Dear Dery,
Peste na yan! Pag uwi ko kahapon kinagalitan ako ni Mama. Akala ko si Mommylang ang nagbubuganga sakin, yun pala si Mama din. Tss! Kainis kasi e. Kinagalitan niya ako kasi daw gala ako ng gala tapos pumunta daw si Tasha at wala daw ako. Gulat na gulat ako ng sabihin ni Mama na pumunta si Tasha. Kasi ba naman nasa Hawaii siya e...or so I thought. Syempre nagtanong ako ng nagtanong sa kanya kaya nalaman ko lahat ng sagot sa mga tanong ko. Di daw natuloy sila Tasha sa Hawaii tapos ang lola ko, ay! Proud na proud kasi daw di siya nakilala ni Tasha. Malamang! Ikaw ba namang magparetoke kay Belo e, syempre walang makakakilala sayo. Jusme.
Dapat kahapon ko pa kinuwento sayo to e kaso knock out agad ako paghiga ko dito sa kama. Pero hindi lang yan ang iku-kwento ko, Dery. Well, galing na naman ako sa The Shelf kanina pero at least may nangyaring maganda ngayon. Hihihihi nakakakilig! Hulaan mo munaaaaaa! Kaso alam ko namang hindi mo mahuhulaan kaya ikwe-kwento ko na.
Kanina kasi nasa may fountain ako sa tapat ng The Shelf Wala lang, nag-iisip kung anu-ano. Like kung ano pwedeng maging negosyo ngayong summer na patok, at kung paano ako kikita, basta! Kung anu-ano. But then suddenly, napalingon ako sa entrance/exit ng The Shelf. And shoot! Papalabas pa lang si Sceven tapos huminto sila saglit. May kasama kasi siya e, ewan kung sino yun tsaka wala akong pake dun. Out of the blue, parang may something sakin na nagpu-push na lapitan ko siya. Di ko alam kung bakit. Maybe papasok lang sa The Shelf para mapadaan sa harapan niya. Papansin lang ganun. Dahil ewan ko ba sa sarili ko, tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko para makapunta sa kanila.
Super kaba ko, at the same time kinikilig din. But then suddenly, nung malapit na ako sa pwesto nila, biglang may bumangga saking batang babae. Ang masaklap pa, may hawak siyang chocolate ice cream. Ang ending natapon sa damit. Nakakahiya baka kasi nakita ni Sceven yun e. Kaya bumalik na lang ako sa may fountain humarap ako dun para di ako mapansin ni Sceven. Yung bata naman, syempre inosente, yung Mama niya ang nag-sorry. At dahil understanding ako, sabi ko okay lang. Mantya lang naman. Pero bunganga na naman ni Mama ang kapalit nitong mantya. Haaay... anyway, yun nga habang pinupunasan ko ng tissue yung damit ko, biglang...biglang...WAAAAHHHH!!!!! KYAAAAAHHHHH!!!!! may kumalabit sakin. At first akala ko yung nanay na naman nung bata kaya kahit di ko pa hinaharap sabi ko 'okay na po'.... but then pag harap ko... SHET! Si Sceven, inaabutan ako ng panyo. Hihihi paubos na daw kasi tissue ko. So, nakita niya yung nangyari? Wala na aoong paki dun. Kasi INABUTAN NIYA AKO NG PANYO! After nun, umalis na siya, sabi niya pa next time daw dapat tumingin ako sa nilalakaran ko. Grabe! Nakakakilig. Kahit na ang sungit niya na may pagka-mapang-asar, helpful pa rin talaga siya. Kaya kahit na binungangaan na naman ako pag uwi ko, nakangiti lang ako. Masyadong maganda ang araw ko para sirain ng bunganga ni Mama e.
Haayyy... Sceven, what you did earlier made me likes you even more =)
Pumapag-ibig, fine ♥
Xia.***
Almost one month walang update ah. Maramig problema. Hahahahaha about books lahat. Anyways, ang ganda ng To All the Boys I've Loved Before by Jenny Han. Basahin niyo, ganda e =) Ay, nag-promote hahahah Thanks nga pala sa inyo dahil #875 na ang Dear Dery sa Teen Fiction hahahaha ang saya ko lang talaga nung mabasa ko ang about jan hahaha. Kahit 800+ yung rank niya hahahah. Enjoy reading, guys!
P.S. Wala pong bayad ang Vote at Comment. Libre po yan hahahahah XD
YOU ARE READING
Dear Dery
Teen FictionXia. A mysterious and secretive person. She keeps all her emotions by writing on her pink notebook. Which she called Dery. Dery is like a journal. For short, Dery is her diary.