Dear Dery,
Dery, ang lungkot ko ngayon. Wala kasi si Tasha kanina sa school, absent. Edi syempre, loner na naman ako. Tina-try ko makipag-usap sa mga iba kong classmates kaso, ayaw nila makipag-usap sa'kin. Out of place talaga ako kanina, Dery... Tsaka, ang masakit pa out of place na nga ako, kinagat pa ng mga surot yung legs ko. Peste kasi yung mga upuan eh. Kahoy na luma na tapos sira-sira pa, kaya may surot. Sa public school lang kasi ako nag-aaral e.
Pagka-uwi ko ng bahay, bigla na lang akong sinabunutan ni Mommy. Inaawat na siya ni Mama kaso ayaw niya pang tumigil. Sabi niya pa habang sinasabunutan ako, nabasag ko daw yung mug na galing pang hongkong disneyland. Iyak na ako ng iyak.Ilang beses na rin akong nag-sorry. Di ko naman kasi sinasadya. Naiisip ko non, Dery, bakit mas pipiliin ni Mama na saktan ako dahil sa isang bagay lang? Siguro galit na galit siya kasi iisa lang 'yun. Hanggang sa tumigil siya, iyak pa rin ako ng iyak. Hindi naman kasi physical yung masakit e, emotional. Umakyat agad ako sa kwarto kinatok-katok ako ni Mama kaso ni-lock ko ang pinto at hindi ko siya binuksan.
Bakit sila ganun, Dery? Parang wala na akong lugar kahit saanman ako magpunta. Dery, ikaw na lang ang siguradong panghahawakan ko hanggang huli ah. Wag mo kong iiwan ah =)
Promise. Katulad ng ipinangako ko kay Kuya Xian.
Xia
YOU ARE READING
Dear Dery
Teen FictionXia. A mysterious and secretive person. She keeps all her emotions by writing on her pink notebook. Which she called Dery. Dery is like a journal. For short, Dery is her diary.