My Super Kuya
AiTenshi
Part 16: Dayuhan
Sa pag lipas ng mga araw, mas lalo pang umigting ang relasyon namin ni kuya Jorel. Kapag naman weekend ay lumalabas kami at namamasyal at dito ay pinag sasaluhan namin ang bawat sandali na punong puno ng pag mamahal sa isa't isa. May pag kakataon na busy ako sa school at si kuya naman ay busy rin sa work bilang artista. Gayon pa man ay hindi ito nag mimintis na mag lalaan ng oras para sa akin at syempre ay ganoon din ako sa kanya. Labis naman itong kinatuwa nina mama at papa dahil muling nanumbalik ang saya at sigla sa aming tahanan. Hindi naman sila nag tataka na sumobra ang lambingan namin sa isa't isa dahil una palang alam na nilang mahal na mahal ako ni Kuya Jorel.
Araw ng Huwebes, maaga akong pumasok sa eskwela dahil sa aking gagawing research sa literature class. Sa hallway pa lamang ay sinalubong na ako ng aming dean at ipinag bigay alam nito na hindi makakapasok si Sir Lagman ngayon araw at kasabay nito ang isang text message mula sa aming guro na nanghihingi ng pabor na kung "maaari daw ay dalhin ko ang mga libro at power point nya kanyang tahanan upang makagawa ito ng aming final exam." At dahil wala naman akong gagawin noong araw na iyon ay minabuti ko na lamang na dalhin ang gamit ni sir sa kanilang bahay. 30 minutos na byahe lamang ang layo nito sa aming paaralan, sakay ng taxi ay agad akong tumulak patungo sa kanila.
Makalipas ang ilang minuto narating ko ang tarangkahan ng tahanan ng aking guro. Nag iisang bahay ito sa gitna ng malawak ng lupain, parang lumang mansyon ang dating at sa tingin ko ay nasa tatlong palapag ito. "Woaw! Mayaman pala talaga itong si Sir Lagman." sigaw ko sa aking sarili na hindi maitago ang pagkamangha. Maya maya ay lumabas ang security na naka bantay sa tarangkahan at sinamahan ako nito papasok sa loob ng mansyon ng aking guro.
Pag pasok sa bulwagan ay naabutan ko itong nakaupo sa sofa suot ang kulay puting bath robe habang umiinom ng tsaa. "Goodmorning Mr. Mendoza, maraming salamat sa pag dala mo sa aking mga gamit. Halika tumuloy ka." ang wika nito habang sinasalubong ako.Syempre agad naman akong pumasok at maigi kong pinag mamasdan ang paligid pakiramdam ko ba ay nasa loob ako ng isang hotel o kaya ay palasyo. Basta masyadong magarbo ang mga desenyong naka kabit sa mga pader. "Mahilig kaba sa mga matatamis Jonas? Marami akong mga cake at candy rito sa ref. Halika kumain ka muna." wika ni Sir Lagman habang inaayos ang kanyang mga gamit.
"Ang yaman nyo po pala sir. Teka nasaan po ang mga magulang mo? Saka sinong kasama mo dito sa bahay?" tanong ko naman.
"Ang aking mga magulang ay nasa malayong lugar, matagal na silang hindi nakakauwi rito. Sa ngayon mayroon akong mga kasambahay dito ngunit ang ilan sa kanila ay naka off sa trabaho. O, heto ang chocolate cake. Kumain kang mabuti."
"Salamat po sir."
Halos ilang oras din kaming nag bibidahan ni Sir Lagman hanggang sa mag yaya ito na ipapasyal daw nya ako sa buong bahay.Marami raw kasing mga interesting na bagay ang maaari kong makita sa itaas na bahagi nito at maging sa basement. "Ang mansyon na ito ay pag aari pa ng aking mga ninuno na nag pasalin salin lamang sa pag lipas ng mga panahon hanggang sa mapunta ito sa aking mga magulang. Ayon sa kasaysayan, noong sinaunang panahon daw ang lugar na ito ay dating himpilan o sanctuaryo ng mga kultong naniniwala na ang Diyos ay nag mula sa kalawakan. Sinasabi nila na bukod daw sa ibat ibang teoryang pinag mulan ng tao, maaari rin daw na ang pinag mulan nito ay buhay sa itaas kung saan hindi na ito maaabot ng iyong pag iisip o ang ibig sabihin ay masyadong malawak.. Ang mga kultong iyon ay naniniwala na balang araw ay darating dalawang manlalakbay mula sa kalawakan at mag aagawan nila ang isang mahalagang bagay. Ang isa ay magiging tagapag ligtas o ang mesia at ang isa naman ay ang taga gunaw o taga sira. Mula noong sinaunang panahon ay umaasa na sila nadarating ang dalawang dayuhan na iyon ay huhukuman ang sangkatauhan." paliwanag ni Sir Lagman.
BINABASA MO ANG
My Super Kuya (Fantasy BXB 2015)
FantasyIto ang pamaskong handog ko sa inyong lahat. Sana ay magustahan nyo ang kwento ni Jonas at ng kanyang Super Kuya. Merry Christmas everyone! -AiTenshi