1

89 4 0
                                    



M

"Excuse me, merong nakaupo?"

"Wala," tumingin sa'kin ang lalaking nakatingin ng malayo sa labas ng bintana ng bus.

Nilagay ko naman ang backpack ko sa ibabaw at niyakap ang shoulder bag ko nang umupo ako sa tabi niya.

Mukhang may problema ata itong si kuya at bumalik na naman sa pagtanaw niya ng malayo sa labas. Saan kaya siya papunta?

Pinagmasdan ko ang kanyang kasuotan. Nakasuot siya ng light blue polo sa loob ng kanyang black jacket. Hindi siguro sanay sa lamig itong si kuya. 'Di naman kasi ganun kalamig sa bus. Bumaba ang tingin ko sa kanyang pantalon at sapatos- aba, naka-khaki pants pala siya at may suot na leather boots. Mukhang sosyalin ata 'to, ah? 'Yun nga lang, 'di bagay sa kabuuang image niya 'yung diamond earring niya sa kaliwang tenga. Ang baduy lang.

"Yes, miss?"

Naputol ang pagmamasid ko sa kanyang kasuotan nang ako'y tanungin niya. Napalunok ako sa hiya.

"Ay, sorry, sinisiguro ko lang na safe ako dito," kunwari ko.

Napatawa siya ng kaunti at iniabot ang kanyang kamay, "Ako nga pala si Alden," kinuha ko ang kamay niya at nakipag-shake hands.

"Maine," ngumiti ako.

"Maine, wala kang dapat ikabahala sa'kin. 'Di ako manyak." Uy, defensive si kuya?

"Ay sorry, pero wala naman akong sinabing ganun ka. Naninigurado lang," ngiti ko habang kamot sa ulo.

Tinalikuran niya ako at muling tumingin sa malayo. Mukhang may pinagdadaanan talaga 'tong si kuya. Ang sungit din na napaka-defensive. Baka kaka-break lang sa girlfriend? Or asawa?

"Saan punta mo?" Bigla niya kong nilingon.

Nagulat naman ako at biglang lumaki ang mga mata ko. "Sa Baguio. Ikaw?"

"Sa Baguio rin." Malamang. Doon ang punta ng bus na 'to, eh.

Alas kwatro palang ng umaga kaya naman napahikab ako pagkatapos niyang sumagot. Hindi rin kasi ako sanay na bumiyahe ng ganito kaaga at mag-isa pa. Sa katunayan, first time kong bi-biyahe ng mag-isa sa bus. Madalas kasi kasama ko ang pamilya ko o mga kaibigan ko at nagdadala kami ng sasakyan tuwing pupunta kami sa malalayong lugar. Nagkataon lang na gusto ko munang mag-unwind mag-isa para na rin makapag-isip-isip sa mga bagay-bagay. Hindi naman ako fresh from break-up. More of soul searching lang talaga 'tong trip na 'to, ika nga.

Ako nga pala si Maine Mendoza, 24, at wala akong trabaho ngayon. Kaka-resign ko lang kasi sa trabaho ko after 2 years. Dati akong financial advisor sa isang insurance company. Hindi ko naman kasi talaga hilig magbenta ng mga insurance at kausapin ang mga tao tungkol dito. Na-bore ako sa trabaho ko na kahit paiba-iba naman ako ng kinakausap, eh na-feel kong paulit-ulit lang ang ginagawa ko. Parang walang katapusan. Siguro nga hindi lang talaga para sa'kin ang trabahong 'yun. Sa totoo lang, hindi ko pa rin talaga alam kung anong gusto ko sa buhay. Basta ayoko lang ng boring, gusto ko laging may adventure na nagaganap sa buhay ko. Kumbaga, gusto ko mala-surprise ang bawat araw. Kaya ang kulit ko rin sa halos lahat ng nakikilala ko, eh.

Sabi nga nila, isa daw akong frustrated chef slash frustrated artista. Ewan ko din sa mga kaibigan at pamilya ko kung saan nila napulot 'yun, pero in fairness, mahilig din naman akong magluto ng mga pagkain kung nasa mood ako. Minsan lang mangyari 'yun, pero 'pag nasimulan ko, parang fiesta ang dating sa bahay. Ako na rin ang bida sa videoke tuwing may okasyon. Ewan ko ba, ang kapal rin talaga ng mukha ko. Pero deep inside, mahiyain din naman ako ng very light! Kumukulit at kumakapal lang mukha ko madalas kapag nababagot ako o nakikita ko 'yung kasama ko nababagot. Minsan, kung nahihiya at naiilang din ako. Dinadaan ko na lang sa kakulitan ko. Buti nga may nagtatagal pa sa akin, eh.

Before Anything ElseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon