My Super Kuya
AiTenshi
Nov 13, 2015
Noong gabi ring iyon ay muli akong binalot ng kakaibang lungkot. Wala akong nagawa kundi ang maupo na lamang sa tabi ng sea wall at doon ay pag masdan ang mga taong nag lalakad sa pampang ng karagatan. Mabigat na mabigat ang aking kalooban at hindi ko na malayan ang pag tulo ng luha sa aking mata tanda ng muling pag kabigo. Sana ay hindi na lamang ako naniwala.. sana ay hindi ako nasasaktan.
Part 5: Paasa
"Jon? Anong ginagawa mo dito? Gwapo natin ah." tanong ni Sir Lagman na bigla na lamang sumulpot sa aking harapan dahilan para maantala ang aking pag eemote.
"Ah kayo po pala sir Lagman, ano po ang ginagawa mo dito?" tanong ko rin. "Edi kumain, paborito ko ang seafoods dito. Ikaw anong ginagawa mo dito sa labas at bakit ka umiiyak?" muli nyang tanong
"Hindi po ako umiiyak sir." pag dedeny ko bagamat halos sumabog na ang aking dibdib dahil sa matinding sakit. "Mr. Mendoza, hindi ako bulag, kahit medyo madilim dito ay halata pa rin ang pamamaga ng mata mo. Now tell me, whats wrong?" pang uusisa nito habang umuupo sa aking tabi.
Wala naman akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang mga pangyayari habang parang bata na humihikbi at naghahanap ng awa. Sinabi ko rin kung anong sakit ang nararamdaman ko sa tuwing pinaasa ako ng kuya ko sa wala. "Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa aking sarili, dapat ba akong mainis dahil hindi niya ako sinisipot? o dapat akong mainis dahil patuloy pa rin akong umaasa sa bagay na hindi nya kayang tuparin?" pag iyak ko kaya naman walang nagawa si Sir Lagman kundi ang yakapin ako ng mahigpit. "Ayokong husgahan ang kuya mo dahil lang sa mga bagay na hindi nya nagawa. Marahil ay may sapat siyang dahilan kaya nya nakakaligtaan ang mga pangako nya at kung ano man iyon ay siya lamang ang nakaka alam. Artista ang kuya mo, isa siyang public figure, sikat at ang lahat ng tao ay nakatutok sa kanya kaya't sa tingin ko ay hirap din itong kumilos sa ganoong klase buhay. Sabi ko nga sa iyo ay mahaba pa ang buhay na tatahakin natin, tiyak na marami pang pag kakataon para sa inyong dalawa kaya't huwag kanang malungkot." naka ngiting wika nito.
"Tama ka doon sir, mahaba pa ang buhay na tatahakin natin kaya't marami pang pag kakataon si Kuya Jorel na biguin at paasahin ako." pag mamaktol ko dahilan para matawa siya. "Huwag ka na nga mag inarte dyan, sayang ang gabi.. Tayo na lamang ang mag date." ang naka ngiting wika nito sabay abot ng aking kamay.
"Pero sir nakakahiya po, baka maka abala ako sa iyo. Okay lang po ako dito. Lilipas din ito."
"Hindi naman ito abala, minsan lamang ako nag aya kaya't sana ay huwag mo akong ipahiya. Sayang ang ganda ng gabi kung malulungkot ka, sayang ang suot mo at ang kagwapuhan mo. At gusto kong malaman mo na ngayon gabi ay hindi mo ako teacher. Kuya Axel ang itawag mo sa akin okay? Alam kong artista ang kuya mong totoo ngunit sa tingin ko ay hindi naman ako papahuli pag dating sa pagwapuhan." ang pabirong pag mamalaki nito dahilan para mapangiti ako.
"Salamat po sir este kuya Axel pala. Buti nalang po at nandito ka, malamang ay nag paanod na ako sa dagat kung hindi ka dumating."
"Tado, huwag mong gagawin iyon dahil tiyak na malulungkot ako, mawawalan ako ng makulit at pasaway na estudyante."
Tawanan..
Noong gabing iyon ay kami na lamang ni Sir Lagman a.k.a kuya Axel ang nag date. Simple lamang ang pinuntahan naming kainan ngunit hindi naman maalis ang ngiti sa aming mga mukha habang nag kkwentuhan. Tila nabura sa aking isipan ang tungkol sa pang iindian ni Kuya Jorel sa dapat sana ay dinner date naming dalawa. Mabuti na lamang dahil nandito si kuya Axel na siyang sumalo sa kalungkutang nadarama ko at kajot papaano ay hindi na sayang ang effort ko sa pag aayos ng aking sarili.
BINABASA MO ANG
My Super Kuya (Fantasy BXB 2015)
FantasyIto ang pamaskong handog ko sa inyong lahat. Sana ay magustahan nyo ang kwento ni Jonas at ng kanyang Super Kuya. Merry Christmas everyone! -AiTenshi