My Super Kuya
AiTenshi
Madalim ang paligid, malamig ang hangin na dumadampi sa aking katawan. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa pinaka mataas na gusali ng aming siyudad habang pinag mamasdan ang dalawang lalaking nakatayo sa aking harapan. Hindi ko maaninag ang mukha ng isang lalaki ngunit natitiyak kong si Kuya Jorel ang kaharap niya. "Ano ba ang ginagawa ko dito? Bakit kami nandito? Sino ba ang lalaking iyon?" ang tanong ko sa aking sarili habang lumalakad sa kanilang kinatatayuan. "Kuya!" ang sigaw ko ngunit tila yata hindi nila ako naririnig bagamat kaunti lamang ang agwat ng aming pagitan. "kuya Jorel nandito ako!! Kuyaaa!" pag tawag ko pa ngunit wa epek pa rin.
Palakas ng palakas ang hanging sa paligid.. Parang tatangayin ako nito..
Patuloy pa rin sa ganoong mag kaharap na posisyon ang dalawa habang nakatayo sa gilid ng gusali. Maya maya ay unti unting kumilos ang kamay ng hindi kilalang lalaki at mabilis nitong sinaksak ang dibdib ni Kuya Jorel gamit lamang ang kanyang kamao. Kitang kita kung paano lumusong ang kanyang kamay sa loob ng dibdib ni kuya Jorel na parang may kinakapa itong kung anong bagay dito. Tumutulo ang dugo sa kanilang mga katawan habang ang ilang patak nito ay dinala ng malakas na hangin sa aking mukha.. "Kuyaaaa!! KUYAAAA!! HINDEEEE!! Kuya Jorel!! Huwaggg tamaa naaaa!! Bitiwan mo siya!!" ang sigaw ko habang nag kakadarapa sa pag takbo patungo sa kanilang kinatatayuan.
"Kuyaaaa! Bitiwan mo siya!! Kuyaaaaa!!!" patuloy kong pag sigaw habang umiiyak.
Part 31: Orbin
"Jonas!! Ano ang ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Kuya Jorel habang nag tatakbo palapit sa akin. Nakahubad na ito at sugatan ang kanyang katawan. "Nag aalala ako sa iyo kuya, kaya pinuntahan kita rito." sagot ko naman. "Mapanganib sa lugar na ito tol, hindi ka dapat umakyat dito." ang wika nito at inakay ako sa isang ligtas na lugar.
"Jonas, ang pinaka mahusay kong mag aaral. Natandaan mo ba ang tungkol sa Viatori? Alam mo ba ikaw ang dahilan ng aking pag gising? Nasaksihan ko kung paano ka saniban ni Icarus at kung paano ka nakipag laban sa iyong kapatid na si Jorel. Hindi ako nag kamali, siya ang batang matagal ko nang hinahanap, siya ang batang sinundan ko rito sa mundo upang wasakin. Maraming salamat saiyo Jonas!" ang naka ngising wika nito.
(Author's note: si Axel yung nasa itaas ng building noong sinaniban si Jonas at nakipag laban siya kina Jorel at Jeff. Chapter 18 Mahika)
"Hindi ikaw si Sir Lagman! Hindi ikaw yung taong nakilala ko, mabait, inuunawa ako at sinusuportahan sa lahat ng oras. Hanggang ngayon ay sinusunod ko pa rin ang iyong mga payo at ginagawa kitang huwaran sa bawat pag kakataon na haharap ako sa problema at pag subok. Nasaan na ang taong iyon?! NASAAN NA?!" galit kong tanong.
"Wala na Jonas! Ang Axel na nakilala mo noon ay nag laho na! Ito ako, at wala ka nang magagawa pa doon!" sagot naman niya habang naka ngising demonyo.
"Alam kong nandyan ka pa rin Sir, paki usap itigil mo na ito!! Maraming inosenteng tao ang madadamay kung itutuloy nyo pa ang labanang ito."
"Wala akong paki alam sa kanila. At kalimutan mo na si Lagman dahil hindi ako iyon! Tumahimik kana Jonas!!" ang galit na salita nito. Binalak ko pang sumagot ngunit tinakpan na ni kuya ang aking ibig. "Tol, dito ka lang sa gilid at kahit anong mangyari ay huwag kang aalis dito naitindihan mo ba? Pasaway ka rin e, kapag napahamak ka ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko." sabi ni kuya habang inihaharang ang isang malaking tipak ng gumuhong gusali sa aking kinalalagyan. "Kuya naman! Wag mo kong takpan!" pag mamaktol ko. "Tado! Proteksyon to. Dito ka lang at huwag matigas ang ulo mo. okay?" bilin nito at agad na lumipad patungo sa kinalalagyan nina Apollo at Axel.
BINABASA MO ANG
My Super Kuya (Fantasy BXB 2015)
FantasíaIto ang pamaskong handog ko sa inyong lahat. Sana ay magustahan nyo ang kwento ni Jonas at ng kanyang Super Kuya. Merry Christmas everyone! -AiTenshi