PAUNAWA: Ito po ay isang BXB Fantasy story.
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisahin ang pahinang ito. Maraming salamat po"
My Super Kuya
AiTenshi
Noong gabi ring iyon ay nag pasya ako na kalimutan na lamang ang pag mamahal ko para kay Kuya Jorel.. Iiwasan ko na siya hanggang sa muli kong makasanayang mabuhay ng wala siya sa aking tabi.
Part 11: Concert
Alas 7 ng umaga noong ako ay nagising, ramdam ko pa rin ang sakit at lungkot dulot ng mga gumuhong pangarap ko para sa amin ni Kuya Jorel. Tapos na ang isang magandang fairytale at ngayon ay balik na sa reyalidad ang lahat.. Muli nanaman akong mag iisa, nakakalungkot ngunit hindi na nito mababago pa ang desisyon kong iwasan si kuya Jorel, gagawin ko ito para sa aking sarili.. Upang hindi na ako masaktan pa ng paulit ulit.. Tutal ay isang linggo na lamang ang pasukan at sa susunod na linggo ay Sembreak na, siguro ay uuwi na lang muna ako sa probinsya para tuluyang makalimot.
Pag katapos mag ayos ng sarili ay agad akong pumasok sa paaralan. Dito ay pilit kong iniwaglit sa aking isipan si Kuya Jorel ngunit kahit anong gawin ko ay tila isang sumpa itong sumusunod sa akin. Pag pasok ko ng gate ay agad kong nakita ang tarpaulin ng HRM department, si Kuya pala ang endorzer ng culinary arts and sciences. Naka suot ito ng chef uniform at naka ngiti habang hawak ang kawali at sandok. "Gwapings ng kuya mo ah." ang wika ni Sir Lagman habang nakatayo sa aking likuran. "Paasa naman" sagot ko sabay tawa ng malakas. "Mabuti naman at nakuha ng HRM department si Kuya bilang model nila. Buti naman at pumayag ito at hindi sila pinaasa." dagdag ko pa.
Natawa si sir Lagman at inakbayan ako nito. "Hugot pa more Mr. Mendoza, mabait na tao naman iyang kuya mo. Alam mo ba ang sabi nila ay libre lamang daw iyan at hindi nag bayad ang kapatid mo. Ang totoo ay nakatipid tayo ngayong taon dahil maging sa IT department ay libre lang din. Si Jeffrey naman ang modelo natin doon. Pinilit lamang ito ni Harry na mag post para sa tarpaulin. Malaking tulong talaga sila sa pag hatak ng mag aaral dito sa campus. Iba ang nagagawa nila pag dating sa marketing strategies."
"Wala na ako paki alam kay kuya Jorel. Kakalimutan ko na lamang ang ano mang nararamdaman ko para sa kanya." sagot ko naman sabay lakad palayo.
"Mukhang masyado mo yatang dinamdam ang mga bagay na napag usapan natin kahapon Mr. Mendoza?" wika ni sir habang lumalakad kasabay ko.
"Hindi naman po, napag tanto ko lang na walang patutunguhan ang pag tingin ko kay Kuya Jorel. Aasa nanaman ako sa wala kaya't mas makabubuti na ito. Choice ko ang iwasan siya dahil iyon ang tama at makabubuti."
"Alam mo Mr. Mendoza, kung ang pag iwas mo sa isang bagay na nakakasakit sa iyo ay mag dudulot lamang ulit ng panibagong sakit, mas makabubuti pang huwag mo nalang itong gawin. May mga bagay na hindi natin mababago at wala tayong magagawa kundi pakawalan ito. Sana ay isaalang alang mo iyon. So paano? See you later." pag papalam ni sir Lagman sabay tapik sa aking balikat. Iniwan nya akong nakapako sa aking kinatatayuan habang patuloy na iinisip kung tama ba ang gagawin kong pag iwas kay Kuya Jorel o baka lumikha lamang ito ng panibagong sakit katulad ng sinasabi ni Sir Lagman? Bahala na nga.. Basta ang mahalaga sa ngayon ay mawala ang nararamdaman ko para sa kanya.
Alas 3 ng hapon noong matapos ang aming klase, maaga pa para umuwi kaya't nag libot muna kami ni Harry sa kabilang bayan kung saan may masarap na kainan. Pag dating doon ay pilit kong nilibang ang aking sarili, halos lahat ng matatamis na desserts ay nilantakan ko upang maging maganda ang mood ko. "Nga pala tol, bakit di mo kasama si kuya Jeff?" tanong ko kay Harry.
BINABASA MO ANG
My Super Kuya (Fantasy BXB 2015)
FantasiaIto ang pamaskong handog ko sa inyong lahat. Sana ay magustahan nyo ang kwento ni Jonas at ng kanyang Super Kuya. Merry Christmas everyone! -AiTenshi