Prologue
Takbo.
'Wag kang titigil.
Iyon ang tanging nasa isip ni Elisa habang pinipilit niyang 'wag lingunin ang taong humahabol sa kanya. Kahit hinihingal na't nakakaradam na nang pagod ay tumakbo pa rin siya, sa kamay ay hawak ang isang bagay na makapagtuturo kung sino ang totoong nasa likod ng pinakamalaking sindikato sa buong mundo.
"Run, Elise. Run!"
Ginapangan siya nang matinding takot nang marinig 'yon. Kumawala ang impit na hikbi sa kanya habang patuloy pa rin sa pagtakbo
'Wag kang titigil.
Lalo pa niyang nilakihan ang hakbang sa pag-asang mas makakalayo siya pero tila nahulaan nito ang gusto niyang gawin. Narinig muna ni Elisa ang alingawngaw ng putok ng baril bago niya naramdaman ang kirot sa kanang balikat.
Napahigop siya ng hangin at tila bumigay ang tuhod niya sa sakit. Natumba siya at gumulong pababa sa dalisdis ng burol. Pagulong-gulong habang humahampas ang katawan sa mga punong kahoy at nasusugatan sa mga bato at sanga na nakakalat sa lupa.
Pumikit siya. Unti-unti nang bumibigay ang katawan niya at wala siyang magawa. Dito na ba talaga siya mamatay?
Kumbinsido na siyang hindi na siya makakaligtas pa dito kaya hinayaan niya ang sarili na magpalamon na sa dilim.
Mas mabuti nga sigurong dito siya mamatay kaysa mamatay siya sa kamay ng taong 'yon, ng taong pinagkatiwalaan niya ng buong buhay.
Yeah. It's better this way.
Muling humampas ang katawan niya sa mas malaking bato at...
Tumigil ang lahat.
Anong nangyari?
Isang ungol ang kumawala sa kanya bago siya nagbuga ng hangin, para bang muling nalagyan ng hangin ang kanyang baga.
Hinga. Hinga. Hinga.
Nang magmulat ng mata ay sinalubong siya ng sikat ng araw. Doon unti-unting pumasok sa isip niya na buhay pa siya. Masakit man ang buong katawan ay pinilit niyang tumayo. Napahigop siya ng hangin nang gumuhit ang kirot sa balikat at paa niya. Damn! Buong katawan niya ay masakit.
Kaya pa ba niya?
Parang gusto na lang niyang sumalampak muli sa lupa at bumigay na, pero isang boses sa di-kalayuan ang nagtulak sa kanya para muling kumilos.
Muli siyang humakbang, hindi iniinda ang kirot.
Isang hakbang, dalawa, tatlo...
Hanggang sa kusa na siyang huminto nang makita kung ano ang nasa harapan niya.
Bangin. Isang mataas na bangin.
Napaatras siya nang malaglag sa dagat ang ilang piraso ng bato na inapakan niya.
"Looks like you have nowhere to go, yeah?"
Pumikit siya. Nangatal ang buo niyang katawan hindi sa takot kung hindi sa galit. Humugot siya ng malalim na hininga at pumihit para harapin ang taong, ni sa panaginip, ay hindi niya inasahang pinuno pala ng Belial, ang pinakamalaking sindikato sa buong mundo.
"You're a devil." Aniya.
"Sure." Humakbang ito at inilahad ang kamay. "Elise, we don't have to do this. Ibigay mo na lang sakin yang hawak mo at kakalimutan kong nangyari ang lahat ng 'to."
Hinigpitan niya pang lalo ang kapit sa hawak at umiling.
"No!"
"Come on, Elisa. Don't make me kill you. You're like a family to me." Anito at muling humakbang. "Ikaw lang ang pwedeng kumontrol sa Kira and I can't afford to loose you."
Bile rose from her throat. Yon ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa siya? Kung bakit hindi siya namatay kasama ng mga magulang? Dahil kailangan nila ang Kira at siya lang ang pwedeng gumamit non?
Lumunok siya at muling umiling.
"Subukan mong lumapit at tatalon ako dito." Desididong aniya at humakbang paatras. Naglaglagan ang ilang piraso ng mga bato at nangatal ang katawan niya, ngayon naman ay sa takot.
Ganito pala ang pakiramdam nang nakatayo sa bingit ng kamatayan.
Napahikbi siya.
Gusto niya pang mabuhay. Gusto niyang makasama si Savannah at tumira kasama ang kapatid nito. Sila na lang ang tanging pamilyang meron siya. Gusto niyang maranasan na magmahal. Makipag-date. Makipag-holding hands at maranasan ang first kiss niya.
At gusto niyang isiwalat sa lahat na ang taong 'to ang lider ng Belial.
Pero mukhang hindi na yon mangyayari.
"Then jump. Mas mabuti nga siguro yon ngayong kilala mo na kung sino talaga ako. Gagawaan ko na lang ng paraan ang Kira." Pinalagutok nito ang dila. "Tuso talaga ang tatay mo. Sinigurado niyang hindi namin magagamit ang Kira ng wala ka. But then again, mas tuso ako kaysa sa kanya. Matatagalan pero sigurado akong magagamit namin ang satellite at ang security system kahit wala ka."
"Not if I destroy it." Aniya at hinawakan ang kwintas na suot. Labag sa loob niya ang gagawin. Alaala ng magulang niya ang Kira at masakit para sa kanya ang sirain ang alaalang yon. Pero kapag naiisip niyang gagamitin lang sa kasamaan ang bagay na pinaghirapan ng magulang, mas mabuti pa nga sigurong sirain na niya 'yon.
"Don't." Galit na sigaw nito at itinutok sa kanya ang baril.
Ngumiti siya at pinindot ang buton sa suot na kwintas, effectively locking down the KIRA. Without her, ay walang sinuman ang makakagamit sa satellite ng ama at walang sinumang makakagamit sa system na ginawa ng kanyang ina.
"Hindi ko gustong gawin 'to Elise, but you leave me with no choice."
Nagtagis ang bagay nito at kinalabit ang gatilyo ng baril.
Kasabay non ay ang malakas na pagsabog sa di kalayuan.
And then she jumped.
At doon namatay ang pagkatao niya bilang si Elisa.
BINABASA MO ANG
Dangerous Past
Romance"If she's a sin, then he'll willingly die a sinner for her." Dalawang taon na mula ng madestino ang grupo ni Lieutenant Jacob Cavanaugh sa Isla Bughaw. Simple lang ang misyon nila at iyon ay bantayan ang isla. Salat man sa maraming bagay ay tahimik...