My Super Kuya Part 22: Pag kabata

6.7K 244 3
                                    

My Super Kuya

AiTenshi

Noong mga sandaling iyon ay tila binalot ng nakakabinging katahimikan ng buong silid. Maging sina mama at papa ay nawalan din kibo. Ako naman ay tumayo muna at nag pasyang mag pahangin sa labas. Ewan, ngunit tila naapektuhan ako sa naganap na pag bagsak ng planetang Roika at sa kabilang banda ay naaawa rin ako kay kuya Jorel at sa sinapit ng kanyang mga magulang..

Part 22: Pag kabata

"Nandito ka lang pala tol. Kanina pa kita hinahanap doon sa hotel. Anong ginagawa mo dito sa dalampasigan?" tanong ni Kuya habang pinag mamasdan ko ang madilim na karagatan. "Nag papahangin lang kuya. Medyo nadala kasi ako sa nasaksihan ko kanina. Sorry kuya.. Hindi ko alam na ganoon kalagim ang pangyayari sa nakaraan mo." wika ko naman.

"Bakit ka naman mag sorry e wala ka namang kasalanan doon tol. Naniniwala ako na lahat ng pang yayaring iyon ay may dahilan. Kung hindi nasira ang Roika malamang ay nandoon ako ngayon at hindi kita kilala. Hindi ko naging magulang sina mama at papa. Maraming nag bago.. Malakas ang pananalig ko na may nakalaan para sa akin sa mundong ito. Doon ako nag mula sa ibang planeta ngunit dito naman ako nag kaisip at naging mabuting tao, kayo ang pamilya ko." tugon ni kuya at umupo ito sa aking tabi.

"Ewan ko kuya, ngayon ay tila pinag sisisihan ko ang mga taon na hindi tayo mag kasama. Kung maaari ko lamang ibalik ang nakalipas, sana ay nag pumilit akong manatili sa tabi mo." wika ko naman habang pinag mamasdan ang kanyang gwapong mukha. "Ayoko tol, hindi ako papayag na masaktan ka at maulit ang nagawa ko noong mga bata pa tayo." tugon niya.

"Anong ibig mong sabihin? Paminsan minsan ay sumasagi sa aking isipan ang imahe ng dalawang bata na nag lalaro sa bukid. Masaya silang dalawa ngunit maya maya ay bigla na lamang nag iiyak ang isang bata at takot na takot ito habang humihingi ng tulong. Bukod pa roon ay wala na akong maalala." pag babalik tanaw ko.

Tumingin sa akin si Kuya at nag bitiw ito ng isang malalim na buntong hininga. "Tol, ang dalawang batang iyon ay wala iba kundi ikaw at ako. Nasaktan kita noon at nalagay ka sa bingit ng kamatayan."

"Bakit hindi ko ito matandaan? Ano ba ang nangyari noong araw na iyon kuya?" tanong ko.

"Sariwa pa sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Araw ito ng Biyernes, pag kagaling ko sa eskwela ay agad kita kinarga upang laruin at alagaan. Dalawang o tatlong taon ka pa lamang noon at ako naman ay nasa walong taong gulang kaya marahil ay hindi mo na naaalala pa ang lahat. Kinuha kita sa bahay at dinala sa bukid ng walang paalam kila mama. Mahal na mahal kita at sabik na sabik akong mayakap at mahalikan ka kaya naman palihim kitang itinakas sa ating mga magulang. Alam ko kasi na hindi ako papayagan ni papa na hawakan ka dahil baka masaktan kita kaya't ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang kontrolin ang aking kakaibang lakas.

Hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin ang pag tawa mo habang nilalaro kita. Ang iyong ngiti ang pinaka magadang bagay na nasilayan ko sa mundong ito at iyon ang nag papahina sa aking tuhod. Kahit mga bata pa tayo noon ay alam ko nang espesyal ka at hindi lang ito basta bastang pag mamahal dahil higit pa roon ang nararamdaman ko para sa iyo.

Ipinag patuloy ko ang pag lalaro sa iyo habang sa makalimutan ko na aking sarili, kung sino ako at anong klaseng nilalang ako. Basta ang alam ko lang ay pasan kita sa aking likuran at pag katapos ay bigla na lamang uminit ang aking pakiramdam. Sumakit ang aking mata at pareho tayong natumba sa lupa. Umiyak ka at natakot noong mga oras na iyon dahil nakita mo akong namamalipit sa sakit ngunit ayokong nakikitang umiiyak ka kaya't tiniis ko ito at pinilit tumayo. Iyon nga lang ay hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari. Bigla na lamang may lumabas na liwanag sa aking mata tumama ang liwanag na iyon sa iyong katawan dahilan para mapinsala ang iyong balikat at ang iyong dibdib. Tumagas ang dugo sa iyong katawan at nawalan ka ng malay.

My Super Kuya (Fantasy BXB 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon