7

20 2 0
                                    

M

"Is this seat taken?" , nagulat na lang ako nang narinig ko ang boses ni Alden sa harap ko. Medyo intesne kasi ang panonood ko ng bago kong addiction - Weightlifting Fairy Kim Bok Joo.

"Please have a seat," ngiti ko. "Pero seryoso, nagulat ako sa'yo, ha."

"Sorry, 'di ko sinasadya. Kamusta pala tulog mo?"

"Okay naman, ang saya kasi ang lamig. Ano oras na kayo natapos kagabi?"

"Well, 'di na ko masyadong nagtagal kasi pagod na rin ako dahil sa byahe. So shortly after natin magkita umakyat na rin ako sa room ko."

"Mukha namang well rested ka na. Good for you," ngiti ko.

Nagpatuloy kaming kumain ng aming almusal habang nag-uusap tungkol sa aming mga buhay sa Manila. 'Di rin nagtagal ay sumunid bigla ang mga kaibigan ni Alden at nakiupo sa table namin.

"Hi, you must be Den's friend," sabi ng babaeng kakaupo lang. Ito siguro si Julie. "I'm Julie and this is Troy." Siya nga.

"Nice to meet you," nakipagkamayan ako sa kanila. "Maine," ngiti ko.

"I hope you don't mind us sharing a table with you guys."

"No, it's fine," sagot ko kay Julie.

"So... Maine, nakapag-decide ka na ba kung sasama ka sa'min today?" Tanong ni Jerald.

"Maine, you don't have to. 'Wag kang ma-pressure dito sa mokong na 'to," sabi naman ni Alden.

Sa totoo lang nalimutan ko na ang offer ni Jerald last night. Masyado akong nadala sa pinapanood ko kaya hindi rin ako masyadong nakapag-plano ng itinerary ko for today. "Hmm, actually wala pa akong solid plan for today pero balak ko dapat pumunta ng La Trinidad for strawberry picking."

"Alright, La Trinidad it is!" Sigaw ng Jerald.

Nagtinginan kami ni Alden at ngumiti. Halatang medyo nahihiya siya para sa kanyang kaibigan. Nakakatawa.

"Actually, I haven't been there also for the longest time. Perfect timing 'to," sabi naman ni Troy.

"Alright, game!" Sabi ni Julie.

"Game din ako," tingin sa'kin ni Alden. "Ano Maine?"

"Game."

"Ayan na pala ang newly weds, o!" Bati ni Jerald.

"How was your sleep guys? Mukhang pagod na pagod kayo from last night, ah?" Sabi ni Alden.

"Loko. Pero masarap matulog sa tabi ni misis," biro ni Sam kay Pat.

"Syempre naman," biglang napatingin sa'kin si Pat. "Oh, hi there! You must be Alden's friend. We've heard a lot about you!" Nagulat na lang ako ng bigla siyang bumeso sa'kin.

"Sam, Pat, this is my friend, Maine," pakilala ni Alden sa'kin.

"Friend??? 'Di nga?!" Asar ni Jerald.

"Nice to meet you, Maine," ngiti ni Sam. "Balita ko sasama ka sa'min, ah?"

"Pumayag na, paps," kindat ni Jerald sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Before Anything ElseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon