Chapter 2: Official First Day

142 1 0
                                    

Okay, ngayon na ang araw ng first day of classes mo kung kaya’t babatiin na kita ng CONGRATULATIONS! Dahil official, college student ka na. Pwede ka nang umakyat sa bubong nang inyong tahanan, magdala ng megaphone at sumigaw “Mga kapitbahay college na ako! College na ako!” at walang pwedeng magsabi na hindi ka pa college. Prove them wrong! Pero teka alas kwatro palang ng umaga, kalma, kakagising mo lang at mahaba pa byahe mo, hindi ka pa nga nakakaligo at nakakapagalmusal eh. Pero normal lang talaga maexcite sa unang araw ng kolehiyo. Sino bang hindi? Lahat naman ng first time nakakaexcite talaga at nakakakaba at the same time eh…..parang….parang first time mong magkagusto sa isang babae. Ang unang tikim sa pagibig, kay sarap alalahanin. Diba nung una mo siyang nakita bumagal bigla ang oras? Linilinis mo tenga mo on the spot gamit ang hintuturo mo kasi naririnig mo na ang huni ng mga anghel at hindi mo na naririnig ang madaldal mong katabi na kinekwentuhan ka ng pinaka bagong episode ng Batman na kanyang napanood kagabi bago siya matulog. Tinanong mo agad sa kaibigan mo kung anong pangalan niya, malamang magugulat siya kasi out of the topic yung tanong mo, pero syempre since kaibigan mo nga siya no choice siyang sagutin ka at for some unknown reason alam niya yung pangalan ni girl. Tinawag mo naman siya at nung lumingon siya sayo, nakafocus ka sa pagsway ng kanyang buhok. Narealize mo, bakit mo siya tinawag?

Abort mission! Abort mission! Code Red! I repeat, code red! Awkward situation! Awkward situation!

Nako! Hindi mo masyadong pinagisipan yung ginawa mong pagtawag kay girlie. At doon sa moment na iyon naramdaman mo ang pagiging awkward. Paguusapan din natin ang awkwardness later on.

Well back to the topic, first time mo sa school, at syempre ano ba ang una mong maeexperience sa unang araw ng pagpasok mo sa school? Syempre ano pa ba, edi dagdag baon. Hindi joke lang, syempre ang pinakauna mong maeexperience ang pagbiyahe. Merong iba sa inyo na sasakay ng MRT, LRT, PNR, Jeep, Tricycle, Maglalakad, magjojogging, mag-dadragon boat, sasakay sa likod ng higanteng bubuyog na model ng burger, maguunicycle, magbibicycle, magtetestcycle, gagapang at kung anu-ano pang mga paraan ng transportasyon basta makapunta lang sa iyong destinasyon, ang iyong sintang paaralan, na iyong magiging libingan, este tahanan ng apat o kung ilan mang taon ang iyong sentensya…este kurso na gusto mong kunin. Masaya talaga bumyahe, kahit sino aagree sayo….basta ang tatanungin mo yung mga first timer sa MRT, LRT at ibang sasakyan na may T hahaha kasi madalas kapag yung mga tatanungin mo yung mga beterano at hardcore “riders” malamang mumurahin ka nila at sasabihin nila “magingat ka iho, may the odds be ever in your favor” ang masasabi nila sayo, at pagtingin mo nakatulala lang sila at nakatingin sa malayo habang inaalala ang kanilang mga mapapait na karanasan. Pero actually masaya talaga bumyahe basta think positive ka lang. Kahit gaano man kalayo ang byahe masaya parin kasi yung feeling na nakikita mong parang may marathon at lahat ng tao sa paligid mo ay nagtatakbuhan na parang may diarrhea na ewan na may dalang bag, maleta, coat na nakatupi, briefcases, listahan ng utang, poses, taho atbp. mararamdaman mo ang “kasama na ako sa work force at feeling ko may halaga na ako sa mundo at sa aking bansa” feeling.

Syempre feeling professional ka, nakitakbo ka na rin at nagmadali sa sakayan hangang sa hinaharangan ka ng guard/barker/driver/Robocop/terminator kasi wala ka pa raw ticket o bayad. Dyan maiintroduce sayo ang concept ng pagpila. Itatackle din natin ang “pagpila” huwag kang atat, bumili ka muna ng ticket.

So eto ang ilang mga mahahalagang advice sa iyong pagsakay sa mga public modes of transportation.

1. Huwag na huwag kalimutan ang ticket o pambayad. Kalimutan mo na ang brip at baon mo, huwag mo lang makalimutan ito, kasi malamang sa malamang sa gulong ka ng tren pasasakayin kapag wala kang ticket, or dun ka sa bubong ng jeep sasabit kung wala kang pambayad. Isa pang useful tip, laging maghanda ng exactong bayad. Golden rule yan at never pang pumalya sakin yang tip na yan.

Now Loading: KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon