2

45 3 0
                                    



M

Nagising ako sa aking pagkaka-idlip ng mahigit isang oras. 6:47 AM na pala. Bigla akong napa-kapkap sa aking mga bulsa at chineck ang aking bag kung may nawala ba. Wala naman. Napatingin ako sa katabi kong mahimbing pa rin ang pagtulog. Ako naman ang nahihirapan sa posisyon niya. Nakasandal ang ulo niya sa bintana, kung kaya't bawat galaw ng bus ay siya ring galaw ng kanyang ulo. Buti na lang at hindi malubak dito sa NLEX.

Dinaanan namin ang isang sign board na puro lugar sa Pampanga ang laman. Malamang papunta na kami ng Pampanga kung hindi man kami naroon na. Mahirap din kasing alamin, lalo na't kung puro kabukiran ang nakikita mo sa labas.

Naramdaman kong kumulo ang aking tiyan kaya naglabas ako ng biscuit sa aking bag. Nag-iisa na lang 'to, kaya kailangan kong tipirin 'to hanggang sa unang stopover.



A

Nagising ako nang marinig kong nagbubukas ng biscuit ang katabi kong si Maine. Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang mag-aalas siete pa lang. Inayos ko naman ang pagkakaupo ko nang simula kong maramdaman ang pangangalay ng mga paa ko. Ang liit naman kasi ng space sa mga bus, kawawa naman ang mga biniyayaan ng mahahabang biyas katulad ko. Nagsimula ring sumakit ang ulo ko sa pagkakasandal ng matagal sa bintana. Minasahe ko ito.

"Gusto mo?" Nakita ko ang isang pakete ng biscuit sa harap ko na hawak ni Maine.

Tinignan ko ito at napatingin ako sa kanya. Mukhang gutom siya dahil ang laki ng pag nguya niya sa biscuit. Nakakatawa na ewan. "Salamat," ngumiti ako at humindi.

Kinuha ko ang phone ko para tignan kung nag-text na si Sam, pero nagulat ako at walang kahit na anong text. Mukhang tulog pa ang mokong kaya ako na lang ang nagtext sa kanya.

Pare, otw na ko sa Baguio. Nandyan na ko bago mag 12 siguro.

Nag-check naman ako kung may bago akong e-mails, pero wala naman. Bago ata 'to. Walang notifications kahit saan. Ultimo Viber at game request sa Facebook, wala rin. Swerte ata ako ngayon, ah? Pwera na lang sa kotse ko.

Nakuha ng aking pansin ang TV na nagpapalabas ng isang pelikula. Mukhang lumang action film na Tagalog. Si FPJ kasi ang bida tapos medyo low quality ang itsura sa TV. Tumingin ako sa labas at wala akong nakitang iba kundi ang walang-katapusang kabukiran. Malayu-layo pa 'to.


M

Naku, nagising ko ata si Alden nung binuksan ko 'yung biscuit ko. Napansin ko kasing umayos siya ng upo. Agad ko namang sinubo ang isang piraso dahil mas nakakahiya 'to 'pag biglang kumulo na naman ang tiyan ko.

Tumingin ako sa paligid, at nakita kong halos tulog ang lahat ng pasahero. Pinatay kasi ng bus conductor 'yung ilaw sa loob. 'Yung ibang gising ay kung hindi nakatatutok sa cellphone, ay nakikipagdaldalan sa katabi. Napalingon naman akong muli kay Alden, na ngayo'y minamasahe ang kanyang ulo. Parang nakakaramdam nga ng kirot, eh, pero bakit 'yung dimple niya sobrang lalim? Ang cute talaga!

Sumubo ulit ako ng isa pang piraso. Oo nga pala, kumakain ako. Inalok ko siya ng aking biscuit pero tumanggi siya. Oh well, more for me! Sumubo ulit ako ng isang piraso, at sa pagkakataong ito ay isinubo ko ng lahatan ang isang buo. Naramdaman kong napalingon siya sa'kin kaya binagalan ko na kang ang pag-nguya. Minsan talaga, Meng, ang PG mo, 'no? Nilulon ko ang nasa bibig ko at uminom ng tubig.

Before Anything ElseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon