A
"Finally! Nandito na rin ang best man ko!"
"Nice to see you too, tol," apir ko kay Sam. Bumeso rin ako kay Patty, "Sorry Pat ha, medyo natagalan sa biyahe."
"Ano ka ba, ito lang namang groom ang kinakabahan eh," tawa niya.
"OA nga kung maka-react," asar ko kay Sam.
"Wassup bitches!!!" sigaw ng kakadating lang na si Jerald. Kumpleto na ang brotherhood.
Nasa likod niya si Julie at ang kasama nitong lalaki. Binati ko naman siya at ang kasama niya, nakatulong talaga ang sinabi ni Maine.
"Maine!" Napalakas ata ako.
"Tol?" tanong ni Jerald.
"Anong Maine?" dagdag ni Sam.
"Ah, wala," sagot ko.
"Wala pero ang ganda ng ngiti mo. 'Wag kami, uy," suntok sakin ni Jerald.
"Ano ba 'yang Maine na 'yan? Pangalan ba 'yan ng babae o ano?" Tanong ng naguguluhang si Sam.
"Wala mga tol, kain na tayo. Gutom na ko eh," iwas ko sa usapan at lahat naman sila ay sumang-ayon. Kamusta nga kaya si Maine?
M
Medyo malayo-layo rin pala 'yung hotel dun sa bus terminal. Akala ko 10 minute walk lang. Pahamak naman kasi 'yang Google Maps, ang dami pa palang lilikuan. Pero yehey, hotel sweet hotel.
Nakakapanibago rin pala na ako lang nag-aasikaso sa lahat. Ultimo pag check-in ko at pag-aayos ko ng gamit pagdating sa room ko. Medyo lonely rin pala, pero kaya ko 'to!
"Table for one, please," sabi ko sa receptionist sa Tsokolate de Batirol, isang famous na kainan sa Baguio na specialty ang tsokolate de batirol nila. Akala ko gutom ako, pero unang tingin ko palang sa list ng food app ko, eh gusto ko ng hot chocolate. 'Di naman ako nagkamali ng pinili dahil okay ang ambiance nitong restaurant/cafe. Tama ang timing ko dahil hindi masyadong maraming tao.
Ganito palang mag-travel mag-isa lalo na walang kaplano-plano. Hindi mo alam kung anong gagawin mo, kung anong ie-expect mo. Pero at the same time, hawak mo rin ang oras mo.
Pagkatapos kong mag-enjoy sa hot chocolate ko, naglakad-lakad ako sa Camp John Hay. Hindi struggle maglakad dito kasi halos 'di ka pagpapawisan sa malamig na kapaligiran. 'Yun nga lang, medyo alay lakad ang dating.
"Miss, pa-picture naman kami," sabay abot sa'kin ng cellphone ng isang babaeng mukhang nanay ng mga kasama niya. Ngumiti na lang ako at pinicturan sila. Isa sa mga downsides ng pag-travel mag-isa. Although okay lang naman sa akin paminsan-minsan. Selfie galore to the max!
Sa buong maghapong paglalakad ko, feeling ko nalibot ko na halos lahat ng park na matatagpuan sa Baguio. Halos magkakatabi lang din kasi. Nagpasya akong mag-takeout na lang ng pagkain at sa hotel room na kumain ng dinner. Pang re-charge na rin kinabukasan. Habang kumakain ako, nagulat ako sa nagtext. Si Alden.
Maine?
Alden?
Hehe kamusta?
Okay naman, ang dami kong naikot kanina. Feel ko naikot ko na buong Baguio.
Ows?
Oo nga! Grabe 'yung pagod ko ha, nung pabalik na lang ako sa hotel nag-taxi haha
Saan ba hotel mo?
BINABASA MO ANG
Before Anything Else
FanficSabi nga nila, we sometimes find the one in the most bizarre places and circumstances. Pero paano mo nga ba malalaman kung siya na talaga? Will it be under destiny's control or kailangan ng sariling sikap? Set in an alternate universe, find out how...