Chapter 6

27 4 0
                                    




Chapter 6: Scary Scar!!


                            Nagulat na lang ako na may kamay na biglang sumabit sa arm ko.. 

                            " Rain, napapansin ko.. parang parati kang nakatulala.." sabi ni Scar.. napatingin naman ako sa kanya... hanggang tenga ko lang yata sya... masyado pala akong matangkad.. sabi ng stepmom ko... pang-model daw ang taas ko.. di ko na lang iyon inintindi, paano kung binibiro lang ako ng babaeng iyon?

                           " Ah.. wala. May iniisip lang.." sabi ko.. ang lapit naman ng babaeng ito sa akin..tsk!

                          Papunta na kami sa Cafeteria..

                         " Girls, tingnan nyo.. bagay talaga sila.." sabi ng isang babae na nakatingin sa amin ni Scar.. kaya napatingin tuloy yung ibang estudyante..

                       " Oo nga.." sang-ayon pa ng isa..

                       " Kyaahh!!" sabay-sabay na tili ng mga babae na nandito sa Cafeteria..

                       " Narinig mo iyon Rain? Bagay daw tayo!!! Ayiee!!" tili ni Scar..nakikisabay pa.. ang ingay na nga!! At kami BAGAY??! No way!! Yuck!!

                      " Tsk!" sabi ko..

                       Hayy.. ano ba yan?! Kailangan ko pang maging isang Gentlewoman.. ay mali.. Gentleman... umupo na sya doon sa nakareserve ng seat naming mga SC officers.. na parang reserve seats na rin ng 4-A.. dahil lahat kami officer ng Student Council..

                       "Ahm.. ako na lang mag-oorder.. Anong gusto mo??" tanong ko sa kaniya..

                       " Ah.. pareho na lang ng sayo" sabi nya habang naka-smile..                      

                     " Ok.."  sabi ko at tumango.. bahala sya


                    Papunta na sana ako ng biglang may humarang..


.

.

.


   " AARRRAY!!!!" sabi ko..


Tao ba ito? o Pader?? Woah!! Ang tangkad nya..

Humarap na sya sa akin.. 6ft pataas yata.. estimate ko lang..

Ay! Ang gwapo nya!!! What the?! Baka masabihan akong bakla... Erase! Erase!

" Hoy!! Bubwit, tingnan mo ang dinadaanan mo.." sabi nya na naiinis o naiirita?

" What?! Ako pa ang may kasalanan?? Ang laki ng Pilipinas.. dito mo pa naisipang tumambay!!!!" sabi ko...

" Eh ano naman sayo?! Alis ka nga!!!" sabi nya.. then tinulak ako...

"Waah!! Tinulak si Rain!!!" sabi ng isang babae.. tsk! Dinumog tuloy ako..

" Rain, ok ka lang??" tanong ng isang babae.. mukha syang mabait.. atleast may nakita akong mukhang tao na fans ni kuya..

" Kainis!!" nasabi ko... buti sa balikat nya ako nahawak.. makikita nya.. hindi pa ito ang huli..

Nakita ko syang papaalis sa Cafeteria.. kahit ang gwapo nya.. Ay! May sinabi ba akong gwapo?? Nagkakamali kayo.. Ehem! Ehem!! Iyon gwapo?? Weh? Ako, magkakagusto sa higanteng iyon?? Never!!! Sa sama ba naman ng ugali ng taong iyon!! Ako.. sinabihang bubwit.. FYI.. 5.7 ft ako.. si kuya.. 5.8ft... matangkad na kaya ako.. kainis sya!! Asar!! Papatayin ko iyon!! makikita nya.. pigilan nyo ako.. pigilan nyo..papatayin ko iyon!! ASAR!! Ay wag na pala.. sayang ang pera..


*******************


 Nag-order na lang ako.. Badtrip.. then pumunta na ako kay Scar...

" Rain anong nangyari??" nagtatakang tanong nya..

" Wala.. wala naman ... maliban sa higanteng nagpahiya sa akin.. bwisit!!!!" sabi ko.. mahina lang ang pagkasabi ko ng last part.. siya na lang ang bahala na malaman iyon..

" Aahh.." sabi nya at nagpatuloy na kaming kumain..

" Scar, kilala mo si Meirra??" tanong ko..

"Huh?" tanong nya na nalilito...

Napansin ko kasi nung nakita ko mukha nung higanteng epal.. magkapareho sila ng mata.. Gray eyes... interesting..

" Yung babaeng nagbigay sa akin ng Chocolate.. yung nahimatay na dinala ko sa clinic nung isang araw.. ganun.." sabi ko.. sabay kain ng in-order ko..wow! Ang sarap nitong Strawberry short cake!

Nakita ko na lang na.. naikuyom nya ang dalawa nyang kamay..

" Bakit?!" sabi nya na naiinis.. Eh?? Anyare?

" Nagtatanong lang... masama ba?" tanong ko pabalik.. di ko maintindihan kung anong nangyayari.. May ginawa ba akong masama??

Bigla na lang tiningnan nya ako ng masama..

" Hey! Easy.. Ano bang sinabi ko na ikinagagalit mo??" tanong ko.. pinagpapawisan na ang mga palad ko..

" IKAW!!!" sigaw nya.. nakakaagaw na kami ng attention.. 1 whole sheet of paper.. nakatutok na sa akin ang tinidor.. napaatras tuloy ako ng di oras sa kanya..

" Hoy! A-a-ano yan?? Problema mo??" tanong ko.. nakakatakot sya.. parang feeling ko... yung.. yung buhok nya.. umaapoy.. na parang mga ahas.. tapos yung mata nya na nanlilisik.. parang gagawin nya akong abo o bato.. Sheez.. para siyang si Medusa.. Huhu.. Siguro kalahi nya ito? Valentina ikaw ba iyan?? 

Naman oh.. di pa nga nagsisimula yung mission ko.. may ganito na agad..

" IKAW!! IKAW ANG PROBLEMA KO!! Masyado kang manhid!!!" sabi nya na nagagalit...

After nun.. umalis na sya.. iniwan akong nakatulala.. at di na rin nya tinapos ang kinakain.. Anong nangyari dun? Haiizt.. ewan ko ba sa araw na ito.. nakakalito ah... Sakit sa ulo!!!




_________________________________



A/n:


                 Aria ok ka lang?? Musta naman ang puso? Baka mahimatay ka dyan... matapos agad ang story..


               Comment. Vote. Share.


Happy Reading!!!!

Mission: Take His Heart and Break it..Where stories live. Discover now