Dery #4

10 3 0
                                    

Dear Dery,

Haayyy... Grabe, Dery. Ang dami nangyari ngayong araw. Nakaka-asar na nakakatuwa na nakakapagod ang araw na itu. Haayy.. one week na lang pala at bakasyon na. Naisulat ko na ba yun, Dery? Anyway, as I was saying. Uy, english yun hehehee. So, ayun nga, one week na lang at tapos na ako sa grade nine. Isa na lang, senior high na ako. Excited na akong pumasok sa senior high hehehe.

Alam mo, Dery kanina naggala kami ni Tasha. Sabi niya kasi friday naman at malapit ng magbakasyon. Mamimiss niya daw ako, baka daw kasi mag out of town sila ng family niya e. Tsk! Maniniwala na sana ako, Dery e. Kaso sabi niya mamimiss niya daw ako. Si Tasha, na mahilig maggala at nakakalimutan ako tuwing nag-eenjoy siya, mamimiss ako?! Neknek niya! Style niya bulok! Gusto niya lang may kasama maggala e. Kung anu-ano pa sinasabi niya. Tss! Dahil alam kong makulit siya kaya pumayag na akong maggala kami kasi nga DAW mamimiss niya ako, che! Ayun, sumakay kami ng jeep papunta sa Infinity Mall, dun na lang tutal malapit lang 'yun. Kaso ang nakaka-inis, nagbago daw siya ng isip niya. Buset diba, Dery? Diba?! Bago isip, bago isip, leche!

Kaya instead na sa Infinity Mall lang kami, ayun tumawid pa kim kasi mas gusto niya daw sa The Shelf. Tss! Sabihin niya, gusto niya lang dun kasi pwede magbasa dun, kahit na hindi ka bibili. Sarap sabunutan, Dery e! Kung anu-ano sinasabi niya e obvious naman kung ano talaga gusto niya. Ayun, ang nakaka-inis e. Anyway, dahil may 5 floors ang bookstore na 'yun at alam naman nating may pagka-ano si Tasha, ayun! Hinila agad niya ako sa elavator at pinress ang 5. Diba?! Abnormal 'no?! Fifth floor agad, sabi niya kasi daw dun tahimik tsaka kapag daw tahimik don daw ang lungga ng mga gwapo. See?! Buti na lang talaga, hindi ako eskandalosa, kahitna hahablutin ko na sana buhok niya. Ginawa ko, hinaplos ko na lang para mawala inis ko.

Dery, paminsan talaga nakakhiyang kasama si Tasha e. Tss! Kasi ba naman kanina nung nakita niya yung kadami-dami ng stocks nang gusto niyang book, ayun! Nagtatalon. Tapos niyakap-yakap niya pa at may pasabi-sabi pa siyang, "My babies!" Napatingin tuloy yung ibang kalahi niyang bookworm na nerds. Ewan ko ba. Umupo kami sa sahig tapos. Binasa niya yung synopsis. Paulit-ulit lang. Sabi ko sayo, Dery e. Sirang plaka ang babaeng yun. Akala ko nga bibili siya, 'yun pala kinuhanan niya lang ng picture yung mga stocks. Tapos may ipo-post niya daw sa IG. May pagkabaliw talaga. Tsaka alam mo, Dery napansin ko yung title nung libro nung pagtayo ko. "To all the boys I've loved before". Jusme. Lumalandi na talaga si Tasha. Bakit niya nagustuhan ang librong itu? Marami na ba siyang minahal, at ba't hindi ko alam? Naku, baka mamaya pagkakita kona lang sa kanya umbok na tiyan niya—Wait! Nago-overthinking naman ako. Eh? Overthinking? May salitang ganun? Arrrghh! Wateber!

Pagtapos namin sa The Shell, ayun natuloy na kami sa Infinity kaso sandali lang, nilibre lang niya ako ng ChattyMinute. Yung ice cream na pagkasarap-sarap kaso mahal na nga, tataba ka pa, kasi nga masarap. Nilibre niya ako, di naman ako umangal para naman makabawi siya dail sa inis na dinulot niya kanina. Ang kaso lang tataba ako nito, mukha na nga akong baboy tapos tataba pa ako. Ano pang itsura ko diba? Eh yang Tasha na 'yan, ewan o ba kung bakit hindi tumataba. Parehas naman kaming kain ng kain kaso ako lang ang mukhang baboy, siya mukha pa rin siyang butiki na payatot. Alam mo yun, ang unfair labg kasi! Grrrrr!

Kaya pag-uwi ko dito sa bahay, bunganga na naman ni Mommy sumalubong sa'kin pero dahil sa pagod wala na akong naintindihan. In the end, knock-out ako.

Oh, ayan ang dahilan kung bakit nakaka-inis na nakakatuwa na nakakapagod ang araw na itu. Ayan huh. Kinwento ko na, Dery. Aaahhhhhh! Naghihikab na aku, antok na. Tutulog na ako huh? Good— Ting! Ting! Ting! Knock-out!

Magandang mukhang baboy, Xia =)


***

Mukhang ang lame ng update na itu. Wala pa kasi kong naiisip na maganda, gandang inspiration e. Bawi na lang next time. Pag-tyagaan muna itu. Heheheheheheh XD


Dear DeryWhere stories live. Discover now