Dery #1

39 4 4
                                    

Dear Dery,

Hello, Dery! Kamusta? Uy, may iku-kwento ako sa'yo. Hulan mo! Hulaan mo! Pero syempre 'wag na. Hihihihi.

Nagpagupit ako today. Pero below the shoulder pa rin. Ayaw ko kasing above e. Pangit. Di bagay sakin heheh. Sinamahan nga pala ako ni Tasha. Syempre, dahil sinamahan niya ako, nilibre ko siya ng Mcdo. Alam mo naman yung babaeng 'yun, ang takaw! Nagtataka nga ako kung bakit di tumataba 'yun e. Tss! Hanggang nagyon kasi payatot pa rin siya kahit na ang takaw niya. Pero bakit ako, mukha na akong baboy?

Eeeehhh! Oh nga pala, speaking of baboy, kanina binati ako ni Sceven hihihi kinilig ako. Ay, baka di mo kilala 'yun. Si Sceven, crush ko siya kaya lang pangit ako kaya di niya ako napapansin. Heartthrob kasi yun, alam mo na peymuth. So, anyway kinilig ako kanina kasi hihihi wait, kinikilig ako hihihih sandali lang Dery kinilig pa ako e hihihi. Okay na, hihihihi so ayun nga kinilig ako kasi hihihi sabi niya ang taba ko daw heheheh. At least naapansin niya ako diba? Buti nga kinompliment niya ako e. Na-touch tuloy ako. Hanggang pag-uwi ko sa bahay naka-ngiti ako. Kaya nabatukan ako ni Mama. Mukha daw kasi akong baliw naka-ngiti na ewan heheheh sabihin niya inggit lang siya hehehehe.

Pero syempre hindi mawawala ang drama ngayong araw. Ayun kanina, bago kami kumain ng dinner, umiyak muna ako sa C.R., naghilamos muna ako hanggang sa mawala ang pag kamula ng mata ko at ilong para hindi halatang hindi ako umiyak. Kasi ba naman si Mommy, kinagalitan ako. Hawak ko kasi si Xian, yung 7 month old na baby na inampon nila. Ayun, sinigawan ako baka daw mahulog ko e. Nakuuuuuu! Letse lang talaga! Pasalamat sila kahit ampon yung si Xian, mahal na mahal ko 'yun. Di ko sinisisi yun kahit na napapagalitan ako dahil sa kanya, pasalamat lang talaga siya love ko ang mga babies. Ang ko-kyot nila eeee! Ayun, kinagalitan ako kaya naiyak na naman ako. E konting sigaw nga lang nila naluluha na agad ako e. Oo, Dery. Ganun ako ka-emotional! At oo na, ako na ang drama queen! Syempre kahit drama queen ako, hindi ko pinapahalata sa kanila, for short di nila alam na umiiyak ako. Jusme, kung alam lang nila twing nasisigawan ako o kaya nakakagalitan nila, naluluha na agad ako e ang end no'n iyak ang lola niyo. Kaya agad-agad akong pupunta sa C.R o kaya sa room ko para magdrama. E halos hindi lumilipas ang isang linggo na hindi nila ako binubungangaan e. O kitams, Dery, syempre iyak ako ng iyak. Shete lang talaga sila. Pasalamat sila hindi na ako masyadong sumasagot at lagi na lang akong walang imik. Nakuuuu lang talaga. Sige na may pasok pa bukas. Good night na, Dery! Mwah!! Sleep tight, baby!!

Ganda ko, Xia.



***

Author's Note:

If naguluhan kayo. Yung Mama = Lola yun then yung Mommy = Nanay niya talaga 'yun. So if may katanungan kayo, don't hesitate to ask me. Don't worry di ako snobber. Choss! Hahaha Pagpasensyahan ako'y isang hamak na engliserang kokak lamang, vow!

Dear DeryWhere stories live. Discover now