugali. Kahit itanong mo pa sa fortune teller hindi nila mahuhulaan. Isang minute sasabihin niya:

“Okay class kailangan natin handwritten”

          ~pagdating ng pasahan~

“Sabi ko printed, ano tong bullsh*t na ito? Ulitin mo to”

Pero ang pinakworse pero madalas, yung ugali yung nasplit.

“Good morning class!”

“Mamatay na kayong lahat”

Useful tip for dealing with Professor Janus: Observe lang ng observe. Makakabisado mo rin ugali ni prof.

7. #1 Hitlist ng mga book authors: Sila yung most likely na kasuhan ng copyright, bakit? Sila yung madalas magpamigay ng mga handouts. Madalas siya magbigay ng Xerox copies. Magdiwang mga tamad! Hindi na kayo magsusulat sa mga lectures niya(alam ko yung feeling na iyan kasi ganyan ako eh) Pero babala, tipid ka nga sa ink, pero tipid ka nga ba talaga? Mayroong madalas na umaabot sa point na ubos na ang allowance mo pipigain pa ito para lang makapagpaxerox pa.

Useful tip for dealing with #1 Hitlist ng mga book authors: Maghanap ng kaibigang ready magpautang sa iyo.

8. Mr. Perfectionist: Good news natapos niyo na ang inyong group work at assignment bago ang deadline…magdiwang! Good news natapos mo na ang iyong 100 page book report….magdiwang! Good news nakaisip ka na ng title para sa gagawin mong thesis…magdiwang! Bad news hindi pasok sa standards niya ulitin mo daw….ha?! Oo maraming ganyan na professors. Mahilig silang magcomment sa lahat ng gagawin mo. Bayaan mo na for your betterment naman yun eh, para mas maganda magiging output mo, eh kaso kulang nalang sila na gumawa niyang project mo eh.

Useful tip for dealing with Mr. Perfectionist: Meet the expectations, gandahan mo na ng todo para wala nang mapintas sayo para astig.

9. Mr. Most Likely To Be A Talk Show Host: Tara kaibigan usap tayo! Sila yung maraming kaalaman at nalaman thru experience. Marami silang alam na kwento thru the years dahil medyo matagal tagal narin silang nagtuturo sa iyong institusyon or sadya lang talagang napakawise nilang mga nilalang. Maraming laman ang kanilang isipan, at kahit gaano mo subukang sisirin o alamin, malulunod ka lang sa information. Lahat kaya niyang ikwento sayo…..except lesson mo.

Useful tip for dealing with Mr. Most Likely To Be A Talk Show Host: Sipagan sa pagaaral, at piliting hindi maantok.

10. Prof. Vicious: Sila ang pinaka #1 na type ng professor na iyong makikita. Sila yung mga super strict, at araw araw nakasuper saiyan mode na professor. Lagi silang galit na animo’y parang military school pinapatakbo nila. Pero bayaan niyo for our betterment naman yan eh. Ikagaganda natin ito, kasi madalas nagiging manhid tayo para maintindihan na mali na ginagawa natin. Pero may mga pagkakataon talagang sadyang hindi natin malalaman ang dahilan ng kanilang pagkagalit. Nakunan ba sila ng lisensya nung pagpasok niya? Naiwanan ba niyang bukas yung gripo sa bahay niya? Nakalimutan niya bang huminga? We will never know.

Useful tip for dealing with Prof Vicious: Sumunod ka nalang. Huwag maging bida, kapag siya nagalit sayo…FRIENDSHIP OVER.

Pero syempre marami pang mamemeet na professor sa tanang buhay mo sa presinto….este paaralan. Marami pa, many to mention kumbaga. Pero tandaan always respect your professor. Kahit minor subject lang sila, tandaan, pinagaralan nila ng ilang taon yun. Huwag mangmaliit ng prof, kasi kapag sila binadshot mo, game over ka na boy. I-withdraw agad ang subject nila sa lalong medaling panahon. Also, kung sino yung pinakamabait ang pinakaworse magalit, trust me.

Abangan sa susunod na chapter, pagusapan natin ang pormahan sa pasukan at kung paano ang tamang clothes management. Paguusapan din natin ang chance mong manalo ng bagong Ferrari…….sticker.

Now Loading: KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon