Dery #3

15 2 6
                                    

Dear Dery,

Hi, Dery! Ilang araw din kitang hindi nasulatan, pasensya na. Alam mo naman. Nag-drama noong last time na entry ko dito.
Alam mo, Dery, ang daming nangyari nung mga araw na di kita nasulatan.

Last night, nag-check ako ng FB ko. Wala lang gusto ko lang. Scroll down, scroll down. Hanggang sa makita ko yung pangalan ng classmate ko dati nung grade four, Si Anika. Last time kasi na balita sa kanya, nag-migrate na daw sila ng family niya sa U.S e. Hindi naman ako naniwala agad. Kaya kinlick ko yung pangalan niya para makita ko yung profile account niya. Tama nga sila, nasa U.S na siya. Naka-stated kasi dun na nakatira na siya sa Los Angeles, California. At halata din sa mga photos niya na talagang ibang bansa na yun at hindi na Pilipinas. Profile picture niya kasi nakabonnet siya tapos nakajacket at boots. Winter ata. Nakaka-inggit tuloy. Alam ko namang hindi dapat ako ma-inggit kasi meron naman ako na wala siya pero knowing na naka-pag-airplane na siya at nakatira na siya sa ibang bansa, ayun ang nakaka-inggit. Naging close rin naman kami kahit papaano back then. Kaya lang sadya talagang mayaman ang pamilya niya kaya nakukuha niya lahat ng gusto niya, napupuntahan niya ang mga gusto niyang puntahan. Hindi tulad ko.

Nakatatak sa isip ko yun, kahit nang patulog na ako hanggang sa school ini-isip ko pa rin yung status ng buhay ni Anika. Nakak-inggit lang talaga. Buti na lang at pumasok na si Tasha kaya may kausap na ulit ako kanina. Kaso kapag nga naman sinumpong ng kalokohan ang gaga, kung anu-ano gagawin. Meron kasing dala si Bie, na tansan yung nakalusot sa alambre. Ayun, nakita ni Tasha kaya hiniram niya at ang malupet pa, Dery. Hinila niya ako tapos pinahawak sakin yun. Tapos bigla siyang kumanta. "Sa may bahay..." parang nangangaroling lang. Ang masama pa, ako daw ang tutugtog tapos siya yung kakanta. Tss! Jusme, loka-loka talaga 'yun. Kaya yun, kahit ayaw ko tumugtog pa rin ako. Sabi niya pa nga hahatian niya daw ako sa pera. Tsk! As if namang may magbibigay. Tss. Pero unbelievable nga naman. Dery, akalain mo bang sa room pa lang namin naka-bente siya. Ewan kung anong ginawa ng gaga. Hayy... next nga sabi niya sa ibang section naman, tutal naman daw walang mga teacher. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun. Kahit anong pilit niya sakin na sa kabilang section naman, hindi ako pumayag. Samahan ko daw tapos bibigyan niya ako ng pera, ha! Neknek niya! Nakakhiya kaya. Tsaka...tsaka...section na nila Sceven yun eh nakakahiya. Oo, gusto ko yung offer niya, gipit kasi ako ngayon e kaso kila Sceven na yun, kaya kahit gusto ko nung offer, hindi pwede. Kahihiyan ko kaya nakataya 'no! Hihihihihi pag talaga si Sceven eh. Heheh

Pero alam mo, Dery. May na-realize ako. Bakit ako maiinggit kay Anika, e andyan naman si Tasha na lagi akong pinapasaya kahit na hindi halata, deep inside masaya akong kaibigan ko siya. Hindi ko na pala kailangan pang mainggit kasi kahit na iisa lang atleast may kaibigan ako. Very opposite nga lang ng personality namin. Pero love na love ko 'yun. As in! Peksman, cross my heart! E? Ganun ba yung linyang 'yun? Heheheh Whatever!

Alam mo kasi, Dery. Sa iyo ko lang pinapakita-I mean, sinusulat nga pala, kung ano nga ba talaga ang nasa loob-looban ko. Alam mo yun? Deep emotion ata tawag dun. Ewan! Anyway, ayoko kasi ng reality ko e. Kaya parang...uhm...paano ba 'to? Well...parang kung ano ang mga sinasabi ko dito o inaasta ganun ang ini-imagine kong ako SANA sa reality ko. Ang gulo. What I mean is, sa reality ko, tahimik lang ako. Downcast nga e. Secretive. Minsan lang ngumiti, kapag nakita si Sceven hehehe. Problematic. Tapos hindi pa ako pala-imik. Friendly ako, ayun ang alam ko. Pero sabi nila, hindi naman daw ako friendly e. Kaya, Dery. Pagpasensyahan mo na kung medyo madrama ako minsan ah. Drama queen kasi e heheheh. O kung minsan may mood swings ako. Like 'yung previous entry ko, parang ang landi-landi ko tapos kasunod drama na. Pasensya na ah. Oo, secretive ako. Pero, Dery, dahil ikaw ang aking diary, I trust you at hindi ako magse-secret sayo.

Katulad ng taong dahilan kung bakit ka na sakin ngayon. Pinagkakatiwalaan ko din siya, kaya hindi ko siya pinaglilihiman. Gagawin ko din 'yun sayo. Mahalaga ka sa'kin, Dery dahil galing ka sa isang taong mahal na mahal ko. Kaya iingatan kita. Dery, I'll try my best para maging mas maganda ka pa heheheh.

Hala, Dery! Ang drama ko na sa'yo huhuhu baka mainis ka na niya. Galit ka ba? I hope not. Heheh sige na. Inaantok na ako. Good night! Malapit na ang bakasyon, hoo! Oops! Share lang! Heheheh

Magandang nagmamay-ari, Xia.

***

Oy, comment naman kayo kung okay lang ba 'tong story ko. Feedback lang naman oh. Sige na pleaseeeeee! Hehehe kulit ko XD sensya, makulit talaga ako e. Heheheheh

Thank you nga pala kay BlurBianca dahil in-add niya ang aking One shot story na Regret sa kanyang Reading List hihihihii enebe! Kenekeleg eke heheheh But seriously, thank you, girl. Yeah, others may say that was just a little thing but it really means a lot to me. Thank you, again. (Open niyo na rin kung gusto niyong malaman kung about saan ang Regret hehehe One shot lang naman yun e heheheheh, nagpromote lang XD)

Dear DeryWhere stories live. Discover now