My Super Kuya
AiTenshi
Hindi ito ang unang pag kakataon na nakita ko si Kuya Jorel ng malapitan. Wala pa rin itong pinag bago buhat noong nag pirma ako ng album sa kanya noong nakakaraang buwan. Gwapo pa rin ito at napaka ganda ng kanyang mga mata. Siya na yata ang pinaka gwapong taong nakita ko sa aking buong buhay.
Part 6: Pag tatagpo
Tila na batobalani ako habang nakatitig sa kanyang gwapong mukha, panandaliang huminto ang ikot ng aking mundo noong mga sandaling mag tama ang aming paningin. "Ano tol, tatayo ka na lamang ba diyan o yayakapin mo ako?" naka ngising tanong nito kaya naman kusang humakbang aking paa patungo sa kanya at unti unting gumalaw ang aking braso palingkis sa kanyang matipunong katawan.
Noong mga oras na iyon ay patuloy pa rin ang pag tulo ng luha sa aking mata kaya naman mas lalo pang humigpit ang kanyang pag kakayakap sa akin. "Oh bakit ka umiiyak?" tanong nito habang pinakikiramdaman ang aking pag hikbi.
"Wala po kuya, masaya lang ako." ang sagot ko naman habang naka subsob sa kanyang matipunong dibdib. "Pag masaya dapat naka tawa at hindi umiiyak." ang pilosopong saad nito. "Pwede ring umiyak noh. Tears of joy kaya." pag mamaktol ko naman kaya mas lalo pa nya akong niyakap ng mahigpit.
"Mabuti pa ay pumasok na muna kayo sa loob at doon nyo na lamang ipag patuloy ang inyong kumustahan. Nag pahanda na rin ako sa makaka kain doon sa kusina." wika ni mama
Noong oras ding iyon ay tila nakulong ako sa isang magandang panaginip. Hindi ako makapaniwala na ang taong pinapangarap kong makasama at makita ay nandito ngayon sa aking tabi. Halos mastarstruck ang mga kasamabahay at tila panandalian silang na shock noong makita si kuya Jorel na lumalakad patungo sa kusina. At syempre ganoon din naman ako dahil sa bawat pag sulyap ko sa kanyang mukha ay mas lalo pa itong gumagwapo sa aking mga mata.
Sama sama kami umupo sa hapag kainan, mag katabi sina at papa, katabi ko naman si Kuya Jorel at ang ilang silya ay okupado naman ng kanyang mga kabanda na kasama niyang tumugtog kanina. Abala si kuya sa pakikipag kwentuhan kina mama at papa, habang ako naman ay abala sa pag sulyap sa kanyang mukha. Noong mapatingin ito sa akin ay napansin niyang walang laman ang plato ko. "Tol bakit di ka kumakain? Tikman mo itong pasta na niluto namin ni mama kanina habang natutulog ka." wika ni kuya Jorel at sya na mismo ang nag lagay ng pagkain sa aking plato. Pati orange juice sa aking baso ay siya na rin ang nag salin. Para akong isang batang inaasikaso habang abala pa rin ito sa pag kkwento kina mama at papa.
"Dalawang linggo lamang ang hiningi kong bakasyon sa management. Pag katapos nito ay babalik na muli ako sa pag ttrabaho dahil sa susunod na buwan ay nakalinya ako upang gumawa ng isang action film kaya't kinakailangan ko talaga ng sapat na pahinga ngayon linggo." paliwanag ni Kuya Jorel habang ako naman ay pinapanood lamang siya. "Sa ngayon, ang plano ko lang ay makabawi dito kay Jonas, alam kong galit sa akin tong bata ito." saad pa nya kaya naman tila nakaramdam ako ng kaunting kilig
"Mabuti naman at para mawala na ang tampong purorot sa kapatid mo. Alam mo ba noong birthday nya ay mag damag ka nyang hinihintay doon sa gate kahit na umuulan. Ayaw niyang pumasok hanggang hindi ka dumarating." nakatawang kwento ni mama dahilan upang makaramdam ako ng pag kahiya
"Ma naman..." pag mamaktol ko naman dahilan para mag tawanan ang lahat. "Ganyan din ang kuya Jorel mo noong bata iyan, nag mamaktol at hindi namin makausap kapag hindi naibibigay ang gusto." natatawang saad ni mama.
Tawanan ulit..
Madaling araw na ngunit balot pa rin ng saya ang buong kabahayan. Syempre hindi ko rin maipag kakaila ang tuwang nadarama ko noong mga oras na masilayan ko ang mukha ni kuya Jorel, tila ba panaginip lamang ang lahat at parang napaka ganda ng pang yayaring ito para paniwalaan kung totoo nga.
![](https://img.wattpad.com/cover/56656460-288-k524197.jpg)
BINABASA MO ANG
My Super Kuya (Fantasy BXB 2015)
FantasyIto ang pamaskong handog ko sa inyong lahat. Sana ay magustahan nyo ang kwento ni Jonas at ng kanyang Super Kuya. Merry Christmas everyone! -AiTenshi