Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Book Cover by: JohnLloyd Berzuela
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisahin ang pahinang ito. Maraming salamat po"
GENRE: BXB FANTASY
Merry Christmas everyone..
******************************
My Super Kuya
AiTenshi
Nov 9, 2015
Part 1: Larawan
Ako si Jonas 15 na taong gulang, may taas na 5'6 at kasalukuyang nag aaral sa isang pribadong paaralan dito sa lungsod. Ako ay nasa ikalawang taon sa kursong BSIT. Ordinaryong binatilyo lamang ako at hindi napapansin bagamat sinasabi naman nila na gwapo daw ako at nahahawig sa dating pbb housemate na si Bailey Thomas, pero ewan ko lang kung totoo nga. Maayos ang aming pamumuhay, ang aking mga magulang ay nag mamay-ari ng mga negosyo sa siyudad kaya't masasabi kong maswerte kami ng aking nakatatandang kapatid dahil nabibili namin ang ano mang aming naisin, inshort ay sunod kami sa luho.
Simple lang ang aking buhay sa loob ng tahanan at maging sa paaralan. Ibang iba ito sa aking nakatatandang kapatid na si Jorel dahil artista ito at sa telebisyon ko lamang nakikita. Ang sabi sa akin nina mama at papa ay hilig na daw talaga ni Kuya ang maging action star kaya pinayagan nila itong lumabas sa telebisyon noon pa. Never kong nakita si Kuya Jorel sa personal kahit na mag kapatid pa kami. Una, dahil hindi naman ako lumaki sa aming tahanan, palaki ako ng aking lola sa probinsya at si kuya naman ay pinalaki ng aking mga magulang sa siyudad. Ikalawa, nitong kolehiyo pa lamang ako pinayagan nila lola at lolo na tumira sa siyudad upang dito mag aral ngunit pag uwi ko dito ay wala na si Kuya Jorel dahil abala na ito sa pag aartista at kailanman ay hindi na umuwi ng bahay.
At ang iyon nga, sa telebisyon ko lamang ito na sisilayan bagamat palagi siyang ikinukwento ng aking mga magulang. Nag kalat din ang gwapong larawan ni kuya sa dingding ng aming tahanan na parang isang museum kaya't araw araw ay mukha na lamang niya ang aking nasisilayan maliban sa kanyang silid na punong puno ng gitara, at mga collectible items.
Sa 15 na taon ng aking buhay ay hindi ko nasilayan ng personal ang kanyang mukha daig pa ako ng kanyang mga fans at taga hanga sa iba't ibang sulok ng bansa kaya naman paminsan minsan ay nakakaramdam ako ng pag seselos bagamat hindi naman dapat. Ang akala ko noon ay hanggang tv ko na lamang ito masisilayan ngunit isang araw, ang aking matagal na pag hihintay ay nag tapos na noong mabalitaan ko na mayroon silang guesting sa isang bagong bukas na mall dito sa siyudad kaya naman hindi na kami nag dalawang isip pa aking mga kaklase agad kaming pumila sa mall upang makita siya ng personal.
Alas 3 ng hapon noong mag simula kaming mag hintay sa mall, halos hindi mahulugang karayom ang buong lugar dahil sa dami ng mga taong nag aabang dito. Halos ilang minuto rin kami sa ganoong pag hihintay habang ako naman ay kabado at binabalot ng matinding excitement. Sa unang pag kakataon ay ngayon ko lamang masisilayan ang mukha ni Kuya Jorel, ang aking kapatid at ang taong sa telebisyon ko lamang nakikita at napapanood.