Chapter 5

32 4 0
                                    




Chapter 5: dayMARE!!!

                       After 3 days..

                                    Si kuya Rain ang ginagaya ko.. wala pang sinasabi si Dad kung si Empress o si Emperor ang gagayahin ko ngayon.. madali lang maging si Empress.. dahil ako yun.. pero Emperor?? Ewan ko??

                                Nandito ako sa mini park ng school.. nagpapahangin  at iniisip na rin si kuya.. kung hindi ba sya namatay.. Di ko makikita at mararanasan ang mundong ito? Na ni minsan di ko narating.. magkaiba kami ni kuya... kahit pareho kaming misteryoso.. madami akong di alam sa kanya.. ako din.. madami na syang di alam sa akin.. kambal kami pero ang layo namin sa isa't isa.. namuhay si kuya sa isang masayang mundo.. na mas lalong kumukulay dahil sa kanyang mga kaibigan..Ako?? Namuhay ako sa isang magulong mundo, puno ng sikreto at gulo tungkol sa kapangyarihan at pera.. kinuha ni mama si kuya... nagkahiwalay kami.. nag-away sila ni daddy... naiwan ako.. na umiiyak.. bakit?? Bakit sya ang pinili mo Mama.. paano ako... namuhay ako na walang ina.. sinubukan kong magpakatatag.. sabi kasi ni Daddy babalikan mo kami.. pero wala ka na..


                            " Ra.. Rain.." sabi ng isang boses.. boses ng isang babae..umiiyak na pala ako.. buti nasa likuran ko sya.. di naman yata nya nakita.. mabilis kong pinunasan ang mga luhang tumatakas sa aking dalawang mata... saka lumingon sa kaniya..

                            " Ahm.. anong kailangan mo??" agad kong tanong sa kanya.. saka binigyan sya ng pilit na ngiti..

                         " Ah.. Rain.." sabi nya na nahihiya..

                          " Ano?" tanong ko ulit..

                          " Gusto kong sumali sa.. sa.." sabi nya..

                         " Ano??" sabi ko na naiirita.. psh..bakit nilang nya agad sabihin?

                         " sa.. sa grupo nyo.." sabi nya na nahihiya..

                         " Hmm.. bahala ka.." sabi ko kay Sadako.. then tumalikod na para umalis

                       Pero....

                       O_O


.

.

.

.

.

.

.

.

Niyakap nya ako mula sa likod... Sheezzz!! Electricity.. Toinks!! Paano kayo magkakaroon eh pareho kayong babae??

Nararamdaman ko ang Heartbeat nya.. tsk!

" Ano.. a.. Anong ... Ginagawa mo??" tanong ko..

" Mahal kita.. Rain.. mahal na mahal.." sabi nya.. di pinansin ang tanong ko pero anong sabi nya??

Sheez... Goosebumps..

" A.. A.. Ano bang.. pinagsasabi mo.?" sabi ko.. nararamdaman kong umiiyak na sya.. nababasa na ang likod ko..

"Mahal.... kita ...Rain..." sabi nya.. mas lalong lumakas ang iyak nya.

Buti na lang di halata na babae ako.. hoo.. kapag nagpupumilit akong makaalis sa mga kamay nya.. mas lalong humihigpit ang pagkakayakap nya sa akin.. linta ba ito??

" Anong ginagawa nyo?! Bakit ka nakayakap kay Rain??!" pagalit na tanong ni Scar.. para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.. dahil dun.. nakawala ako sa yakap.. sheezz.. thanks Scar..

" Ah.. Ah.. ano.." sabi ko.. nakakatakot sya.. para syang mangangain ng tao... feeling ko tuloy.. pati buhok nyang pula.. galit rin.. Hoy! Mga bruha.. babae ako.. huhu.. sarap isigaw ng mga salitang iyan..

" Siya ba?! Siya ba yung dahilan kaya... hanggang FRIENDS lang ang tingin mo sa akin?!" galit na galit nyang sabi..

" What?!" di ko na rin napigilang magtaas ng boses.. anong pinagsasabi nito?? Kuya, ang masasabi ko lang ang Gwapo mo.. grabe..

" Mahal kita Rain.. bakit di mo makita??" sabi ni  Scar  na umiiyak.. gusto ko na rin maiyak.. hahalikan nya sana ako..


 pero..



.

.

.

.

.

.

.

.


"BBOOO!!" bigla na lang akong napatayo sa inuupuan ko..

" Hahaha!! Epic yang face mo Rain!!" sabi ng isang babaeng classmate ko na sobrang daldal.. parang boses ni Yeshia.

" Hoy! Ok ka lang?? Di ka ba nakikinig?? Ang dami naming sinabi.. ikaw Rain sino ba iyang iniisip mo??" tanong ni Rev.

" Ah oo.. ok lang Ako.." sabi ko na hingal na hingal.. buti na lang.. kala ko...

" Hoy!! Ok ka lang talaga??!!!" sigaw ni Rev sa tenga ko..

" Sheezz.. Ano bang?! Ang ingay mo.. hindi ako bingi!!" sigaw ko rin sa kaniya..

" Rain, punta tayo sa Cafeteria.. samahan mo ako.." sabi ni Scar..

" Oh kay.." sabi ko.. tiningnan ko sya.. nagpuppy eyes pa.. yuck!

Thank God.. nightmare yata iyon..

Magwa-one week na ako sa School na ito.. di pa namin nakikita yung kaklase namin.. lalaki yata iyon eh.. arte.. halos 1 week na pala akong nagpapanggap..

Kuya, ang dami mong kaibigan.. mabuti ka pa... pero bakit bigla mo silang iniwan.. bakit bigla mo akong iniwan..

Pero.. nakakatakot talaga yung .. Daydream ba tawag dun?? Eh paggabi anong tawag? Night Dream?? Basta.. Hay naku.. grabe.. mamatay yata ako ng maaga..



______________________________

A/n:

                   Konnichiwa!!!  Happy Reading!!!! God Bless!! Vote and comment!!




Mission: Take His Heart and Break it..Where stories live. Discover now