Tasha's POV
Nasan na ba 'yung babaeng yun? Sabi ko naman kasi sunduin ko na siya e. Yan tuloy, naguguluhan ako.
Teka, tanda o pa ba kung saan ang bahay niya? Eh... magtanung na lang ako, mabuti pa. Oh, ayun may Ale, mukhang mabait. Makapgatanong nga.
"Excuse me po, ahmm.. saan po yung bahay ni Xia Ramirez?" tanong ko nang makalapit ako dun sa ale. I think nasa 40's na siya. Pero infairness, hindi halata. Mukhang nago-Olay si Ate ah.
Kumunot ang noo niya sabay kamot sa batok. Parang lalaki lang ah "Naku, Hija, kanino bang anak 'yang sinsabi mo? Baka kilalako na lang ang mga magulang niya"
Eh? Ano nga bang pangalan ng mader niya? Letter X din alam ko nag-uumpisa 'yun e. Ay, ano ba kasi 'yan. Bruha kasi ang kanyang Mader kaya di ko tintandaan. Ah! Si Mommy na lang, yung lola niya. Ooh, nakiki-mommy ako.p XD
"Uhm, di ko po alam name ng nanay niya. Pero yung lola niya po, Pilar po ata ang pangalan."
"Pilar?" Tila nag-iisip naman si Ate, kilala niya kaya? Teka, sure ba akong Pilar pangalan nung lola niya? Eh, ehhehe XD
"Ah!" Grabe naman itung si Ate nanggugulat. Parang my bulb na umilaw sa ulo niya ah. OA lang. Kaloka! "Si Pilar, yung apo niya yung mukhang timang? Yun ba?" What? Timang? Eh g*go pala 'to e. Kaibigan ko yun tapos TIMANG! Siya kasi LASPAG NA! "Naku, diretsuhin mo lang yan tapos kumaliwa ka hanggang makita mo yung nag-iisang bahay na maganda. 'Yun na 'yun!" Nakangiti niya pang sabi.
Bigwasan ko kaya 'to, tinawag ba namang TIMANG ang bff ko! Gusto niya ata ng away e. Dahil mabait ako at matanda sa akin si Ateng LASPAG, pinasalamatan ko siya pero may pahabol ako bago ako umalis. "Ate, hindi ho timang 'yun. Talagang tahimik lag ho siya at may sariling mundo. Tulad niyo, may kakaibang kalaspagan!" Saka ako nagtatakbo palayo dun.
Sinunod ko ang turo ni Ateng Laspag. Nagdire-diretso ako hanggang sa makita kong may daang pakaliwa kaya kumaliwa ako. Sabi niya, makikita ko daw yung nag-iisang magandang bahay. Tanga ba siya? Ang lalaking bahay ang nandito tapos magaganda pa e. Paano naging nag-iisa ang bahay nila Xia. Kung minamalas ka nga naman, nakapagtanong ako sa laspag na nga, abormal pa.
Ay, naku! Nakalimutan ko pa man din itanong kung anong no. ng bahay. Ayoko nga bumalik dun, mamaya awayin niya ako kasi tinawag ko siyang laspag. Naku! Hindi siya marunung tumanggap ng katotohanan pag ganun, hayyy...
Paano ko sisimulan 'to? Hmmm, alam ko na! Kakatukin ko na lang lahat ng bahay! I am very very so bright-teka. Eh ang dami dami ng bahay dito ah. E? Basta wag nega. Kaya 'to! Aja!
Nagsimula na akong mangatok, "Hi. Si Aling Pilar po?" Tanong ko nang bagbuksan ako ng pinto. "Ha? Walang Pilar dito, Hija." Nanghingi na lang ako pasensya.
Naka-ilang katok na rin ako at puro, hindi daw nila kilala yung Pilar na sinasabi ko. Hay. Napapagod na ako. Lampas na ata sa sampu ang nakatok ko e. Saan ba kasi nakatira yun?
