Chapter 3

37 5 0
                                    


              

Chapter 3: Ulan's Ultimate Enemy!! (Weh?!)


                          Papunta na ako sa Classroom.. 

                                       " Rain.. buti.. nakarating ka.. na.. nasa 4-B ang pinakabaliw na Bully dito sa School.." sabi nya na hinihingal..

                                    " Huh?" sabi ko na nalilito..

                                   " Si Bakulaw, yung tinuturing kang Mortal Enemy, Si Gory diba.." sabi nya..

                                  " Ah.. eh ano naman?" sabi ko..

                                " Nangbubully na naman sa mga taga-2nd section.." sabi nya.. merong 7 section sa bawat year level. Ang 1st section ang mga Magagaling na Student sa School, magaling sa Academics at Extra-curriculars kagaya ng Sports, ang 2nd and 3rd naman ay ang mga Brains, sila yung nag-iexcel sa Academics. Ang 4th and 5th naman, sila yung magaling sa Sports. Ang mga 6th section naman, sila yung mga Happy-Go-Lucky..  sila yung madalas nangtsi-tsismis.. kahit hindi naman totoo at gawa-gawa lang nila..Ang 7th section naman ay ang mga Rebellious type, mahilig maghanap ng away, mahilig mangbully... kaya madalas kinatatakutan ng mga nerd student dahil sila yung madalas na mabully ng mga taga-7th section.

                              " Bakit nyo ako sinasabihan?? Pake alam ko ba dun.. Ano ako Guidance Councilor??" sabi ko...  ngayon ko lang nalaman na Peace officer at SC President ay iisa.. akala ko nakaupo lang.. naghihintay ng pipirmahan..

                            " Ikaw kaya ang Student Council President kaya gawain mo iyan.. at ikaw ang hinahanap ng baliw na yun.." sabi nya na nakataas ng kilay.

                           " Ok... fine.." sabi ko na nakasimangot..ang ganda ng araw ko sisirain lang ng isang bakulaw!

                          " oh ano iyan??" di pa rin nya binababa ang kilay nyang nakataas..

                          " Sana forever na lang yang kilay mo na nakataas.. " bulong ko..

                          " What??" sigaw nya..

                          " Aray! makasigaw wagas.." sabi ko.. papatayin yata nya ang precious ears ko..

                         " Ang name nya ay Goryl Dela Vera.." sabi nya na tumitingin sa papel kung saan naroon ang profile data ni Gory..

                         " Hayyst.. instant super hero pala ako ngayon.. ililigtas ang isang bata sa kamay ng isang Gorillia.." sabi ko sa hangin.. busy sya.. eh di hangin na lang ang kausapin..

                         " May sinasabi ka??" tanong ni Scar..

                         " Wala..." sabi ko.. sabay kaming naglalakad papunta sa 4-B.. kung saan lahat ng students ay mga Nerds or Geeks.. 


.................


 Habang di sya nakatingin.. tumingin muna ako sa phone ko..

Name: Goryl Dela Vera

(Sino bang matinong tao ang gagawa ng pangalan ng anak nya na kulang na lang ang 'ya'?? Sino?? Sabihin nyo.. base sa pangalan madami na syang pinagdaanan..)

Age: 19 years old

(Eh? Repeater sya??)

Gender: Male

(Obvious..)

Favorites:

* mangbully

* Food: Gummy bears, saging

* Hayop: Wala

* Mahilig sa black pero kapag tinotopak color.. pink..

(PINK??!)

Others:

* May gusto kay Yeshia Perez, the School Sweetheart, Ms. Popular at back to back Ms. Intrams.

*Marunong magtaekwondo

* Enemy No.1 si Rain dahil natatalo sya sa lahat ng bagay kasama na dun ang tungkol sa pagkakaiba nila ng mukha... madami kasing nagsasabi na mas Gwapo si Rain.. wala pa daw sa 1/ 32nd ang mukha nya kay Rain ayon sa survey.. kaya sisirain na lang daw ang mukha ni Rain para pantay sila..

(Di ko alam kung baliw ba ang nagtype ng mga Profile Data o matagal na talagang takas sa Mental.. di ko maintindihan..Pramis!! Ang isang bagay lang ang nagpakuha ng atensyon ko ay yung balak nyang sirain ang mukha ni Rain.. wala na si kuya.. eh di ibig sabihin.... Oh no!!)



A/n:

Oh no talaga!! Go Aria!!!


Vote and comment.

Enjoy reading!


Mission: Take His Heart and Break it..Where stories live. Discover now