M
"Saan unang punta mo?" Tanong niya sa'kin.
"Sa hotel," ngiti ko.
Natawa siya at nakita ko na naman ang napaka-cute niyang dimple. "Pagtapos mo sa hotel?"
"Hindi ko pa alam."
Sa totoo lang ay wala talaga akong masyadong plano sa Baguio trip ko. Nag-book lang ako ng hotel para sa long weekend at dumeretso na sa bus station. Bahala na si Batman. Ang gusto ko lang ay maglakad-lakad mag-isa, mag-sight seeing, at humigop ng mainit na kape sa malamig na lugar.
"Pwede ba 'yung hindi mo pa alam? Pa'no ka niyan sa Baguio? Eh halos parang first time mong pupunta."
"Bahala na si Batman."
"Kawawa naman si Batman. Laging siya na lang ang bahala."
Napangiti na lang ako. "May suggestion ka ba na una kong puntahan?"
Napatigil si Alden at mukhang napaisip ng malalim. "Hmm," tingin niya sa kisame ng bus. "Ano bang gusto mong gawin? Kasi, pwede kang mamasyal sa Burnham Park o sa Mines View Park. Mag-horseback riding ka o mag-sight seeing ka dun. Tapos kumain ka ng Strawberry Taho. Pwede ka ring mag-strawberry picking sa La Trinidad. Bumisita ka sa mga museum. O simpleng lakad sa Session Road. Kaya lang mas okay 'yun sa gabi."
"Wow, ang dami mong alam sa Baguio. Pwede ka nang maging tour guide!" Natatawa kong sabi.
"Ilang beses na rin kasi akong nakapunta at 'yun ang mga lugar na usually pinupuntahan namin."
"Ng girlfriend mo?" Oops.
Napalingon siya sa'kin, "Ng mga kaibigan ko."
"Ah," sabi ko. "May girlfriend ka ba?"
Napalingon siyang muli sa'kin ngunit 'di sumasagot.
"Sorry, nadala lang. Pero 'di mo kailangang sagutin."
"Wala na," ngiti niya sabay tingin sa bintana.
"Sorry, medyo personal na ata 'yun."
"Okay lang," tingin niya sa'kin. "Ikaw ba may boyfriend?"
"Wala na rin," sabi ko. Pero hindi ako bitter.
Ilang taon na rin nang naghiwalay kami ni Miggy, ang first and only boyfriend ko. Mga bata pa kami noon, pa-graduate palang ng high school. Masaya, masarap, at nakaka-kilig, pero hindi 'yung tipong relasyon na ipagmamalaki mo kasi puro kababawan lang ang mga nangyayari. Halos isang taon din ang itinagal namin, ngunit nagpasya kaming maghiwalay dahil na rin sa madalas naming pag-aaway.
A
Adventurous pala itong si Maine. Nang malaman kong wala siyang kaplano-plano sa Baguio maliban sa kanyang hotel booking, napahanga niya ako dahil kahit kailanman ay 'di ko magagawa 'yun. Lalo na't wala akong kaalam-alam sa isang lugar. Tinanong niya ako kung ano ang mga magagandang gawin sa Baguio at napaisip naman akong saglit nang alalahanin ko ang aking huling akyat sa Baguio.
BINABASA MO ANG
Before Anything Else
FanfictionSabi nga nila, we sometimes find the one in the most bizarre places and circumstances. Pero paano mo nga ba malalaman kung siya na talaga? Will it be under destiny's control or kailangan ng sariling sikap? Set in an alternate universe, find out how...