Naupo muna ako sa tapat ng isang malaking gate, maganda rin ang bahay na ito. Maya-maya pa biglang bumukas ang maliit na gate ng bahay na kinauupuan ko. Hindi na ako tumayo, dahil sa pagod. Tiningnan ko lang yung lumabas. Matandang babae ang lumabas dito sa bahay na ito. Siguro nasa 50's na rin 'to. Pero mukhang bagets kasi mayaman. Lumakad siya palayo sakin, pinagmamasdan ko lang siya. Gusto ko man magtanong kaso baka mamaya wala na naman silang kilalng Pilar kaya wag na lang. Nagtapon ng basura yung matanda at pagkatapos nito ay naglakad na siya pabalik.
Nagkatinginan pa kami. Di ko naman 'to kilala ah. Ba't parang kinikilatis niya ako? Dahil ba nakaupo ako dito. Wala naman akong gagawing masama 'no. Iniwas ko ang tingin ko dahil parang nailang ako sa tingin niya. Bumukas na yung maliit na gate, pero di ko narinig na nagsara ito as a sign na nakapasok na siya.
"Natasha?" Tinawag niya ako? Baka naman nabingi lang ako. Oo tama na- "Natasha." Napatingin ako sa kanya. Hindi nga ako nabibingi, ako nga ang tinatawag nito. Nakakunot ang noo ko habang tinitingnan ko siya. Bakit ako kilala nito, di ko naman siya kilalal.
Ngumiti siya sakin, "Natasha, anong ginagawa mo dito? Ba't di ka kumatok?" Eh? Kilala ko ba 'to?
"Ahmm, opo, Natasha ang pangalan ko pero di ko po kayo kilala e" nahihiya kong sabi sa kanya.
Imbis na magsalita siya, tumawa siya ng pagkalakas lakas kulang na lang maging witch siya sa taw niya. "Naku! Talagang effective pala ang ginawa ni Dra. Belo sakin ah. Hindi mo ako nakilala." Natatawang sabi niya habang hinahaplos yung braso niya. Nagpa-Belo daw. "Haaayy.. Si Mamita 'to."
Eh? "Mamita? As in yung lola ni Xia?" She nodded. " Ah, bumata nga po kayo he-he-he" I laugh awkwardly. Hindi ko ma-imagine na nagpapa-Belo pa pala 'yun. May kaya lang naman sila Xia, at hindi mayaman-according to her. Pero maarte lang daw talaga ang lola niya kaya kung anu-ano pinaggagagawa.
"Ahmm.. si Xia po? Aayain ko lang po sanang gumala. You know, hang-out." Buti na lang talaga mabait 'tong lola ni Xia. Close pa kami. At sabi niya pa tawagin ko na lang daw siyang Mamita. Oh see, arte 'no? -well, according to Xia.
"Ay, wala siya dito, Natasha. Nauna ng gumala. Ewan ko ba dun sa batang yun, kung saan saan nagpupunta," saan naman kaya pupunta 'yun? "Teka, sabi niya nasa Hawaii ka daw, ano ginagawa mo ngayon dito?" Malamang sa malamang, nandito ako dahil naka-uwi na ako. Haay.. iba na talaga pag tumatanda, nagiging slow.
Dahil magalang ako, at lola 'to ni Xia at kahit slow siya, sasagot ako ng maayos. "Actually po, hindi po kami natuloy dun sa Hawaii. Ahmm, sige po pakisabi na lang po sa kanya pumunta ako. Sige po una na ako." Inaya pa niya akong pumasok sa loob ng bahay, kaso tumanggi na ako. Buti kung nanadyan si Xia, okay lang kaso wala siya. Saka kahit na close kami ng lola niya, nakakahiya pa rin.
Hmmmm... saan naman kaya pumunta yung babaeng yun? Hindi naman gala. Pero sabi ng lola niya lagi na daw siya gumagala. So, talagang naging gala na siya? Kailan pa at bakit hindi ko alam?! Ay, ano ba 'tong naiisip ko. Masyado ng madrama. Well, well, well. I'll find out kung bakit at saan gumagala yun! Wahahahahahhahahaah!
***
Sorry, pag talaga may mga POV na, medyo natatagalan at nahihirapan na ako e. But don't worry, I'm doing my best XD
YOU ARE READING
Dear Dery
Teen FictionXia. A mysterious and secretive person. She keeps all her emotions by writing on her pink notebook. Which she called Dery. Dery is like a journal. For short, Dery is her diary.