Dear Dery,
Kauuwi ko lang. Galing kasi ako sa The Shelf.
Ilang araw na rin akong nagmamalagi sa The Shelf. Simula ng bakasyon, lagi na lang ako tumatambay dun. Hindi naman issue kay Mommy 'yun. Para ngang mas masaya siya kapag wala ako sa bahay e. Noong una, every week lang ako pumupunta sa The Shelf pero kalaunan halos araw-araw na rin. Pasalamat na lang ako na binibigyan ako lagi ni Mama nang pamasahe. Kaya love na love ko 'yun e. Hihihihi
Dery, alam mo twing pumupunta ako sa The Shelf naiisip ko lang na bakit kaya may mga taong tulad ko na gugustuhin na lang na pumunta sa tahimik na lugar at makipag-usap sa mga libro. Actually kasi, pumupunta lang naman ako dun kasi may free wi-fi saka air-con hihihi wala kasi kaming wi-fi e XD pero yung iba talagang pumupunta dun para magbasa. Na-curious tuloy ako kung anong nadudulot sa kanila ng mga libro e. Tsaka mukhang nakakahilo pa naman ang mga yun dahil yung iba english. Grabe, siguro pag ako nagbasa ng english, nakuuuu! Baka pag-usi ko sa bahay dumudugo na ilong ko >.<
Anyways, masaya naman akong pumupunta sa The Shelf hihhihi free wi-fi, baby! Lol. Pero seriously, kanina bigla kong naalala si Sceven. Haaayy.. magka-classmate pa kaya kami next year? I hope so. Huli ko siyang nakita nung pirmhan ng clearance e tapos wala na. Ewan kung nasan na siya. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hmmmm... bakasyon ngayon, summer. Hindi imposibleng nasa beach din yun tulad ni Tasha. Speaking dun sa bruhang 'yun, aba! Pirmahan pa lang ng clearance, di na pumasok kasi daw magha-Hawaii ata sila. Iba talaga ang mayayaman -_- kaya kinalabasan, ako nagpapirma ng sa kanya. Wala naman siyang kulang na requirments kaya okay lang. Pero Dery, alam mo, kahit na hindi kami close ni Sceven, okay lang. Basta crush ko siya ihihihi kahit hindi niya na ako mapansin, okay lang. As long as I could see him from afar, okay na 'yun. E? Mukhang wrong grammar ah >.< Naku, wapakels na! Satin-satin lang naman, Dery e hihihihi Sana ngayong summer makita ko si Sceven kahit wag na si Tasha basta siya lang okay na ako heheheh kapal ko talaga XD
Wala na akong ibang masabi e saka kailangan ko ng matulog mamaya madatnan pa ako ni Mommy na kung anu-ano ginagawa, talakan pa ako nun e. Next time again, Dery. Mwaaahhh :***
Xia
***
Hello, hello! Advance Merry Christmas everyone! Oh kamusta? Nakapagbalot na ba kayo ng mga regalo? Ehem...ehem.. wag..ehem...kalimutan akin ha.... heheheh jwk lang hihihi. Kapal naman masyado mukha ko. Christmas vacation ngayon kaya enjoy your vacation with your loved ones.
Oh nga pala, almost 1 year na rin ng simulan ko ang Love: 100% Sakit ng Ulo. At 4 chapters pa lang ang nasusulat ko. Ang sipg ko 'no? Pasensya, na-writer's block lang ako. Or should I say na nawalan ako ng ganang i-UD yun. Actually, wala sa inyo ang problema, na sakin! Hahahah Chos! Anyways, ang mali ko lang kasi bi-nase ko ang story na 'yun sa real life kaya nang mag-iba ang real life para na ring nag-iba ang kwento kaya ayun, naguluhan ako. Ending, walang updatw. Oo, ilang beses ko nang sinabing babaguhin ko 'yun. At madadagdagan pa ang ilang beses na yan. Dahil this time, it will be the last time I'll edit and change that story. But if I didn't succeed, then I'll delete that story even though it has already 500+ reads. Yeah, nakakahinayang. But you got my word. Last na talaga 'to. Starting of January or before the year ends, ia-UD ko yun. Give me 1 month pag hindi ko pa rin itu na-UD ng Month ng January then when February comes, it will be deleted. That's all I wanna say. May wrong grammar ba? Well, sorry. Nagi-improve pa lang ang aking english hihii. Thanks =)
YOU ARE READING
Dear Dery
Teen FictionXia. A mysterious and secretive person. She keeps all her emotions by writing on her pink notebook. Which she called Dery. Dery is like a journal. For short, Dery is her diary.