A
Nakatulog na naman kaming muli sa biyahe pagkatapos naming mag-usap ng ilang oras. Sino ba namang 'di aantukin sa napakaagang biyahe na 'to.
Naalimpungatan ako at tuluyan na kong nagising sa aking pagkakaidlip dahil medyo malubak na rin ang aming dinadaanan. Nasa Pangasinan na pala kami, sumilip ako sa labas. Medyo traffic lang ng kaunti dahil na rin sa dami ng mga paakyat ng Baguio o La Union.
Napatingin naman ako sa may gawing kaliwang balikat ko at naramdaman ko ang naka-dantay na Maine na natutulog sa'kin. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang mahimbing ang kanyang tulog, may mahinang hilik pa nga yata! Mala-anghel din ang mukha niya habang tulog, hindi halatang madaldal sa totoong buhay. Napangiti na lamang ako at muling tumingin sa kapaligiran sa labas, nag-iingat na 'wag igalaw ang aking katawan para hindi maistorbo ang katabi ko.
M
Gumising akong may naratamdamang namumuong pawis sa aking kanang pisngi. Bigla kong napansing nakasandal pala ang ulo ko kay Alden. Patay, pa'no ako babangon nito.
Unti-unti kong iniangat ang ulo ko sa komportablemg braso ni Alden, nag-iingat na sana'y 'wag niyang mapansin ang aking tinatangkang gawin.
'Di pa man din ako nakakaupo ng deretso ay nagsalita na siya.
"Good morning! Ulit."
Tinignan ko siya ng may halong hiya sa aking ngiti at bumati pabalik, "good morning."
"Musta tulog mo?" Napatawa siya ng mahina.
"Masarap naman. Mahimbing," iniwasan kong sabihin ang pagkakasandal ko sa kanya. "Nakatulog ka ba?"
"Oo. Nakatulog din ako pagkatulog mo. Gusto mo?" Inalok niya ko ng tetrapack coffee.
"Thank you," humindi ako at napatingin sa labas. "Nasan na tayo?"
"Nasa Pangasinan na. Medyo traffic lang, ang liit kasi ng daan tapos madaming kotse."
Kaya pala pahintu-hinto kami. "Sa La Union 'yung huling stopover, 'di ba?"
Tumango siya. "Bakit, gutom ka na?" Napangiti siya ng malaki.
Natawa naman ako. "Naiihi na kasi ako. At oo... Medyo gutom na rin."
"Don't worry, after Pangasinan, La Union na. Hindi ko nga lang alam kung saan sa La Union ang stopover natin."
Napangiti na lang ako. Naiihi na talaga ako.
A
Halata kong naiihi na si Maine. Hindi kasi mapakali sa kanyang upuan at walang kibo.
"May napanood ako na 'pag gusto mong pigilin ihi mo for a while, himasin mo daw 'yung likod ng tuhod mo," banggit ko.
"Huh?"
BINABASA MO ANG
Before Anything Else
FanfictionSabi nga nila, we sometimes find the one in the most bizarre places and circumstances. Pero paano mo nga ba malalaman kung siya na talaga? Will it be under destiny's control or kailangan ng sariling sikap? Set in an alternate universe, find out how...