5

28 1 0
                                    

M

Sinabit ko kaagad ang keychain na binili ko sa isang zipper sa bag ko para 'di ko ito maiwala. Nakita kong nakita ni Alden ang ginawa ko at ginaya rin niya ito sa bag niya.

"Uy, gaya-gaya!" Sabi ko.

Natawa siya, "Eh para saan pa ang keychain kung hindi gagamitin, 'di ba?"

"Tama!"

Napasandal na lang ako sa aking upuan at nagsimulang buksan ang mga biniling panghimagas. Inalok ko si Alden ng meringue at kumuha naman siya ng isa.

"Alam mo, dati noong bata ako, halos umayaw ako sa meringue. Nanawa rin siguro ako at naumay kasi kahit anong ikinaiba ng itsura at kulay nila sa isa't isa, ganun din naman ang lasa. Alam mo 'yun, nag-eexpect ako ng ibang lasa pero 'di ko naman nakuha."

Natawa lang siya.

"Anong nakakatawa?"

"Ang drama mo naman noong bata ka. Hanggang ngayon din siguro?" Tawa pa niya.

"Ay, sorry naman. Ayoko na nga mag-share. Hmph!"

"Huy! Joke lang!"

'Di ko siya pinansin at tuloy lang sa kain ng meringue.

"Huy," tapik niya sa braso ko. "'Di ka naman mabiro."

Nakita kong napahinga siya ng malalim. "O sige na nga, madrama din naman ako noong bata ako, eh. Lalo na 'pag inaagawan ako ng laruan ng kuya ko."

"Psh, see. Lahat tayo may drama moments."

"Oo na po. Ang drama mo naman masyado."

"Talaga. Drama queen yata 'to," pag-aangas ko.

---

Walang tigil ang usapan namin ni Alden simula nang pagbalik namin sa bus. Hindi kalaunan ay nagsimula nang sumakit ang tenga ko dahil paakyat na pala kami sa kabundukan.

"Lumunok ka lang," biglang sabi ni Alden.

Napatingin na lang ako sa kanya na halos hindi ko ma-process ang kakasabi niya lang.

"Kapag tumataas ang altitude natin, sumasakit tenga natin. Pinaka-maiging gawin dyan is lumunok ka para mawala kahit konti."

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko siya dahil baka magmukha naman akong tanga kung bigla akong lumunok ng lumunok.

Nang tignan ko siya ay natatawa lang siya. May sinabi siya na hindi ko narinig at sabay lumunok.

Hindi pa rin nawawala ang sakit ng tenga ko kaya ginawa ko na lang din. Bahala nang magmukhang tanga.

Nawala nga. Pahiya ka, Meng.


A

Sabi ko na nga ba at hindi ako pinaniniwalaan nitong si Maine. Sinabi ko na ngang lumunok siya pero ayaw pa rin. Gusto pang ako ang mauna. Minsan talaga may pagka-isip bata pa rin siya. Pero ayos lang, 'yun naman sa palagay ko ang nagiging signature niya. Hindi siya magiging si Maine kung may naging iba sa kanya.

Nagfocus naman kami sa mga sarili naming cellphone ni Maine habang nasa biyahe. Napasilip ako at nagtitingin lang siya ng Facebook at Instagram accounts niya. Ako naman ay sumasagot sa iilang e-mails na dumating at inuupdate si Papi Sam.

Before Anything ElseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon